ASHWEL'S P.O.V
Nandito ako ngayon sa café De Luna na medyo malapit lang sa subdivision namin. Hindi pa kasi talaga ako umuwi, kasi wala naman akong gagawin sa bahay at nakakabagot ding tumambay dun. Nakakainis kasi si Dom mas inuna pa yung babaeng yun kesa sa kaibigan niya. Not being jealous, pero boset lang eh. Badtrip ako sa babaeng yun tapos may pa ganyan na siya. Bayani parin talaga ang kaibigan ko.
Malakas akong napabuntong hininga nang makita ko ang oras sa relo ko. Mag i-8pm na din pala. Ang tagal ko din naman palang tumambay dito sa café, pati yung mga babaeng customer eh matagal narin dito kakatitig lang sa akin. Tsk.
Makaalis na nga.
Mabilis akong tumayo at lumabas, tinungo ko na yung kotse ko. Pero tinapon ko muna yung frappe sa may basurahan sa labas bago ako pumasok sa kotse. Dahil sa gabi na rin naman at may pasok pa ako bukas. Eh sinimulan ko ng magmaneho. Doon ako dumaan sa rightside ng café De Luna kasi dun naman ang papunta sa subdivision. Bigla akong napahinto sa pagmamaneho nang may nakita akong black and orange lambo na nakatigil sa medyo hindi kalayuan. Medyo nasa madilim pa kasi ako na kalsada at yung may lambo naman ay nasa medyo may ilaw. Mas tinitigan ko pa ng maigi nung nakita ko ang isang babaeng nasa gilid ng lambo at nakatayo lang na nakayuko. Nakatalikod kasi ito sa akin.
ب_ب
≧☉_☉≦
Parang lahat ng balahibo ko ay nagsitayuan dahil sa kilabot na naramdaman ko. Hindi naman siguro multo yan diba? O mamamatay tao?
Bwisit! Bakit ba dito ang daanan? At tsaka bakit ba may ganito? Eh palagi naman akong dumadaan dito at ngayon lang ako kabado ng ganito.
Lumunok ako ng ilang beses para ibsan yung kaba na nararamdaman ko.
Putek! Kalalaki kong tao takot ako sa multo? Tsk.
Papaandarin ko na sana ang kotse ko nang may nakita akong lalaking may dala ng isang malaking kahoy. Animo'y gustong paloin ang babaeng nilalapitan niya ng dahan-dahan. Nasa kaliwang bahagi kasi siya ng babaeng nakatayo malapit sa lambo.
Hindi naman siguro multo yan? Dahil ang nakikita ko ngayon ay galak na galak yung lalaking paluin siya. Ang masaklap parang hindi niya pa alam na dahan-dahan ng lumapit yung lalaki sa kanya dahil lumingon siya sa harap ng pinto ng kotse niya.
F*ck!
Wala siyang alam sa nangyayari sa paligid niya!
Mabilis pa sa alas kwatro ay lumabas ako ng kotse at kinuha ko yung bola sa likod ng kotse ko at patakbo kong sinugod yung lalaki na isang metro nalang ang lapit sa babae at papaluin niya na. Kaso MVP ako nung highschool at sapul na sapul sa mukha nung lalaki yung bola dahilan para matumba siya.
Mabilis akong lumapit kung saan natumba yung lalaki at inapakan ko yun sa tiyan tapos pinagsisipa hanggang mawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
His Apathetic Girl
Teen FictionIsang tipikal na babeng mayaman, anak ng makapangyarihang pamilya na kahit kailan mahirap kalabanin. Si Yexie Zerine Rewsvelt na bunsong anak, na may kambal na lalaki, at may dalawang nakakatandang kapatid, ngunit sa di inaasahang pangyayari ang nak...