DOMINIC'S P.O.V
Ilang araw ng naging usap-usapan si Zerine sa school. Ilang ulit ko ng narinig kung paano siya pinagsasalitaan ng mga pangit na salita ng mga estudyante sa skwelahan.
"KILLER!"
"MONSTER!"
"MAMAMATAY TAO!"
"UMALIS KA DITO! YOU DON'T BELONG HERE!"
"GET LOST F*CKER!"
Lahat sila binubuyo si Zerine na hindi naman lumalaban. Palagi lang siyang nakatingin sa harap.
"Kababaeng tao mamamatay tao."
"Utak kriminal!" Sabay hagis ng itlog sa ulo niya, na ikinatigil niya ng paglalakad.
"Wag tayong lumapit diyan at baka tayo naman ang isunod sa hukay niyan."
Hindi ko alam pero naiinis ako sa lahat ng mga ginagawa nila. Sabihin na nating pumatay siya ng mga tao at napaka unusual nun para sa isang babae. Pero ang sabi ni Zerine diba ay may dahilan kung bakit niya ginawa yun? Yun nga ay papatayin siya. Malaking katanungan sa akin ang mga ginawa niya, paano niya nakakayanan ang ganun? Paano siya nagkaroon ng lakas ng loob na pumatay na kung tutuusin ay isang hamak na babae lang siya.
"Sayang noh? Ganda sana, kriminal lang hahaha!"
"Bakit ba nandito pa yan? Eh alam naman ng lahat na utak kriminal yan!"
"Lam mo teh isa lang yan eh, baka binantaan niya mga nakakataas sa skwelahang to kaya hindi nakaalis!"
"Teh wag na you magpoka baka bigla kang sakalin. Mukha ka pa namang kambing na nawalan ng buhay kapag sinakal. Hahahaha!"
"Shut up!"
"Basta ang importante kriminal yan!"
"Napakadelikadong babae."
At pinagtatapunan ng mga pagkain o kung ano pang pwedeng dumikit sa damit. Ilang araw na rin nangyayari to at walang araw na hindi umuuwi si Zerine na hindi malinis. Alam ko naman na hindi niya lang pinapatulan kasi wala naman siyang pakialam sa lahat ng mga sinasabi nila, pero kasi sobra na. Hindi na ako natutuwa. Pati na din sa reaksyon na pinapakita ni Ashwel habang kinakawawa si Zerine hindi narin ako natutuwa, Parang siya pa yung halimaw sa kanilang dalawa. Dahil kung hindi dahil sa kanya, kung hindi niya sinabi sa lahat na mamamatay tao si Zerine, hindi sana ganito.
Alam ko kasing mabait si Zerine eh, hindi lang halata. Biglang umiba yung paningin ko sa kanya oo nung makita ko ang karumaldumal na sinapit nung mga lalaki. Pero nakita ko din yung side niyang marunong mag alala. Nung pumasok kasi siya sa kwarto ni Ashwel nung nasa hospital pa ito at natutulog dahil sa saksak na natamo ay nakita kung paano tignan ni Zerine si Ashwel na para bang nakokonsensya ito. She even check Ashwel's dextrose kung okay ba. Inayos niya pa ang kumot nito at ilang minuto din niyang tinitigan. Hindi siya kailanman umalis sa tabi nito kahit nung pumasok ako. Hindi alam ni Ashwel yun dahil tulog siya pero kitang-kita ko ang lahat mula sa pinto dahil sinilip ko. At ang natanggap niya lang kay Ashwel ay puro paratang at pang iinsulto. Kitang-kita ko kung paano siya nasaktan sa sinabi ni Ashwel na isa siyang mamamatay tao. Kung titignan mo lang siya ay hindi mo mahahalata ang expression ng mukha niya pero kung titignan mong maigi at sisisid ka sa pagtingin sa mga mata niya. May halong lungkot talaga. Kaya naaawa ako sa kanya ngayon dahil alam kong pinapakita niya lang sa iba na wala siyang pakialam sa mga ginagawa nila pero alam kong nasasaktan parin siya.
BINABASA MO ANG
His Apathetic Girl
TeenfikceIsang tipikal na babeng mayaman, anak ng makapangyarihang pamilya na kahit kailan mahirap kalabanin. Si Yexie Zerine Rewsvelt na bunsong anak, na may kambal na lalaki, at may dalawang nakakatandang kapatid, ngunit sa di inaasahang pangyayari ang nak...