ASHWEL'S P.O.V
4:30 na ng hapon ngayon at ito parin ako nakahiga sa kama ko. Nagdadalawang isip kung babangon ba at mag aayos na. August 8 kasi ngayon.
Birthday ni Zerine.
Invited kami ni Dom, pero nagdadalawang isip parin talaga ako kung pupunta ako kasi alam niyo na, magkaaway 'kuno' kaming dalawa. Pero inimbitahan naman kami ng Mommy and Daddy niya eh, may mga saksi pa nga tapos may invitation card pa kami. Hindi naman siguro masama kung pupunta kami ni Dom. Kami. Kasama ako!
Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng kahihiyan.
Tangina! Isipin mo, pupunta ka sa birthday party ng kaaway mo. Tae! Paano yun? Baka buong party eh masamang tingin lang matanggap ko.
Ahhhhhhhhhhh!
Nakakainis naman!
Ilang araw akong nag isip, ilang araw kong pinag isipan ng mabuti to pero hanggang ngayon hindi parin ako nakakapagdecide.
Pupunta ba ako?
o
Hindi?
Pero kasi sinabi ko na kay Dom eh na pupunta ako.
Bwiset naman kasing ininvite pa kami eh na pwede namang hindi. Tuloy hindi ko na alam kung pupunta ba ako, kasi nga uulitin ko! Kaaway ko yun. Kaaway turing niya sa akin. Si Zerine! Mukhang galit pa nga yun sa akin eh. Tsk! Baka pag pumunta ako dun, masira araw nun. Ayaw ko pa naman maging dahilan ng pagkasira ng araw ng isang tao. Lol!
Pumikit nalang ako para isipin ang desisyon ko. Ilang minuto din akong pumikit at nag isip.
Ah final! Hindi ako pupunta, bahala na si Dominic. Mag isa siya! Total mukhang interesado naman siya kay Zerine, kaya niya na yan.
Hindi ako pupunta.
Hindi ako pupunta.
Hindi.
Hindi.
Hindi.
Hindi.
Hin--
"Hoy."
"Putangina!!!" Sigaw ko nung bigla kong nagulat sa pagsulpot at pag hoy sa akin ni Dominic sa gilid ng kama ko. Napabalikwas pa nga ako eh.
"Mukha kang timang." Sabi niya sa akin na nakatingin pa sa mukha ko.
"Bakit ka ba nandito? Paano ka nakapasok sa kwarto ko?" Inis na tanong ko sa kanya habang inaayos ko yung buhok ko.
"Pinapasok ako, bukas din naman ang pinto mo oh." Tinignan niya pa yung pinto ko tsaka tinuro. "What's with your face?" Tanong niya.
"Ha? Anong what's with my face?" Takang tanong ko.
"Nakapikit ka pero kunot na kunot yang noo mo. Tapos sabi ka ng sabi ng hindi. Binabangungot ka ba?"
"Hindi noh?"
"Eh anong nangyari sayo kanina?"
"Kalimutan mo na yun. O bakit ka nga nandito?" Pag iiba ko ng usapan.
Napahiya ako dun ah! Nakita niya pa yun?
"Malapit ng mag alas singko dre. 6:30 yung party bakit di kapa ayos?"
BINABASA MO ANG
His Apathetic Girl
Teen FictionIsang tipikal na babeng mayaman, anak ng makapangyarihang pamilya na kahit kailan mahirap kalabanin. Si Yexie Zerine Rewsvelt na bunsong anak, na may kambal na lalaki, at may dalawang nakakatandang kapatid, ngunit sa di inaasahang pangyayari ang nak...