Kabanata 21

1.2K 34 0
                                    

Kabanata 21

Amnesia

Nang sumunod na araw ay niyaya ako ni Carrick na umalis. Tinanong ko siya kung saan kami pupunta pero hindi niya naman sinabi. Balak ko sanang isama si Via pero tumanggi siya, katwiran niya'y mas gusto niyang manatili sa bahay ng mga Montefalco kasama si Travis.

Tsk, ang dalawang 'yon! Mukhang nagkakamabutihan na talaga.

Ang pagtataka ko ay kaagad na napalitan ng pagkamangha nang makita ko ang sinasabi niyang pupuntahan namin. Napaamang ang bibig ko nang sulyapan ang bahay na nasa harapan namin ngayon.

Napakalaki no'n at nakapaganda. Nilingon ko si Carrick, pero bago pa man ako makapagsalita ay tumango na siya, sa paraang 'yon niya kinumpirma ang nabuong tanong sa isipan ko. Marahil ito na ang sinasabi niya no'ng isang araw. Iyong plinano niya at inayos.

Pumasok kami sa loob, pinangunahan niya ako at inilibot sa kabuuan no'n. Nanatili akong tahimik habang sinusuyod ng tingin ang bawat parte at sulok ng bahay na 'yon.

"You okay?" tanong ni Carrick.

Niyakap niya ako mula sa likuran at kasalukuyang hinahaplos ang tyan ko na hanggang ngayon ay maliit pa rin.

Nginitian ko siya at tinanguan.

Napakaganda ng bahay na ipinagawa ni Carrick, kung maganda na sa labas ay mas lalo pang maganda ang loob. May tatlo itong palapag. Mahaba ang hagdanan at hallway, ang kwarto ay marami rin. Bawat kwarto na nakita ko ay may tig-iisang king size na kama, mayroon ding malaking tv, aircon at sariling banyo.

Sa unang palapag ay may mga sofa at tv, sa ikalawa ay gano'n din. Ang kusina ay napakalaki, ipinasadya niya raw 'yon para sa akin dahil alam niyang mahilig akong magluto at magbake. Nang tignan ko at isa isahin ang mga cabinet doon ay hindi ko napigilang matuwa at lumuha. Ang lahat ng gusto ko ay nandito at kumpleto. Ang mga pangarap ko ay unti unti niyang tinutupad.

Ang dining ay may kalakihan din. Mahaba ang lamesa at maraming upuan. Kung titignan pang maigi ang mga ito ay masasabi mo talagang mamahalin at hindi basta basta.

Mayroon din siyang sariling swimming pool at garden sa labas.

Ang garahe naman ay malawak, sa tingin ko'y kakasya ang lima o higit pang sasakyan doon.

Ipinakita niya sa akin ang silid naming dalawa. Hindi ko maiwasang humanga nang makitang mas malaki 'yon kaysa sa iba pang kwarto sa bahay na ito. Ang closet ay may mga laman ng damit. Hindi lang 'yon, may mga designer clothes, bags, shoes and accessories pa. Kung anong mayroon siya ay mayroon din ako.

Pagdating naman sa banyo, lahat ay by pairs.

Pero ang mas nakapagpaluha sa akin ay 'yong huling kwarto na ipinakita niya sa akin. Kahit siguro'y hindi ko na tanungin kung para kanino 'yon ay malalaman ko kaagad. Disenyo palang at kulay, halata na.

Ang kulay ng silid na 'yon ay naglalaro lamang sa puti, asul at pink. May dalawang kama sa loob no'n, miski crib at kung ano pang gamit pambata ay kumpleto.

Naisip ko tuloy...kung dati niya pa ito ipinagawa, ibig sabihin nakaplano na talaga ang lahat. Handa na siyang bumuo ng sarili niyang pamilya. Iyong matatawag niyang kanya.

He saved enough and planned it all well, ni hindi ko nga nabalitaan ang tungkol dito e. Kung hindi pa kami pumunta rito ngayon ay baka hindi ko ito nakita.

Tinanggal ko ang kamay ni Carrick sa tyan ko. Dahan dahan ko siyang hinarap. Ang tuwa ay bakas na bakas sa mukha ko. Naluha pa ako habang nakangiti sa kanya.

"Why?" kunot noo niyang tanong.

"Words cannot express how happy and thankful I am for having you as my husband," sabi ko at basta basta siyang niyakap.

Entangled Reminiscence (Completed)Where stories live. Discover now