Kabanata 2
Ligaw
"Nakakainis 'yong kakambal mo 'no?" sabi ko kay Rhys. Nandito kami ngayon sa pool side. Umiinom ng juice.
Nagpatimpla talaga siya ng juice para raw mawala 'yong inis ko at lumamig ang ulo ko. Dapat daw kasi, hindi ako masyadong nagpapaapekto kay Carrick. Kasi kapag nakikita niya akong naiinis ay mas natutuwa pa raw siya.
Natawa si Rhys. "He's not really like that."
He's not really like that? Eh, bata pa lang ako masungit na siya sa akin ah o baka naman sa akin lang siya ganito? Nakakainis ang isang 'yon! Pakiramdam ko, hindi ko kakayanin kung maiiwan ako sa iisang lugar na kasama siya. Baka wala pang isang minuto ay nagaaway na kami. Ang hilig pa naman niyang manira ng mood. Akala niya naman ay nakakatuwa.
Nangunot ang noo ko roon. "He's not really like that huh?"
"Mabait si Carrick," nakangiting sagot ni Rhys sabay inom sa kanyang baso.
Mabait? Parang hindi ko pa nga nakikitang maging mabait 'yon. Isa pa, ayaw na ayaw niya sa akin, minsan pakiramdam ko, gusto niya akong paalisin at itaboy.
"Hindi siya mabait okay?" sabi ko at pinandilatan siya. Hindi naman kasi talaga!
"Try to get along, baka sakaling magkasundo kayo," suhestyon niya.
Try to get along? Baka hindi pa kami nakapagsisimula ay nagaaway na kami? The nerve of that amaw pa naman! Masyadong mayabang! Akala mo sobrang perpekto! Baka kapag napuno ako sa isang 'yon ay hindi ko mapigilan ang sarili ko. Pasalamat talaga siya at anak siya ni Tita Maria na boss ng mama ko kaya ganito ako, dahil kung hindi, talagang nadale ko na 'yan!
No one dares to mess with me. Sa Maynila, wala pang kahit sino ang umakto ng ganito sa akin. Lahat sila ay mababait at maintindihin, pero si Carrick? naturingang matanda ay parang bata pa umasta! Lumaki siya sa mayaman at edukadong pamilya pero ganyan ang ugali? Gosh! Kung alam ko lang na nandito siya ngayon, sana ipinagpaliban ko nalang muna ang bakasyon ko.
Kung bakit naman kasi late na ako sinabihan ni Mama. Sinabihan niya ako kung kailang nakababa na ako ng barko. Syempre, wala na akong magagawa no'n, ayoko namang bumalik dahil sayang ang pamasahe.
Mabilis akong umiling, senyales ng pagtanggi ko sa suhestyon ni Rhys. "I can't, we can't."
Sa tingin ko talaga, napaka-impossible ng bagay na 'yon.
"Hindi niyo kasi sinusubukan, kaya paano niyo malalaman?" tanong niya at pinagtaas baba pa ang kanyang parehong kilay.
Wala akong balak subukan. Kapag bumait bait si Carrick ay baka pwede pa, pero malabo 'yon sa ngayon.
"Ah bahala na," sabi ko nalang at mabilis na inubos ang juice na iniinom. Tumayo ako pagkatapos no'n.
"Where are you going?" tanong niya.
"Going inside, obviously," masungit kong sinabi.
Malakas ang loob kong sungitan si Rhys kasi komportable na kami sa isa't isa at ang pagsusungit ko ay kadalasang binabalewala niya lang at tinatawanan. Hindi kagaya ng kambal niya, kapag sinungitan mo ay dobleng kasungitan pa ang ibabalik sa 'yo.
"Kaya hindi kayo nagkakasundo ni Carrick kasi parehas ninyong sinusungitan ang isa't isa," aniya at tumayo na rin.
Paanong hindi ako magsusungit eh sinusungitan niya ako? At saka hindi naman sa lahat ng oras ay hahayaan ko siyang gano'n gano'nin ako. Baka kapag hinayaan ko lang siya ay isipin niyang ayos lang ang ginagawa niya at mas lalo pa 'yong ipagpatuloy. Hindi pa naman mahaba ang pasensya ko sa ganyan.
YOU ARE READING
Entangled Reminiscence (Completed)
RomanceNote: My stories are not perfect, so does my characters, they are flawed, so if you are looking for a story with a unique plot or ideal type of characters, you can't find it here. She's not Gabriella Alistair Legaspi and she's not the woman who she...