ASHWEL'S P.O.V
"Salamat sa kooperasyon." Rinig kong sabi ng isang pulis kay Calvin apat na metro ang layo mula sa akin. Nakipagkamay naman si Calvin sa mga pulis.
Nagsimula ng magsialisan ang mga kumuha ng katawan ni Mariz. Marami na ding estudyante ang nagsialisan. Wala narin sa tabi ko si Dominic, hindi ko nga alam kung saan pumunta yun basta bigla nalang siyang umalis. Hindi kasi ako umalis dito dahil hinihintay kong magkaroon ako ng oras na makausap si Calvin. At umaayon naman sa akin ang panahon dahil kaming dalawa na nga lang ni Calvin ang naiwan nung nakaalis na nga ng tuluyan ang mga pulis at mga medical examiner.
Nakikita ko siya ngayong nakatingin sa daan kung saan umalis ang lahat, pero pagkalaunay dahan-dahan naman siyang lumingon sa kanyang harap at sinimulang maglakad.
Hindi paman siya nakakalayo ay tinawag ko na siya.
"Excuse me."
Sa pagsabi ko nun ay bigla siyang huminto at dahan-dahang inikot ang katawan niya para makaharap ako. Nagkatitigan kami at kahit ni isa sa loob ng isa o dalawang minuto ay walang nagsasalita. Dahil sa nagmumukha na kaming tanga ay binasag ko ang katahimikan na yun.
"Can I talk to you?" Sabi ko habang tinitignan kong maigi ang reaksyon niya sa sinabi ko. Dahan-dahan niyang iniwas ang paningin niya at tumingin sa ibaba na para bang nag iisip. Ilang segundo pa ay binalik niya sa akin ang paningin niya.
"Bakit?"
"May itatanong ako tungkol kay Zerine."
Sa pagsabi ko ng mga salitang yun ay biglang umarko ang kilay niya. Tapos bigla siyang tumawa ng napakasarkastiko.
"Kung ano man ang gusto mong malaman tungkol sa kanya, wag ka ng mag aksaya ng panahon. Dahil wala kang makukuhang sagot sa akin." Sabay talikod niya at aakma na sanang aalis ngunit pinigilan ko siya gamit ang paghawak sa kanya sa braso dahil tumakbo ako papunta sa kanya. May gusto lang talaga akong malaman.
Tinitigan niya naman ang kamay ko tapos biglang binaling niya sa akin. Hinawakan niya yung kamay ko at pasimpleng inalis ang pagkakahawak nun sa kanya.
"Wag ka munang umalis dahil kinakausap pa kita. May gusto lang akong itanong at sasagutin mo ako."
"At bakit ko sasagutin ang mga tanong mo?"
"Dahil may gusto akong malaman. Gusto kong sagutin mo ang mga tanong ko. Hindi naman mahirap sumagot."
Seryoso lang siyang nakatingin sa akin na para bang pinag aaralan niya ang mukha ko.
"Hindi lahat ng tanong sinasagot dahil lang sa gusto mo Ashwel."
Mabilis akong napatingin sa kanya, dahil sa narinig kong pagsabi niya ng pangalan ko.
"Katulad ng ginagawa mo. Hindi lahat pwede mong buyuin dahil lang sa gusto mo."

BINABASA MO ANG
His Apathetic Girl
Teen FictionIsang tipikal na babeng mayaman, anak ng makapangyarihang pamilya na kahit kailan mahirap kalabanin. Si Yexie Zerine Rewsvelt na bunsong anak, na may kambal na lalaki, at may dalawang nakakatandang kapatid, ngunit sa di inaasahang pangyayari ang nak...