Kabanata 15

641 21 14
                                    

Kabanata 15

Singsing

Hanggang ngayon ay pala isipan pa rin sa akin 'yong lalaking nakita ko sa labas ng McDo no'ng isang araw. Pakiramdam ko ay nakita ko na siya sa kung saan at ang pamilyar niya masyado, hindi ko lang talaga matukoy kung saan dahil hindi rin naman gaanong malinaw ang itsura niya mula sa pwesto ko. Bukod doon ay nandoon siya sa tawid kaya malabong makita ko ang mismong itsura niya.

Baka nga nag-iimagine lang ako, napakaimpossible naman kasi na may nakakaalam ng kinaroroonan ko. My parents assured me na walang nakakaalam, miski ang mga Montefalco, kaya malabo talaga.

Hindi ko rin maisip ang dahilan kung sakaling tauhan nga ng mga Montefalco 'yon, I mean bakit naman nila ako pasusundan at pamamatiyagan dito diba?

Naputol lang ang pag-iisip ko nang maramdamang may kumalabit sa akin. Nag tignan ko kung sino 'yon...si Olivia pala, kasamahan kong nurse rito. Pinay din gaya ko.

"What?" tanong ko at tumingin sa kanya.

Ngumiwi siya. "I've been calling you for so many times na."

Tumaas ang kilay ko. "Why are you calling me?"

"Tsk! Tapos na shift mo hindi ba?" aniya, dahilan para tignan ko ang aking relo.

Napamura ako sa aking isipan nang mapagtantong lagpas 10 mins na matapos ang duty ko pero heto pa rin ako. Nakaupo at tulala sa kung saan! Nakakahiya! Paano nalang kung iba ang nakakita?

Bakit ko pa ba kasi 'yon iniisip? Ano nga bang pakialam ko sa taong 'yon? For sure...wala lang 'yon. Ako na ang kusang pumutol sa pag-iisip kong 'yon.

I know where this is leading me. Umaasa ako na baka kontektado ang taong 'yon sa mga Montefalco, na baka pinasusundan ako ni Carrick dito, umaasa ako na hahabol siya at magpapaliwanag sa akin. Pero ayokong saktan ang sarili ko kaya ako na rin ang kusang tumapos sa isiping 'yon.

"Tulala ka aba!" asik niya at naupo sa tabi ko.

Gano'n ba kalaki ang epekto sa akin ni Carrick at ng mga Montefalco? Nakakahiya!

Ako ang babae pero ako ang mas higit na nakararamdam ng ganito. Hays!

I let out a sigh. "I'm sorry, may iniisip lang."

"Look...naninibago kasi ako sa 'yo eh, kanina tulala ka rin," Sandali siyang huminto at kinapa pa ang noo ko. Iiling-iling siyang tumingin sa akin. "Wala ka namang sakit."

"Wala naman talaga," maagap kong sagot at bahagyang lumayo sa kanya.

"What's bothering you?" tanong niya. Mukhang walang balak tumigil hangga't hindi nalalaman ang nasa isip ko.

"Wala nga," tanggi ko.

Pinanliitan niya ako ng mata. "Sus! Hindi mo 'ko maloloko!"

She's right, hindi ko nga siya maloloko. Sa ilang buwan kong pananatili rito ay isa siya sa mga nakapag-palagayan ko ng loob. Naging kaibigan ko at malapit sa akin. Bukod pa roon, magkaibigan ang mga magulang namin.

"Wala nga," tanggi ko ulit.

Inirapan niya ako. "Tss! Sasabihin ko 'yan kina Tita at Tito," umakto siyang kukunin na ang cellphone sa bulsa nang pigilan ko.

Entangled Reminiscence (Completed)Where stories live. Discover now