Kabanata 9
Shelter
"And they live happily ever after. The end" Basa ko sa mga huling salita ng librong binasa ko sa mga bata dito sa shelter. Nagpalakpakan silang lahat.
Binalingan ko sila at nginitian matapos 'yon. Lahat sila ay nakangiti at tuwang tuwa nang matapos ang kwento.
"Nagustuhan niyo ba 'yong kwento?" tanong ko sa kanila at isinara na ang aklat na binasa.
"Opo," sabay sabay nilang isinagot 'yon habang nakangiti.
Nagtaas ng kamay ang isang batang babae kaya naagaw niya ang atensyon ko.
"Yes?" tanong ko.
"Gusto ko rin pong maging prinsesa, pero mukhang malabo," malungkot na sinabi no'ng bata.
Lahat naman tayo ay nangarap na maging prinsesa. Bata pa lang tayo ay inasam na natin ang bagay na 'yon. Naalala ko rin ang aking sarili noon, sa kagustuhan kong maging prinsesa ay ibinibili ako ni Mama ng kulay asul na gown at korona. Halos araw araw ko iyong suot, nagpapaikot ikot pa ako sa harap ng salamin.
Ngumiti ako nang maalala ang sinabi ng isang babae doon sa netflix series na napanood ko. "Well, the most important thing about being a princess is caring about other people and if you do that, then you're a princess in your heart," makahulugan kong turan na siyang nagpangiti sa kanya.
Nilapitan na kami ng isang matandang babae kasama sina Carrick, Rhys at Travis. Tumayo ako mula sa pagkakaupo habang hawak 'yong libro. Ang paningin ko ay hindi maalis sa mga bata, miski ang ngiti sa aking labi ay ganoon din.
"Mga bata, pasalamatan natin si Senyorita Gabriella," anang matanda sa mga bata. Gusto kong matawa ng tawagin niya akong Senyorita pero hinayaan ko nalang. Natuwa rin ako sa paraan nila ng paguusap.
"Thank you po, Senyorita Gabriella!" sabay sabay na namang sabi ng mga bata habang pumapalakpak.
I gave them my most sweetest smile. "You're very welcome."
Nagsitayuan na ang mga bata at kami nama'y nagtungo sa isang gilid. Dumako ang paningin ko sa kabuuan ng silid. Napaka konti ng libro na nandito, miski laruan at kung ano pa. Bilang na bilang din ang mga kagamitan.
"Iyan na ba lahat ng libro nila?" tanong ko at binalingan ang matanda. Para kasi sa 'kin, mahalaga na habang lumalaki ay nagbabasa basa sila ng mga libro. Nakakatulong kasi 'yon para matuto sila at mas maenhance ang kanilang skills, vocabulary.
"Opo Senyorita."
"Miski mga kagamitan nila ay kakaunti?" tanong ko. Tumango ang matanda.
"Bakit po ganoon?" tanong naman ni Carrick.
"Hindi po sapat ang budget namin," pag-amin ng matanda.
"Pero may mga donations naman po hindi ba? The money that came from the mayor? The government?" sunod sunod na tanong ni Rhys.
"Pinagkakasya nalang namin sa kanila, sa dami ng bata rito kada taon, kulang na kulang ang mga 'yon," paliwanag pa ng matanda.
"How about toys? Miski papel, lapis and other supplies?" tanong naman ni Travis, muling tumango ang matanda.
"Pero ginagawan namin ng paraan para kahit papaano ay mayroon," anang matanda. Nagkatinginan kami nina Carrick.
Matapos makipagusap sa matanda ay sabay sabay kaming lumabas.
Sinalubong kami ni Mang Daniel, 'yong driver. "Kamusta po ang pagbisita ninyo sa mga bata?"
YOU ARE READING
Entangled Reminiscence (Completed)
RomanceNote: My stories are not perfect, so does my characters, they are flawed, so if you are looking for a story with a unique plot or ideal type of characters, you can't find it here. She's not Gabriella Alistair Legaspi and she's not the woman who she...