CHAPTER 13: MOVING ON

51 28 0
                                    

CHAPTER 13:MOVING ON

LUKE MONTENEGRO'S POINT OF VIEW

Umabot na nang dalawang buwan ang eksenang iyon. Hanggang ngayon wala pa din akong girlfriend. At lalong lalo na hindi pa din ako move on sa kanya.

Hindi na ako umiinom. Dahil simulan nong insedenteng yon. Naisipan ko hindi pala sagot lahat nang alak ang problema.

Pumapasok ako sa skwelahan na normal lang. Hindi na ako bumalik sa dating akong chickboy. Masyado palang masakit masaktan. At makasakit nang iba tao dahil minsan ko nalang naramadaman masaktan.

Kaya narealize kong mali ang gawain ko dati. Sobrang madami na talagang nagbago sa akin. Simula nang dumating at umalis si Amethyst sa buhay ko. Dati kong moody napalitan nang napakalungkuting ko.

Tama nga sila mabait talaga si Amethyst. Nginingitian nya ako kapag nagkakasalubongan kami sa school na parang walang nangyari. Pero hindi ko sya makausap.

Hindi ko din sya malapitan. Natatameme ako kapag nakakasalubong ko sya. Gusto ko sya kausapin kaso kapag malapit at kaharap ko na sya walang lumalabas na salita mula sa mga bibig. Kahit paulit ulit pa ako bumigkas nang salita hindi ko magawang makapagsalita at makabuo nang tinig.

Nahihiya pa din kasi ako sa nagawa ko sa kanya. Nagsisi ako na hindi ako agad angexplain. Akala ko kasi galit sya at wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Yon pala hinihintay nya akong magexplain sa kanya. Kasi gusto nya malaman yong buong katotoohanan.

Kaso wala nauna yong takot ko na baka ipagtabuyan nya lang ako na baka lalo pa syang magalit sa akin kapag nagpakita ako sa kanya. Sobrang bait nya iba sya sa lahat nang babaeng nakilala ko. Nalalayo ang ugali nya sa kanila.

Ngayon lang ako nakaencounter nang ganong babae. Bihira lang yong ganon. Sana kung tama na ang panahon maligawan ko sya ulit. At makahingi ako nang pangalawang pagkakataon.

Sana sa panahon na yon pagbigyan nya ako. Pero ayos na muna yong sitwasyon namin ngayon. Hindi nya naman ako snob sa school eh. Pinapansin at ngingitian nya nga ako pero yon lang hindi nya ako kinakausap. Nakakapanibago lang

Kasalukuyan ang naglalakad sa hallway nang school. Oo hindi pa ako move on kay amethyst halata naman eh. Mahal ko sya.

"Hey bro" tawag sa akin ni Jacob

"Yow" sabi ko "musta?" I ask him

"Ikaw dapat tanungin ko nyan?" Nakangising sabi ni Jacob

"At bakit?" Nagtatakang tanong ko. Well! Kasama ko na sya naglalakad kami sa hallway for our subject. May pasok kasi ngayon

"So 2 months  na pala kayong break ni Amethyst" sabi ni Jacob. The hell! How did he know well kahit break na kami walang nakakaalam non

"How did you know bro?" curyosidad kong tanong sa kanya totoo naman yong balita pero kanino galit hindi naman ganon kadaldal si Amethyst

"Chimis, nagkalat na sa campus like wildfire"natatawang sabi ni Jacob

"So chismoso ka na pala ngayon bro" sabi ko at tinignan ko sya nang masama

"No not that look bro alam kong galit ka sorry okay " sabi ni Jacob

"Alam mo naman pala " sabi ko

"Pero ang galing nyo dalawang buwan nyo natago" halos parang amaze na aabi ni Jacob

"Paano nga nalaman?" Tanong kong muli sa kanya

"Nagpost nang announcement si Amethyst to her fb account nya na break na daw kayo, kasi pansin din sa school hindi na kayo nagkakasama pero nagngingitian kayo akala nga namin LQ lang kaso nakulitan at madami na ding nagtatanong kay Amethyst kaya siguro yon sinabi nya na" mahabang paliwanag ni Jacob

