ZERINE'S P.O.V
Dahan-dahan akong bumaba sa floor na yun at pumunta sa free faucet malapit sa field ng school. Hihilamosan ko lang ang sarili ko dahil sa sobrang init na nararamdaman ko.
Hindi parin ako makapaniwalang nangyari yun sa akin sa harap ng tao. Malaking kahihiyan yun para sa akin. Wala siyang karapatang gawin yun dahil lang sa ininsulto ko ang pinaghirapan ng parents niya. Bakit? pinaghirapan ko ding makapasok dito sa skwelahang to, mahirap makapasok dito lalo na't hindi ako dito nag aral simula bata pa tapos sisirain lang nila? Aba! hindi sila patas. Dapat quits quits lang.
Paulit-ulit kong binabasa ang mukha ko ng tubig dahil hindi parin nawawala ang init na nasa pisngi ko kung saan nasampal ako. Naiinis ako kaya mabilis ko iyong winiwisik sa mukha ko nang biglang may magpatay ng gripo. Kaya napatigil ako sa ginagawa ko at napatitig dun sa gripo na hindi na naglalabas ng tubig. Naramdaman kong may nakatayong tao sa kanang bahagi ko kaya tinignan ko ang magkabilang pares ng sapatos niya, at ayun sa sapatos ay lalaki ito. Dahan-dahan ko siyang tinignan at nakita ko si Craig na malaking malaki ang ngiting ipinakita sa akin.
"Hi."
Seryoso lang ang mukha kong nakatingin sa kanya. Basang-basa parin ang mukha ko at tumutulo na ito sa sahig pati narin sa uniform ko. Nung makita niyang basa pa ang mukha ko ay mabilis siyang naglabas ng panyo at iniabot sa akin.
"Wipe yourself."
Tumingin ako sa field bali nakaharap yung left side ko sa kanya. Huminga ako ng malalim. Isa pa to eh.
Maglalakad na sana ako nang hawakan niya ang braso ko.
"What happened to your face?" Gulat na tanong niya sa akin na hinawakan pa ang panga ko upang ipaharap niya ako sa kanya.
What the hell?
Lakas ng loob hawakan ako ah.
Mabilis kong tinabig ang kamay niya at tinignan siya ng masama sabay umalis ako. Hindi ko alam pero puno ng inis ang buong sistema ko. Ayaw kong makipag usap at wala akong panahon sa kanilang lahat! Umakyat na ako sa kung saan yung room namin sa drawing, 15 minutes late narin ako kung tutuusin. Di naman ako natatakot kasi tatlong oras naman ang klase na ito.Nung makarating na ako sa harap ng pinto ng room ay kumatok na ako. Pinagbuksan naman ako ng prof at sobrang nagtataka ang tingin niya sa akin. Hindi ko na pinansin yun dahil alam kong nakita niya lang ang mukha kong medyo basa pa at namumulang pisngi.
"Goodmorning, are you my student here?"
Hindi ba obvious?
Tumango nalang ako at dumiretso na sa kung saan merong bakanteng upuan. Tumingin ako sa harap at nakita ko ang isang 3D drawing doon na may iba't ibang projection. Mabilis akong kumuha ng gamit sa drawer ng lamesa na nasa harap ko. lapis, ruler at oslo paper lang naman ang kailangan ko. Maingay ang paligid at ako lang ang tahimik dito. Alam ko namang isa sa mga pinag uusapan ng mga walang magawang bunganga nila ay ako ang pinag uusapan dahil sa nangyari kanina. Pero wala naman akong pakialam tungkol doon, dahil hindi naman sila dapat pag aksayahan ng oras.
BINABASA MO ANG
His Apathetic Girl
Fiksi RemajaIsang tipikal na babeng mayaman, anak ng makapangyarihang pamilya na kahit kailan mahirap kalabanin. Si Yexie Zerine Rewsvelt na bunsong anak, na may kambal na lalaki, at may dalawang nakakatandang kapatid, ngunit sa di inaasahang pangyayari ang nak...