Chapter 7

19 0 0
                                    

ZERINE'S P.O.V

"Balita Calvin?" Tanong ko habang papasok sa bodega na kung saan namin ikinulong yung lalaking umatake sa akin nung isang araw.


Mabilis naman siyang humarap tapos nag bow sa harap ko.


"Wala parin kaming nakukuhang impormasyon galing sa kanya. Matigas siya at ayaw umamin." Sabay tingin niya sa lalaking nakaupo ng nag iisa sa gitna na pinapagitnaan ng dalawang body guards ko. Nakayuko ito na parang hingal na hingal dahil galing yata sa bugbog to. "At pinipilit namin siyang sabihin kung si Akio Saiga ba ang nag utos sa kanya para atakihin ka pero ayaw niya talaga Young Mistress. Yung wallet na nakuha natin sa kanya ay wala din tayong makukuhang ibedensya dun." Dagdag pang sabi ni Calvin.


Humarap naman ako sa lalaking pinag uusapan namin ni Calvin. Malakas kasi talaga ang kutob ko at ang leader nanaman ng Saiga Group ang may pasimuno nito. Kung nadaan niya ang kambal ko sa ganung paraan lang, hindi kami basta-basta madadaan sa ganun. Kaya siguro ang ginagawa na niya ngayon ay ang manakit ng pisikal.


Talaga namang ang lakas ng apog mo Saiga. Hindi parin kita tatantanan. Sa ginawa mo sa kambal ko, sa tingin mo hahayaan nalang kita?


Lumapit ako sa lalaki, tumayo ako sa harap niya mismo at talaga namang napakabaho na niya dahil siguro sa mga nag m-mix na pawis at dugo sa katawan niya. Hinawakan ko ang ibabang bahagi ng mukha niya at pasimpleng inangat upang makita ko ang kabuoan ng mukha niya. Sabog na sabog, maraming sugat sa labi. Dahil sa ginawa ko ay dahan-dahan siyang nagmulat ng mata, nagtama naman ang paningin namin.


"Hindi mo ba talaga sasabihin kung sino nag utos sayo?" Walang ka emo-emosyon kong tanong. Pero ngumisi lang siya.


"A-ano ko? T-anga? Bak-kit ko ilalag-lag ang amo kong bumubuhay s-s-sa pamilya ko?" Walang kagatoy-gatoy na sabi niya.


"Kaya mo ginagawa to?" Mahinahong tanong ko. Hindi naman siya sumagot. "Kayang-kaya kong bigyan ng magandang buhay ang pamilya mo. Triple sa binibigay ng amo mo." Seryosong sabi ko, kailangan ko lang talaga ang pagpapakatotoo niya.


Sumeryoso din naman ang mukha niya at tumingin sa ibang direksyon.


"Hawak ako sa leeg ng amo ko. Isang salita ko lang sa inyo mawawala ang buong pamilya ko. Kaya kahit anong gawin niyo hinding-hindi ko sasabihin kung sino." Nakangising sabi niya na tumingin ulit sa akin.


Ahh. Mukhang tinakot siya ng amo niya. Magaling!


"Nagpasindak ka naman?" Sarkastikong tanong ko. "Alam mo kung hindi ka naman talaga tanga at nakinig sa mga pananakot niya edi sana hindi ka niya hawak sa leeg. Kung nagkataong sasabihin mo sa amin kung si Akio Saiga ang nag utos sayo, pag t-traydor yun. Pero kung tutuusin mas traydor siya. Kapag wala ka ng pakinabang sa kanya, uunti-untiin niya kayong lahat kahit pa sobrang laki ng naitulong mo. Ganun siya maglaro kaya habang maaga pa ay pumili ka nalang ng siguradong kakampihan mo. Sa tingin mo, hinahanap ka ng amo mo ngayon? Hindi! kasi nag iisip na ng paraan yun kung paano kayo buburahin nun, isa sa mga rason ang pagkawalan ng balita sayo. Malamang iniisip na nun na nahuli ka, t-traydorin mo man siya o hindi. Isang pitik lang nun, ubos ang lahi mo."

His Apathetic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon