Chapter 11

16 1 0
                                    

THIRD PERON'S P.O.V


"YAKUNITATANAI HITO!!!!!!!" Dumagundong sa loob ng opisina ang boses ni Akio nung marinig niya ang balita tungkol sa sampung inutusan niya na patayin ang isa sa mga anak ng mga Rewsvelt.

(Yakunitatanai hito = Useless people!)


"Gomennasai, watashi wa karera ga sore o shori dekinakatta koto o shirimasendeshit. Motto okutte itara yokattanoni." Paghingi niya ng paumanhin sa kanya na nag bow pa. 

(Pasensya na sir, hindi ko alam na hindi pala nila kakayanin. Sana nagpadala pa ako ng marami pa.)


"Shizukani! Anata no shazai de watashi o tsūka shinaide kudasai. Dare ga sorera o subete koroshita ka oshietekudasai?" Sa pagsabi niya nun ay malakas niya ipanalo ang mga kamay niya sa lamesa at nanggagalaiti siyang nakatingin sa kausap niya. 

(Tumahimik ka! Wag mo kong idadaan sa pasimpleng paghingi mo ng sorry. Sabihin mo sa akin kung sino ang pumatay sa kanilang lahat?)


"Wakarimasen." Nakayokong sabi ng sekretarya niya. (Hindi ko po alam.)


Napapikit naman siya sa inis, dahil para sa kanya lahat sila ay mga tanga! Mga bobo!


"Sogashikute rīdo dekimasen. Dakara dare ga watashitachi no sutaffu o koroshi taka o mitsukeru tame ni saizen o tsukushite kudasai. Rewsvelts ni utsurimashou, sore ga keikakudesu. Dakara ima watashi no shikai kara dete, anata no nō o hataraka sete kudasai. Firipin no musuko ni aitaidesu." At bigla siyang umupo matapos niyang sabihin yun.

(Masyado na akong atat manguna. Kaya gawin mo ang lahat ng makakaya mo para hanapin kung sino man ang mga pumatay sa tauhan natin. Uunti-untiin natin ang mga Rewsvelt, yun ang plano. Kaya ngayon umalis ka na sa harap ko at paganahin mo yang utak mo. At tawagan mo ang anak ko sa Pilipinas gusto ko siyang makita.)

"Tsudzuku." At tumalikod na siya para lumabas ng opisina ni Aki. 

(Masusunod.)


Nung makalabas na ang kanyang sekretarya ay inikot niya bigla ang kanyang swivel chair paharap sa malaking glass wall ng opisina niya. Kitang-kita dito ang mga naglalakihang gusali. Pasimple niyang ipinatong ang dalawang kamay niya sa ilalim ng baba niya at pasimple na din siyang nag isip sa kung sino talaga ang pumatay sa mga tauhan niya. Sa pagkakaalam niya kasi ay walang kasamang body guards ang bunsong anak na babae ng mga Rewsvelt at kasalukuyan itong pinaparusahan sa skwelahan. Babae ito at alam niyang hindi nito kakayanin na lumaban. Kaya malaking katunangan para sa kanya ang nangyari. 


Para sa kanya, ang pag puntirya ng mga anak nito ang kahinaan ng pamilyang Rewsvelt. Gahaman siya sa pera, gusto niyang siya ang nangunguna pero dahil nandiyan ang pamilyang Rewsvelt hindi niya maisasakatuparan yun. Kaya inuunti-unti na niya. Kaso ang hindi niya malaman ay kung sino nga talaga ang pumatay sa mga tauhan niya. Alam niyang isa sa mga body guards ng Rewsvelt yun, pero sino? 



Sino nga ba sa kanila?


ASHWEL'S P.O.V


Nagising ako sa ingay na narinig ko mula sa pintuan, kaya nakakunot akong tumingin sa kaliwa ko, ngunit laking gulat ko at nakita ko si Zerine na nakatayo dun at nakatingin sa akin ng diretso. Tinignan ko ang kabuoan niya, marami pang dugo ang nasa damit niya gawa nung nangyari sa akin kanina sa school. Seryoso siyang nakatingin na animo'y binabasa ang nasa isip ko.

His Apathetic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon