Kabanata 16
Asawa
Panay ang sulyap sa akin ni Olivia sa gitna ng aming byahe pauwi. Binibigyan niya ako ng nakakalokong ngiti, iyong nanunukso. Tanging irap lang ang iginanti ko sa kanya.
Nagkamali ako nang isiping uuwi kami agad dahil nagyaya pa si Kenjie na kumain sa labas, hinayaan niya na naman akong mamili ng kakainan kaya naman lalo akong inasar ni Via.
"Madalas kayo rito?" tanong bigla ni Via habang kumakain.
Napagdesisyunan ko kasing dito kami kumain sa isang sikat na steak house.
"Hindi naman, minsan lang," sagot ni Kenjie bago sumubo ng steak na hiniwa niya.
Tumango tango si Via at sinulyapan ako. "Nga pala Kenjie, nakumbinsi mo ba 'tong si Bella na umuwi?"
Awtomatikong sumama ang mukha ko dahil sa tanong ni Via! Bakit naman kailangan niya pa 'yong itanong dito? Can't it wait?
Sumulyap sandali sa akin si Kenjie kaya napalitan bigla ang ekspresyon ko! Ngisi ngisi akong tinignan ulit ni Via!
"Yeah, nakausap ko na siya about do'n no'ng araw na tinawagan ako ni Tita," sagot ni Kenjie.
Binalingan ako ni Via matapos makakuha ng sagot mula kay Kenjie. "So ano Bella? Uuwi kana ba?"
Nagkibit balikat ako. "I don't know, pinag-iisipan ko pa, saka may trabaho ako eh."
"Umuwi kana, sasamahan kita," aniya na animong excited pa kaysa sa akin. Narinig ko pang natawa si Kenjie sa aking tabi.
Tumaas ang isa kong kilay. "Sasama ka? Pwede ba? Paano tayo makapagpapaalam sa hospital aber?"
Nginitian niya ako ng pagkalapad lapad. "Ako na ang bahala, basta umuwi ka ha! Sabay na tayong magpaalam bukas."
Nangyari ang sinabi ni Via kinabukasan, nagpaalam kami sa hospital at sinabing magbabakasyon lang sandali, hindi ko alam kung paanong pumayag sila pero hindi na rin masama dahil paniguradong matutuwa sina Mommy kapag nalaman ito.
Kauuwi ko lang ng bahay nang salubungin ako ng aking Lola, pero I call her Nanay. Siya ang kasa-kasama ko sa Australia dahil busy ang mga magulang ko sa Pilipinas kaya hindi nila ako masamahan dito sa mga oras na ito.
Nakangiti siya nang lumapit sa akin. "Buti naman at nakauwi kana."
Tumango ako at yumakap sa kanya. "Hmm, anong oras ka po dumating?"
Umalis kasi si Nanay kanina. Ang sabi niya'y maggagala lang siya kaya hinayaan ko na. Sasamahan ko sana siya pero ayaw niya naman daw akong maabala kaya hindi ko na rin ipinilit pa.
"Kanina lang," sagot niya. Naupo kami sandali sa sofa at nagkwentuhan tungkol sa nangyari sa buong araw ko.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho. Isa na akong nurse rito. Pero next week ay nagbabalak akong umuwi ng Pilipinas, gusto kong pagbigyan si Mommy. I want to spend some time with them. Sapat na siguro 'yong mahigit 2 buwan akong lumayo sa kanila.
"Arabella oh," anang isa sa kasamahan kong nurse na si Ashley. Gaya ko, isa rin siyang Pinay.
Nilingon ko siya sandali pagkatapos ay ibinalik sa chart ang paningin.
"Ano 'yon?" tanong ko.
She handed me a cup of coffee at isang box ng slice cake.
Kunot-noo ko siyang sinulyapan saka ibinalik ulit sa chart ang paningin. "Ano 'yan?"
YOU ARE READING
Entangled Reminiscence (Completed)
RomanceNote: My stories are not perfect, so does my characters, they are flawed, so if you are looking for a story with a unique plot or ideal type of characters, you can't find it here. She's not Gabriella Alistair Legaspi and she's not the woman who she...