***
Disclaimer: This is a work of fiction. All the names, characters, business, places and events are neither the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to the actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This is not affiliated with some places that has been mentioned in the story.
Plagiarism is a crime.
Some scenes and languages may not be suitable for young audiences.
Read at your own risk.
Date Started: August 01, 2020
©️ellastic18
***
Simula
Mabilis akong nakarating sa resto na sinasabi ni Nanay, nagulat pa nga ako ng sabihin niyang mauuna na siya roon para hintayin ako. Iginiya ako no'ng staff doon sa table na pinareserve ni Nanay. Nandoon na siya nakaupo. May kasama siyang babae.
Akala ko ba'y kaming dalawa lang? Bakit may kasama siyang babae? Sino 'yon?
Hindi ko makita ang mukha ng kasama ni Nanay dahil nakatalikod ito sa gawi ko. Dahan dahan akong lumapit sa kanila.
"Nanay," tawag ko sa aking Lola. Sabay silang lumingon no'ng kasama niya.
Nanlaki ang mata ko ng mamukhaan ang babaeng kasama niya. It's tita Maria, no... she's Senyora Maria Montefalco. Tumayo si Nanay at Senyora, sabay silang bumati sa akin.
Bakit nandito sa Australia si Senyora? Kung wala siyang maibibigay na dahilan ay baka isipin kong sinadya niya pa ako rito.
Teka, paano kung pinapasundan pala talaga nila ako? Paano kung alam na nila 'yong tungkol sa pagbubuntis ko? Ano ng gagawin ko?
"Kumusta ka Gab—I mean Arabella? Long time no see," nakangiting bati ng Ginang nang tuluyan akong maupo sa tabi niya.
Mapait akong ngumiti nang banggitin niya ang pangalang Gab. "I'm okay Senyora, kayo po?"
Natawa siya at hinawakan ang kamay ko. "I'm okay, when did you start calling me Senyora? You used to call me tita before ah."
Natigilan ako at hindi nakasagot. I pursed my lips.
"Nako, nahihiya lang 'yan si Bella," nakangiting ani Nanay.
"Gab," tawag ni Senyora.
Muli akong natigilan at tumingin sa kanya. "Arabella po ang pangalan ko, hindi Gab," pigil ang inis kong turan.
Tumango siya at alaganganing ngumiti nang mapahiya.
"Bakit po pala kayo nandito?" tanong ko. Nagkatinginan sina Senyora at Nanay.
"May inasikaso akong business, sakto namang nakasalubong ko si Tita Virgie, inimbitahan niya ako," paliwanag ni Senyora. Tumango ako at hindi na nagsalita pa.
"My son is getting married," biglang sinabi ni Senyora habang kumakain.
Sino sa dalawang anak niya ang ikakasal? For sure, it's Carrick!
"Hmm, kailan po?" tanong ko, hindi ipinahalata ang gulat.
"Next week," maagap niyang sagot.
Alanganin akong ngumiti. "Oh wow, pakisabi nalang po congrats."
"Bakit hindi ka nalang ulit pumunta ng Mindoro? Para ikaw mismo ang magsabi niyan sa kaniya?"
YOU ARE READING
Entangled Reminiscence (Completed)
RomanceNote: My stories are not perfect, so does my characters, they are flawed, so if you are looking for a story with a unique plot or ideal type of characters, you can't find it here. She's not Gabriella Alistair Legaspi and she's not the woman who she...