ZERINE'S P.O.V
Hindi ko alam kung anong dapat na mararamdaman ko ngayon. Bwiset, pagkabagot, pagkairita lahat na ata ay dumadaloy na sa dugo ko ngayon.
Naiinis ako, dahil sa dinami-dami ng pwede niyang piliin sa department namin, ako pa! Ako pa na may importanteng kausap. Ako na ayaw na ayaw makipag interact sa tao. Makipagsayahan sa mga walang kwentang laro na yan. Ako pa talaga.
I'm very confused right now, kung aalis ba ako sa lugar na to o pupunta sa harap para magmukhang tanga. To the point na hindi ko alam na bumaba na pala ako at pumunta sa gitna kung nasaan yung lalaking pumili sa akin.
Lahat ng tao, lahat sila nakatingin sa akin at naiinis ako dun. Isipin mo nalang kung anong dami ng estudyante dito. Dagdagan mo pa ang iba't ibang kursong nandito.
The f*ck!
Why am I here?
"You are so beautiful miss, what's your name?" MC.
Tinignan ko naman siya ulo hanggang paa nung tinapat niya sa akin ang microphone.
"None of your business." Malamig kong sagot.
"Oh? Very private. I like that. Introduce yourself to each other. Where's the other course's representative?" Umalis naman sa tabi namin ang MC at tumungo pa sa ibang representative.
Humarap ako sa mga tao. Ayaw kong makita ang mukha ng peste na to na sumira ng araw ko.
Ano bang trip niya sa buhay at bakit ako pa yung pinili niya. Nakakainis talaga!
"Hi, I'm Craig from Mechanical and you are?"
Sabay abot niya ng kamay niya na tinignan ko lang. Straight parin akong nakatingin sa harap.
"Hey! Aren't you going to introduce yourself, miss?"
Kinaway-kaway niya pa yung kamay niya sa harap ko na bigla kong tinabig. Nagulat naman siya sa ginawa ko at lumingon ako sa kanya.
"Are you somewhat? hitting on me?" Sabi ko sa kanya.
Makapal na kung makapal gusto ko ng matapos to. Gusto kong magkaalaman dahil hindi ko magets kung bakit ako ang pinili niya.

BINABASA MO ANG
His Apathetic Girl
JugendliteraturIsang tipikal na babeng mayaman, anak ng makapangyarihang pamilya na kahit kailan mahirap kalabanin. Si Yexie Zerine Rewsvelt na bunsong anak, na may kambal na lalaki, at may dalawang nakakatandang kapatid, ngunit sa di inaasahang pangyayari ang nak...