Chapter 10

24 0 0
                                    

ASHWEL'S P.O.V


Nung marinig namin yung sigaw ni Zerine sa phone ay may namuo ng tanong sa isp namin ni Dom pero ako winalang bahala ko nalang. Kaso nung sinabi niyang uuwi siya, alam kong may mali. Namumtla na nga siya eh. Ang hindi ko din maintindihan kung bakit mabilis na umalis yun. Tumatakbo pa nga eh. 


"Ano kayang nangyari dun?" Tanong ko kay Dom habang sinisimulan ng maglinis. 


Hindi naman sumagot si Dominic at nakatingin parin siya sa kung saan umalis si Zerine. Nakakunot na ang noo niya.


"Dom?" Tawag ko ulit sa kanya. Ngunit hindi niya parin ako sinasagot. kaya nilapitan ko na siya para mas tanungin kung bakit ganyan ang inaasta niya.


"Dre?" Sabay hawak ko sa balikat niya, dahilan para bitawan niya ang isang sakong dala niya.


"Ash, wala ka bang napapansin?" Tanong niya sa akin.


"Na ano?"

"Malapit lang ang parking lot sa field. Sa takbo ni Zerine mabilis siyang makakarating sa kotse niya pero hanggang ngayon hindi parin dumadaan sa harap ng gate ang kotse niya."


Napatingin naman ako sa harap ng gate ng school, at naalala kong wala pa ngang dumaan na kotse doon kahit man lang isa. 


"What do you mean?" Tanong ko.


"Hindi ko alam, sa tingin ko nandito pa siya."


Pagkatapos niyang sabihin yun sa akin, ay bigla siyang naglakad papunta sa parking lot. Napalingon naman ako sa kanya, dahil hindi ko magets kung anong iniisip niya. Kaya wala akong nagawa kundi bitawan ang mga gamit sa panglinis at sinundan ko siya. Tumakbo na ako ng konti dahil limang metro na din ang layo ni Dominic sa akin. Nung makarating kami sa parking lot ng sabay ni Dom ay tinignan namin kung nandun pa ba ang kotse ni Zerine, pero wala na. 


"Oh wala na pala Dom eh, baka nakauwi na yun at hindi lang natin nakitang dumaan." 


Ang parking lot kasi namin sa school ay hindi sa labas, nasa loob siya pero may sarili siyang exit gate. 100 meters ang layo mula sa entrance gate ng school, nasa kaliwang bahagi ito. Ang exit ng parking lot ay pinapagitnaan ng malaking pader na sakop ng school. At kapag lumalabas na ang bawat sasakyan ay dumadaan ito sa harap ng gate.


"Hindi dre! Simula nung mawala siya sa paningin natin ay tumingin na ako sa labas ng gate ng school at walang dumaan dun."

"Sus! trip mo talaga ang babaeng yun eh." Pang-aasar ko.


"Cut the crap, seryoso ako dre--"



*BOOGSH!*


*PAK!*


*BOOGSH!*


His Apathetic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon