Kabanata 1
Mindoro
Everything started the moment I stepped into that place. It was that one summer na hindi ko inaasahang makapagpapabago ng lahat. Revelations from the past are just so unexpected and terrifying. Everything felt like yesterday, sariwang sariwa pa sa alaala ko ang mga nangyari bago ko lisanin ang lugar.
"Ma'am Gabriella, naflat po ang gulong natin, ayos lang po ba kung lalakarin nalang natin papunta ro'n?" nag-angat ako ng tingin kay Mang Daniel.
Napangiti ako nang tawagin niya akong Ma'am, hindi ko alam kung dapat bang sanayin ko siya na 'yon ang itawag sa akin gayong hindi niya naman talaga ako boss o kung ano pa. Isa pa, kung may dapat mahiya sa aming dalawa, ako 'yon at hindi siya.
"Huwag niyo na po akong tawagin na Ma'am," sabi ko habang nakangiti.
Nakangiwi siyang napakamot sa kanyang ulo. "Eh bisita po kayo nina Senyora, baka po kapag tinawag ko kayo sa inyong pangalan ay magalit siya."
Tumango nalang ako bilang sagot at alanganing ngumiti sa matanda. Ngayon ko lamang ito nakilala o nakita, siya ang inutusan nina Mama para sunduin ako sa may pier. Magaan ang loob ko sa kanya kahit na ito palang ang unang beses na nagkita kami. Iyon nga lang, lalo akong nahihiya kapag inaasikaso niya ako. Hindi naman kasi ako pinalaki na palaasa, kung kaya ko namang gawin ang isang bagay ay ako nalang ang gagawa.
"Ma'am, iiwan ko nalang po rito ang sasakyan, maglakad na po tayo papunta roon," aniya at bumaba na mula sa driver's seat.
"Sige po," sabi ko. Nang pagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan ay muli akong nagsalita. "Gaano pa po tayo kalayo mula roon?" tanong ko.
"Malapit na po tayo Ma'am, siguro ay nasa lima hanggang sampung minuto na lakad nalang ay naroon na tayo," sagot niya at kinuha na ang iba ko pang gamit.
Kinuha ko na ang iba ko pang mga bag at isinukbit iyon sa aking balikat. Pagbaba ko ng van, napa-amang ang bibig ko sa aking nakita, napakaganda ng lugar na ito, nakamamangha ang paligid, marami rami ang mga puno, hindi rin ganoon karami ang mga kabahayan, sariwang hangin, lahat na yata.
Pinagtitinginan ako ng ilang mga taong narito, sinusuri nila ang kabuuan ko, marahil ay naninibago sila sa mukha ko.
Naiilang akong lumingon sa mga taong nakatingin sa akin, hindi ko alam kung ngingiti ba ako at babati sa kanila.
"Ma'am dito po tayo," iginiya ako ni Mang Daniel sa daan patungo sa mansyon nina Tita Maria.
Napatingala ako sa kalangitan, napakaganda ng panahon, kulay asul ang langit at tirik na tirik ang araw. Idagdag mo pa ang sariwang hangin na tumatama sa aking balat.
Napakatahimik ng lugar ngayong oras na ito, ang tanging maririnig lang dito ay ang tunog na nagmumula sa mga talahib at mga halaman sa paligid.
Nang maaliw sa nakikita ay kinuha ko ang aking camera na nakasukbit sa aking leeg. Parati ko itong dala kahit saan man ako pumunta, gusto ko kasing makuhanan ng litrato ang lahat ng magagandang lugar na mapupuntahan ko. Para kapag dumating ang araw ay may alaala ako sa mga ito at masabi ko sa sarili ko na minsan na rin akong nanggaling dito.
Sa sobrang abala ko sa pagtingin at pagkuha ng larawan sa paligid ay hindi ko na namalayang nasa harap na pala ako ng mansyon ng mga Montefalco. Miski ang mansyon ay nakakamangha, vintage ang datingan nito mula sa labas pero napaka classy, elegante kung titignan mong maigi.
Labas palang ay nakakamangha na. Papaano pa kaya kung ako'y nasa loob na?
Isa ang pamilya nina Tita Maria sa mga kilalang tao rito sa Mamburao. Sikat sila dahil sa napakarami nilang pag-aari. May farm at planta sila. Nakwento 'yon sa akin ni Mama noon, sinabi niya rin sa akin kung paano ang pamamalakad sa mga ito at kung paano siyang nagtatrabaho rito.
YOU ARE READING
Entangled Reminiscence (Completed)
RomanceNote: My stories are not perfect, so does my characters, they are flawed, so if you are looking for a story with a unique plot or ideal type of characters, you can't find it here. She's not Gabriella Alistair Legaspi and she's not the woman who she...