CHAPTER 3: SEATMATE

95 48 0
                                    

CHAPTER 3: SEATMATE

AMETHYST AMBER DE VILLA POV

Nandito na ako ngayon sa loob nang classroom. Hinhintay yong terror teacher namin. Maya maya may dumating. Akala ko si ma'am si Luke lang pala. Tapos nagulat ako bigla sya umupo sa tabi ko. Ehh hindi nya naman upuan dito ahh. Sabagay kahit saan pwede.

"Luke, anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya

"Umuupo alangan diba? Obvious naman diba?" Sabi ni Luke. Aba! ako pinagloloko nanaman nito eh. I mean bakit dito sya umupo eh? Doon yong upuan nya hindi dito sa tabi ko

"Diba doon yong upuan mo hindi dito sa tabi ko?" Sabi ko sa kanya

"Masama ba umupo dito?" Sabi ni Luke sabay ngiti sa akin

"Ahh ehh hindi naman" Sabi ko sa kanya

Tapos biglang dumating si maam. Subject nanaman sa english. Sa kabilang side ko si Jade ang pinakamadaldal sa lahat.

"Amethyst" Sabi ni Jade na parang kinikilig baliw lang

"Bakit?" Sabi ko sabay lingon sa kanya

"Palit tayong upuan" Sabi ni Jade kinikilig naman siya

"Wag na dyan ka nalang" Sabi ko sabay tingin na sa harap

"Madaya" Sabi ni Jade Hala! Nagtatampo na ata ang bestfriend ko ah

Nakinig nalang ako kay maam. After 1 hour nang pang dedescus ni ma'am natapos na din ang klase.

"Goodbye class" Sabi ni ma'am

"Good bye and thank you ma'am" Sabi namin sa wakas tapos na din

"Tara na" Sabi ni Princeraine

Kaya lumabas na kami nang classroom. At tinahak ang hallway. Papuntang cafeteria para mag recess

"Alam mo sis sana nagpalit tayo kanina" Sabi ni Jade ano nanaman ba problema nya ito?

"At bakit naman?" Kunot noo kung tanong sa kanya gusto nya atang katabi si Luke eh

"Ahh Ehh wala wag na nga" Sabi ni Jade

"Amethyst" Sabi ni Lea with her smile on her face ganon talaga kami wala nang ate ate

"Ampon" Sabi ni Krystal Awtss alam ko namang ampon ako hindi na nya kailangan pa ipaglalandakan pa. Bahala na siya sanay naman na ako sa kanya eh

"Bakit?" Sabi ko kay Krystal habang nakatingin sa kanya

"Wala my little sis is finding you" Sabi ni Krystal sabay taray sa akin saka umalis

"Sis yaan mo na yon si ate basta ako ayos lang kahit ampon ka na kahit hindi kita talaga ate" nakangiting Sabi ni Lea medyo gumaan yong pakiramdam ko. Atleast kahit papaano may kapatid pa ako nakakaapreciate sa akin. Sino ba kasing real parents ko?

"Thank you sis" nakangiting sabi ko

"Oo nga pala sis" tapos biglang may kinuha si Lea sa bag nya na baunan "yong baon mo pala diba hindi ka uuwi sis" Sabi ni Lea

"Ahh Ehh oo salamat sis" Sabi ko

"Welcome sis sige una na ako" Sabi ni Lea at umalis na

"Saan ka kakain hindi pa naman kami nagbaon ngayon" Sabi ni Princeraine

"Dito sa school" Sabi ko

"Sinong kasama mo?" Sabi ni Jade

"Wala magisa ko lang" Sabi ko

Tapos demeretsyo na kaming cafeteria at kumain. Tapos klase nanaman. Maya maya pa tapos na at dumeretsyo na ako sa likod nang school. Na may lamesa at upuan. Tahimik doon kasi walang masyadong studyante na pumupunta dito. Kaya tahimik lang. Nang may biglang tumabi sa akin

"Magisa ka lang?" Sabi nya lumingon ako parang tignan kung sino yon? Si Luke lang pala

"Oo" Sabi ko at nagsimula nang kumain

"May boyfriend ka na?" Sabi ni Luke nabigla naman ako doon at nabulunan ako "Dahan dahan lang kasi" Sabi ni luke at kumuha sya nang tubig saka inabot nya sa akin. At uminom na ako

"Ahh salamat" Sabi ko ang awkward naman kasi

"Ayos lang" Sabi ni Luke

"Bigla bigla ka kasi eh" Sabi ko

"Sorry naman" natatawang Sabi ni Luke

"Kain na tayo" Sabi ko

At nagsimula na kaming kumain. Awkward pero pwede na din. Para naman may kasabay ako diba.

"Tapos ka na?" Sabi ni Luke

"Oo" Sabi ko

"Saan ka na pupunta" Sabi ni Luke ang concern naman nya? Bakit naman kailangan nya pa Malaman?

"Sa classroom" Sabi ko nang walang alinlangan na sanang aalis

"Sandali lang dito ka muna" sabi ni Luke sabay hawak nya sa pulsuhan ko

"Ahh Sige" sabi ko at umupo na

"May tanong ako pwede?" Sabi ni Luke mukha syang seryoso ano naman kaya yon? Kinakahaban ako sa kanya

"Diba break na kayo ni Joshua" Sabi ni Luke yon lang pala

"Oo" maikli kong sabi sa kanya

"Mahal mo pa ba?" Sabi ni Luke mahal ko pa nga ba? Hindi na eh pagkatapos nya ako saktan

"Hindi na" Sabi ko nang walang alinlangan

"Paano kung may manligaw sayo? May chance ba sya ulit" sabi ni Luke

"Oo naman" Sabi ko

"Ehh ako pwede ba manligaw?" Sabi ni Luke wait sya manligaw nag pro process pa sa utak ko ayaw mag sink in eh Ehh. Sya gusto manligaw sa akin gwapo sa matalino mabait sikat na basketball player pwede

"Ahh----ehhh--- ahmmmm---- pwede naman" utal utal kong sagot sa kanya bigla naman akong napangiti doon

"Bukas nang 9:00 sa basketball court punta ka sa practice naman huh aasahan kita" Sabi ni Luke nang nakangiti sabay alis na

Ako dito nakatulala. Ayaw pa din mag sink in sa utak ko na gusto nya ako ligawan? At ano daw punta ako sa basketball court bukas anong meron? Napansin ko yong oras 5 minutes nalang start na nang klase namin kaya dali dali na akong pumunta sa klase namin

A/N: Ano kayang meron bukas sa basketball court? Pupunta kaya siya o hindi? Abangan

DESTINED TO HAPPENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon