Chapter 1

39 0 0
                                    

ASHWEL'S P.O.V



Kriiiiing!



Kriiiiiing!



Kriiiiiing!




Krii----






Peste!


Tinapon ko yung nag iingay na alarm clock sa tabi ng kama ko.



Bwiset!


Inaantok pa ako at ayaw ko sa lahat kapag nagigising akong kulang na kulang sa tulog.




Knock! Knock!



Sino naman ba yan? 


"Ashwel? Gumising ka na at tanghali na."


Napangiwi ako ng marinig ko ang boses ng tagapangalaga ng bahay namin. Matanda na siya at ilang taon na siyang naninilbihan sa amin. Siya ang nag alaga sa akin simula bata ako hanggang ngayon. Close ako sa kanya pero minsan lang talaga akong magsalita. Siya si handmaiden Llonora. Housekeeper namin siya, incharge sa mga ibang katulong.


Madalang kasing umuwi ang parents ko sa mansion na ito. Busy kasi sila sa mga negosyo nila sa ibang bansa. Nag iisang anak lang ako at napakatahimik talaga ng bahay kapag wala sila. Masyado narin naman akong nasanay na minsan nalang silang makasama.


"Gising na."


Walang ganang sabi ko at tumayo, uminom ng tubig na nasa lamesa sa gilid ng kama ko. Hindi naman na siya sumagot.


Ninamnam ko ang lasa ng tubig na alam naman nating wala naman talagang masyadong lasa.



(-.-)


Naiharap ko ang mukha ko sa calendar na nasa dingding sa taas ng study table ko. Nakita ko ang nakabilog na pulang ballpen.


June 3? Unang araw ng pasukan.


Bigla akong napaisip kung anong araw na ngayon. Kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng kama ko at tiningnan ang date.

His Apathetic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon