Chapter 2

35 0 0
                                    

ZERINE'S P.O.V


Lumabas ako sa cafeteria na yun. Inis akong naglakad pero hindi ko ipinakita ang emosyon ko sa iba. Tinungo ko ang punong nakita ko malapit sa CE Department. Wala namang tao doon kaya doon nalang ako. Kailangan kong ibsan ang inis na nararamdaman ko. Umupo ako sa damo at pasimpleng nag isip.


Bakit ba napakialamero ng wirdo na yun? At may gana pa siyang sampalin ako o ano mang gagawin niya dapat kanina. Tsk. Sa totoo lang kanina pa siya eh, hinarang-harangan pa ako sa field na akala mo may malaki akong kasalanan o utang sa kanya. Ano bang trip niya sa buhay?


Napakunot ang noo ko sa iniisip kong iyon. Gusto ko ng tahimik na pag aaral sa skwelahang to pero napakadamot lang talaga ng tadhana at hindi iyon binibigay sa akin dahil sa kupal na yun.



Ah....



Baka isa sa mga taong bully na katulad ng mga nababasa ko noon.


Pwe!


Kalalaking tao nambubuyo.


Hindi ko parin maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nababadtrip ako sa kadahilanang sasaktan niya dapat ako ng pisikal.



I'm still a girl and I need to be respected!


Ipinanganak akong matino. Pero kung ganun rin lang naman ang gagawin ng tao sa akin aba'y pasukatan kami ng katinuan. Mas mababa ang tino ko sa mga taong wirdo. Bagay lang yun sa kanya.


Napukaw ng atensyon ko ang sunod-sunod na bell ng skwelahang ito. At pahiwatig lang iyon na kailangan ko ng pumunta sa susunod kong klase ngayong araw. Sa ibang classroom naman ang next subject ko. Kanina kasi ay nasa 2nd floor ito. 


Algebra ang sunod kong klase. I'm taking up Bachelor of Science in Civil Engineering dito sa Herritage University. Yexie Zerine ang pangalan ko at mag s-17 years old na ako.


Yun lang ang sasabihin ko. Wala na akong panahon para sabihin sa inyo ang pinagmulan ko.


Umakyat ako sa fire exit para kahit paano ay wala akong makasalubong sa hagdan na ibang estudyante dahil pinakaayaw ko yung may mabubunggo ako, o maghintay sa likod ng mga maaarteng babae habang umaakyat ng hagdan. Oo alam ko baka tingin niyo sa akin bobo ako, na kahit hagdan siya ng fire exit eh doon ako dumaan, pero hindi. Gusto ko lang dumaan dun kasi tahimik. Gusto ko yung tuloy-tuloy ang lakad ko at walang makakaistorbo sa akin.

His Apathetic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon