Kabanata 17
Buntis
"You're my wife," sabi niya, mas malinaw kumpara kanina. Nandito kami ngayon sa may labas. Umalis kaagad ako sa hapag matapos kumain dahil nainis ako bigla kay Carrick, pero ang loko, talagang sinundan pa ako hanggang dito.
Nilingon ko siya at nginiwian. "Oh c'mon, I don't have time for your jokes Carrick."
"Carrick huh? What happened to baby?" nakangisi niyang tanong, hindi ko inaasahan.
"Will you stop that?" Hindi ko na napigilang magsungit.
Biglang sumeryoso ang kanyang mukha. "I'm not joking."
Sarkastiko akong natawa. "How can I be your wife? Eh hindi ko naman matandaan na ikinasal ako sa 'yo."
"You're married to me," mariin niyang sinabi.
Napakalakas naman ng apog niyang sabihin 'yon? Talaga bang wala na siyang natitirang hiya sa katawan?
"Okay. Whatever," sagot ko, I almost rolled my eyes!
Sandali kaming natahimik, tila nagpapakiramdaman.
"Carrick, narito ka lang pal—" Naputol ang sasabihin ni Gab nang makita ako. "Ah, aalis nalang muna ako," paalam niya.
"No, stay..." ani Carrick na ikinagulat ko. "Anong sadya mo?" tanong niya.
"May naghahanap kasi sa 'yo sa farm," sagot naman ng aking pinsan.
Sumulyap muna sa akin si Carrick bago ibinalik ang paningin kay Gab. "Who?"
"Si Joaquin daw."
"Joaquin is a friend of mine," sabi niya na nasa akin na ang paningin.
"E, di puntahan mo na, don't make him wait," sabi ko at sinenyasan siyang sumama na kay Gab.
"Okay, see you later," paalam niya saka tuluyang sumama sa aking pinsan.
Nang makaalis sila ay pumasok na rin ako sa loob. Umakyat ako at bumalik doon sa kwarto na tinutuluyan namin ng aking kaibigan.
"Anong eksena 'yon?" tanong kaagad ni Via nang makapasok ako sa aming silid.
"Aba malay ko sa kanya, napakalakas naman ng apog niya!" inis kong bulalas.
Natawa siya sa inakto ko. "Siya pala si Carrick hmm? Gwapo!"
Siniringan ko si Via. "Gwapo nga, pangit naman ang ugali."
"Pangit? Eh para nga akong nanonood ng romance movie kanina," aniya habang may nakakalokong ngiti. Nanunukso.
Inirapan ko siya. "Tigilan mo ako Via, kung ano mang mayroon kami, matagal ng tapos 'yon."
"Sus! Pero hindi nga, ikaw ba 'yong asawang tinutukoy niya?" tanong niya na naman. Gosh! Naniniwala siya kay Carrick? Really?
"No!" maagap kong sagot. Hindi naman kasi talaga! There's no way na kasal ako sa kanya! Kasal kasalan pwede pa, pero hindi 'yon legit at registered.
"Nako nako, siguruduhin mo lang, kawawa si Kenjie," aniya at itinuro 'yong singsing na suot suot ko.
Nangunot na naman ang noo ko. Nagsisimula na naman siya! "Wala naman kaming relasyon ni Kenjie," tanggi ko.
Tinaasan niya ako ng kilay pero tumango rin pagkatapos. Parang hindi na naman naniniwala!
Naupo siya sa tabi ko. "Ang haba naman ng buhok mo Bella," aniya at hinaplos pa ang buhok ko. "Dalawang gwapong nilalang ang may gusto sa 'yo, teka dalawa nga lang ba? Feel ko tatlo o apat e."
YOU ARE READING
Entangled Reminiscence (Completed)
RomanceNote: My stories are not perfect, so does my characters, they are flawed, so if you are looking for a story with a unique plot or ideal type of characters, you can't find it here. She's not Gabriella Alistair Legaspi and she's not the woman who she...