"Wait teka may nilagay ba syang mahal nya pa ako sa post liligawan ko ulit sya" napangiti naman ako sa sinabi ko

"Ah ehh wala bro hindi bakit nga pala kaso nagbreak?" nagtatakang tanong ni Jacob

"Long story sige mauna na ako" sabi ko at nauna nang naglakad sa kanya

"Wair bro" sabi ni Jacob at sinabayan nya na ako sa paglalakad at nanahimik na alam nya kasi kapag hindi na ako nagsalita at nanahimik na ako kaya sinabayan nya nalang ako at hindi pa nagtanong.

Pagkapasok ko sa room nakita ko sya. Nakita ko si Amethyst nakaupo sa silya nya at abala sa sinusulat nya. Kung sana lang maiibabalik ko ang dati.

Kaso ikaw na ang sumuko at nangiwan sa akin. Hindi naman kita masisi kasi nasaktan kita. Pero sana alam mong mahal na mahal pa rin kita.

AMETHYST AMBER DE VILLA'S POINT OF VIEW

Nakaupo ako dito sa garden. Uwian na nang tanghali at nagbaon si Jade para makasama ako. Si Raine umuwi na grabe talaga ito si Jade minsan maasahan ko

"Sa tingin mo tamang nilantad mo na officially break na kayo ni Luke" nagaalalang tanong ni Jade sa akin sabay abot nang mineral water kinuha ko naman yon

"Salamat" sabi ko

"Hindi mo pa sinasagot tanong ko Amethyst" sabi ni Jade

"Oo tama lang ginawa ko para matahimik na sila kakatanong bahala na sila, hindi ko na kailangan explain kung bakit kami nagbreak buhay ko to at hindi kanila ayos na alam nilang break kami para wala masyadong issue at tanong" mahabang paliwanag ko kay Jade para matahimik na sya kakakulit sa akin. Kanina pa kasi tanong nang tanong

"Mahal mo pa ba?" Muling tanong ni Jade sa akin. Saglit ako napatigil sa paginom ko nang tubig. Binaba ko yong iniinom ko at medyo napaisip ako mahal ko pa nga ba sya?

"Hindi na" deretsyong sabi ko. Tama hindi ko na sya mahal kaibigan nalang turing ko sa kanya. Himinga ako nang malalim tama hindi ko na sya mahal hindi na masakit. Pagpapangaral ko sa sarili ko

"Mabuti naman kain na tayo" sabi ni Jade at inilabas na namin yong pagkain namin sa school garden kami kumain may upuan at lamesa kasi dito. Nagsimula na kaming kumain gutom na din ako

Napaisip ako sa nakalipas na dalawang buwan nakamove on na nga ba ako? Mahal ko pa ba sya? Hindi na hindi ko na mahal yong lalaking yon

Nong araw na yon iniyak ko lahat. The one day nagising ako narealize ko. Nandyan pa yong pamilya ko, kaibigan ,iba kong manliligaw, at ang pagaaral ko na dapat ingatan at hindi ko din pabayaan.

Inaamin kong nagpakatanga ako sa kanya pero nong kami pa non. Minahal ko sya nang todo baka siguro mahal ko sya. Pero baka kunti nalang hindi na tulad nang dati.

More than a half na akong naka move on sa kanya. Minahal ko sya at tinuring na kalahati nang buhay ko na hindi ako mabubo kung wala sya. Na kapag wala sya kulang ako.

Pero ngayon wala na sya buo pa din ako kasi nandyan pa ang pamilya at mga kaibigan ko. Nagaaral ako nang mabuti lalo na para sa pangarap ko

Kung hindi talaga para kami sa isat isa ayos lang. Hindi pa naman katapusan nang mundo. Bata pa ako marami pa akong makikilalang ibang lalaki. At focus na muna ako sa study ko para na din maka move on ako

DESTINED TO HAPPENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon