Chapter 5

25 0 0
                                    

ASHWEL'S P.O.V

Hindi ako nakatulog dahil sa nangyari kagabi. Kaya ito ako ngayon at bangag na bangag na papasok sa skwelahan. Ang nakakainis pa ay ngayon ang program para sa opening class ng mga estudyante. Nakatanggap kasi kami lahat ng announcement text galing sa SSC. May hawak kasi sila na mga numero ng mga estudyante dito.

Badtrip na badtrip talaga ako kasi maaga na nga ang pasok, kulang pa ang tulog. 

Ano kayang nangyari sa babaeng yun? Tsaka diba yun yung mga lalaking lumapit sa kanya nung tinapon ko ang susi niya sa basurahan? Bakit hindi siya takot?

Kung ibang babae pa siguro yun ay baka nahimatay na o kaya umiiyak na. Pero iba siya, sa halip na humingi ng tulong eh gusto niya siya lang. Pakawirdo naman talaga.

Nasa parking lot na ako at hinihintay ko nalang ang kotse ni Dom, para sabay na kaming pumasok. Nakaupo lang ako ng printe habang nakatingin sa harap nang biglang dumaan sa gilid ko ang orange lamborghini. Nagpark ito sa unahan, at biglang lumabas ang may ari.



Si Zerine.

Kalmado itong lumabas at pumasok sa skwelahan. Akala ko nga papasok na siya ng tuloyan pero bumalik siya at may kinuha sa likod ng kotse niya. Nung makita ko yun.



F*ck?

Bola ko yun ah?

Sa hindi malamang dahilan ay mabilis akong napalabas sa kotse ko at nakatayo lang akong tinitignan siya na dahan-dahang tumingin sa akin. Masyadong malamig ang pagkakatitig niya sa akin na para bang wala siyang pakialam na nakita niya ako kahit hawak niya ang bola ko.

Nagulat ako nang malakas niyang hinagis sa akin ang bola na nasalo ko naman. Tumingin ako sa bola tapos sa kanya.

Wirdo talaga!

Akalain mong tumalikod na agad at wala man lang sinabi? Napakunot ang noo ko dahil dun.

"Ash? Sino kalaban mo? Ang aga pa ah?"

Napalingon ako sa nagsalita na nakatapik pa sa likod ko. Si Dom pala.

"Bakit ba ang tagal mo?" Kunot noo sabi ko sa kanya.

Napaatras naman siya nung sinabi ko yun.

"F*ck bro maaga pa. Hindi ko naman alam na ang aga mo pala dito." Tatawa-tawa niyang sabi sa akin.

"Shut up! Tara na sa audi." Sabay punta ko sa likod ng kotse ko at nilagay yung bola doon.

"Bakit nasa kamay mo yang bola mo? Wala namang laro ah?"

Bakit ba may mga taong tanong ng tanong?

"Trip ko lang."

"Tae nabaliw ka na ba nung sinapak ka ni Rewsvelt?"

"Ano?" Inis kong tanong kay Dom.

"Chill. Hahaha tara na."

At nauna na nga siyang naglakad.

Tama! Sinapak at tinuhod nga pala ako ng wirdo na yun. Tsk. Tae parang naramdaman ko yung sakit ng pagkakasapak at pagkakatuhod niya sa akin.

Psh. Kababaeng tao nananapak. Worst nangtutuhod pa.

Tsa! Eh kung sapakin ko rin kaya siya ng marealize niyang babae siya at lalaki ako. Na mas malakas ako kaysa sa kanya.

His Apathetic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon