Kabanata 7

1.3K 51 47
                                    

Kabanata 7

Annoyed

Ngayon ang alis ko rito sa Mamburao, nakahanda na ang mga gamit ko kagabi pa, sa ilang araw na nagdaan ay wala akong ibang ginawa kundi bumisita sa farm at planta, niyaya pa akong magswimming nina Rhys sa dagat, nagpahanda pa ang mga ito ng pagkain para sa akin. Sulit na sulit ang pananatili ko rito.

Ihahatid daw ako nina Rhys at Travis sa airport mamaya, hindi ko alam kung may balak sumama si Carrick dahil simula kahapon ay hindi ko pa ito nakikita, ang sabi ni Rhys ay baka sa farm ito namamalagi.

"Ready ka na bang umalis?" tanong ni Travis. Ang aga naman niya, akala ko ay mamaya pa siya darating?

"Ang aga mo naman, akala ko ay mamaya ka pa darating," sabi ko pa. Tumawa lang siya ng bahagya at lumapit sa akin.

Ginulo niya ang buhok ko. "May pupuntahan tayo."

Kumunot ang noo ko ro'n, may pupuntahan? E, ilang oras nalang ay aalis na ako. "Saan? Baka naman maiwan ako ng eroplano niyan."

"Hindi 'yan, trust me," aniya at hinila na ako palabas ng mansyon.

Dinala ako ni Travis sa Alli Beach Resort, maliligo ba kami? Bakit naman ngayon pa? Nakakaloka naman ang isang ito!

"Trav, bakit tayo nandito? Balak mo bang magswimming?" tanong ko. Tinawanan niya lang ako ulit, napanguso naman ako dahil do'n.

Tumigil na siya sa pagtawa. "Hindi, may inihanda lang akong surpresa para sa 'yo," nakangiting aniya na ikinatuwa ko, hindi ko inaasahan iyon.

"Ano naman 'yon?" tanong ko, ang excitement sa boses ko ay hindi ko na naitago pa.

Nagkibit balikat lang siya at dinala na ako sa isang cottage na hindi kalayuan do'n sa dagat. Mula rito ay malinaw kong natatanaw ang linaw ng dagat at ang tirik na sikat ng araw. Napakagandang panahon.

"Dito kana muna," aniya.

Magsasalita pa sana ako pero nakaalis na siya.

Dumaan ang ilang minuto at nakita ko na si Travis. Nakasuot na siya ng rushguard at life vest. Sumakay siya sa isang kulay itim na jetskie na batid kong pagaari niya dahil may nakalagay doon na initials. Tatawagin ko sana siya kaso naisip kong hindi naman niya ako maririnig kaya minabuti kong manahimik nalang at hintayin ang surpresang inihanda niya para sa akin.

Dahan dahan ko siyang pinanood, nakamasid ako sa bawat galaw, kilos niya, mula sa pagsakay sa jetskie hanggang sa pagpapaandar niya nito.

Magaling si Travis, halatang matagal niya na itong ginagawa, sanay na sanay siya. Akala ko ay panay ikot lang ang kaya niyang gawin, pero mali ako.

Isang Montefalco na naman ang nagpahanga sa akin, hinigitan ni Travis ang expectations ko.

Hindi ko alam kung paano niyang nagawang magpaandar ng mabilis at magpaikot ikot hanggang sa may mabuo siyang kung ano sa tubig. Pero ang mas ikinagulat ko ay iyong pagtalon niya sa ere at pabagsak na pagupo sa umaandar niyang jetskie, nakakabilib.

Bukod roon, umikot pa siyang muli, tuloy ay nakabuo siya ng salita, I'll miss you, 'yan ang nabasa ko, hindi ko inaasahan pero natuwa ako, ramdam ko ang sinseridad niya sa tatlong salita na iyon, na kahit hindi niya mismo sabihin sa akin ng diretso ay naramdaman ko na ang epekto.

Sobrang effort na itong ginawa niya, hindi ko naman deserve lahat nga mga ito.

"You liked it?" Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Travis, nakangiti siya sa akin. Ang buhok niya ay magulo at basang basa ng tubig.

Entangled Reminiscence (Completed)Where stories live. Discover now