I dedicate this chapter to byeolshiiii! Thank you sa suggestion mo bb! Naappreciate ko sobra! I love youuu!
-----------
Kabanata 20
Plano
"Ano? Sasabihin na ba natin kina Mama?" aligagang tanong ni Carrick nang makabalik kami sa aming kwarto.
Natawa ako sa inakto niya. "Kalmahan mo lang okay? It can wait, hintayin nalang natin na makabalik sila dito," sabi ko at naupo na sa kama.
Tumabi naman siya sa akin. Inilagay niya ang kanyang palad sa ibabaw ng aking tyan. Dahan dahan niya 'yong hinaplos. "I can't wait to see her."
Her? So expected na niyang babae ng anak namin gano'n?
Kunot-noo ko siyang binalingan. "Her? So babae ang gusto mo?"
Nakangiti siyang tumitig sa akin. "Oo, tapos kamukha mo."
Ngumuso ako. "Baliktad tayo, gusto ko kasi lalaki ang panganay natin tapos kamukha mo."
Bumuntong hininga siya. "Let's not talk about that for the mean time, wala pa naman e, pero anuman ang maging kasarian niya, tatanggapin ko," aniya bago ako halikan sa noo.
Sumapit ang gabi, senyales na oras na para sa hapunan, kaya naman tinungo ko na ang dining area, pero ganoon nalang ang gulat ko nang makita na napakaraming pagkain ang nakahanda roon sa may lamesa. Naabutan ko pa si Carrick na nakasuot ng apron at abalang inuutusan ang mga kasambahay na ilagay ang iba pang mga pagkain sa lamesa.
"Bakit ang daming pagkain?" tanong ko at sumandok na ng fried rice. Tinikman ko 'yon. Napakasarap!
"Magcecelebrate kasi tayo," sagot ni Carrick, lumapit siya sa akin at humalik sa aking pisnhi. "How was it? Masarap?" tanong niya, batid kong iyong fried rice na tinikman ko ang tinutukoy niya.
Tumango ako. "Masarap," sagot ko at muling sumubo no'n.
Nang magsimula kaming kumain ng hapunan ay panay ang asikaso sa akin ni Carrick, kada putaheng niluto niya ay ipinatitikim niya sa akin, may mga oras na siya pa ang naglalagay ng mga 'yon sa pinggan ko.
"Ako na ang maglalagay niyan sa pinggan ko, kumain kana." Pinigilan ko sa siya nang akmang lalagyan niya ulit ng ulam ang pinggan ko.
Ngumuso siya. "You sure?"
"I am sure kaya kumain kana riyan," sabi ko at pinandilatan pa siya.
Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Carrick. Nagising kami sa tunog ng cellphone niya! Tumawag si Mang Ben at pinapapunta siya sa farm dahil may kailangan daw silang pag-usapan.
"I'm sorry, alam kong sinabi ko na hindi ako magtatrabaho para makasama ka pero heto na naman ako."
Umiling ako at tinakpan ang kanyang labi. "It's okay, naiintindihan ko."
"You sure?" tanong niya at pumunta sa may harap ng cabinet para kuhanin ang kanyang paboritong relo.
Tumango ako. "Oo naman." Nginitian ko siya.
"Maiiwan kita rito sa bahay, will you be okay here?" tanong niya habang isinusuot ang kanyang relo. Pinagmasdan ko lang siyang gawin 'yon. Ang hot ng asawa ko!
"Pwede bang sumama nalang ako?" nakanguso kong tanong at lumapit sa kanya.
"E, baka mapaano ka roon," sabi pa niya at niyakap ako.
YOU ARE READING
Entangled Reminiscence (Completed)
RomanceNote: My stories are not perfect, so does my characters, they are flawed, so if you are looking for a story with a unique plot or ideal type of characters, you can't find it here. She's not Gabriella Alistair Legaspi and she's not the woman who she...