Kabanata 3
Bisita
Matapos 'yong sabihin ni Carrick ay hindi na kami nakapagusap ulit. He's back to his usual self again, masungit at nakakunot ang noo. But seriously? I don't even know kung bakit niya 'yon sinabi. Kung ginawa niya 'yon bilang nakatatandang kapatid at dahil gusto niya akong protektahan, naiintindihan ko, pero nasa tamang edad naman na ako para magentertain ng mga manliligaw.
I'm not the young Gabriella anymore. I've grown and just finished college. Hindi na ako bata at hindi na ako bumabata. Soon, bubuo na ako ng sarili kong pamilya. So I don't understand why Carrick did that.
I just sighed at that thought. Bahala na nga. Ayoko ng isipin. Masasayang lang ang oras ko! Dadagdag pa sa iisipin ko.
Dito na kami nananghalian nina Carrick sa may kubo, maraming pagkain ang inihanda ng mga tao, sariwa ang mga gulay at prutas. Paniguradong masarap 'yon. Tuloy ay hindi ko maiwasang hanap hanapin ang luto ng aking ina. Gusto ko na ulit 'yong matikman, kaya lang napakabusy niya masyado rito, sa tingin ko'y wala na siyang oras para roon. Kung mayroon man, ipapahinga nalang niya.
Napakasimple ng pamumuhay dito, hindi kagaya sa siyudad. Ang mga tao ay mababait, simple at walang kaarte arte sa katawan. Kahit anong gawain ay ayos lang sa kanila. Maaga silang natutulog, hindi nagbubulakbol, tutok ang kabataan sa pagaaral. Mangilan ngilan lang din ang nagtutungo sa kung saan matapos ang klase.
"Gabriella para sa 'yo," ani Lorenzo, nag-angat ako ng tingin sa kanya matapos makita ang kulay pulang rosas na hawak niya.
Bukod kay Lorenzo ay may iba pang mga kalalakihan na may dala dalang bulaklak, napa-amang ang bibig ko, gosh!
Bakit may ganito? Naninibago ako. Hindi ako sanay na may nagbibigay ng ganito. Sa Maynila ay wala namang masyadong nagbibigay ng ganito, kasi kung may gusto sa 'yo ang isang tao, kadalasan, sa chat nalang idinadaan.
Nahihiya man ay nginitian ko sila. "Hindi naman na kailangan nito, nakakahiya naman sa inyo, pero salamat," sabi ko at akmang kukuhanin na isa isa ang bulaklak nang bigla akong hapitin ni Carrick.
What's wrong with him? Sumasakit ang ulo ko sa kanya! Akala ko'y tapos na siya sa kalokohan niya pero mukhang hindi pa pala.
"Hindi pa ba malinaw sa inyo na hindi siya nagpapaligaw?" may diin ang bawat salitang binibitawan ni Carrick, hindi ko maintindihan.
Sandali akong nagpaalam sa mga kalalakihan. Hinila ko si Carrick papunta sa isang tabi at sinamaan ng tingin, matalim ang tingin niya sa akin, mababakasan ang galit sa mga mata niya. What did I do this time? Huwag niyang sabihin na dahil lang doon ay magagalit na siya?
Matunog akong bumuntong hininga. "Carrick ano ba! Will you stop that? Ano bang nangyayari sa 'yo? Wala naman akong nakikitang masama sa pagbibigay nila ng bulaklak sa akin, they're just being friendly."
He's being unreasonable kasi, ni hindi ko alam kung bakit siya umaakto ng ganyan, he's being territorial, hindi ko siya maintindihan eh. Ang gulo gulo! Ayoko pa naman 'yong ganito, ayoko sa complicated.
Sarkastiko siyang natawa. "Tss really Gabriella? friendly? Eh halata namang may gusto sa 'yo 'yong mga 'yon."
"Paano mo naman nasabi na may gusto ang mga 'yon sa akin?" tinaasan ko siya ng kilay, Ano bang alam niya?
Tumiim ang kanyang bagang. "Lalaki ako Gabriella, alam ko 'yong mga ganoong galawan, palibhasa ay napaka manhid mo, 'di mo alam may gusto na sa 'yo 'yong tao."
Hindi ako nakapagsalita agad, ako? Manhid? Really? How can he say such things like that? Ano bang alam niya? Oo nga at lalaki siya pero hindi naman sa lahat ng oras ay tama siya hindi ba?
YOU ARE READING
Entangled Reminiscence (Completed)
RomanceNote: My stories are not perfect, so does my characters, they are flawed, so if you are looking for a story with a unique plot or ideal type of characters, you can't find it here. She's not Gabriella Alistair Legaspi and she's not the woman who she...