DOMINIC'S P.O.V
"The problem in the whiteboard serves as your assignment. Okay, class dismiss." Sabay alis ng professor namin sa room at nagsiingayan na ang lahat ng kaklase namin tungkol sa assignment sa Algebra.
Tumingin ako kay Ashwel dahil nagsimula na siyang tumayo at nag ayos ng gamit niya, tapos biglang lumingon sa upuan kung saan nakaupo si Zerine. Napatingin din ako dun dahil napapansin kong dalawang araw na siyang hindi pumapasok simula nung anunsyong binigay ni Tito Jasper sa amin.
Ewan ko ba, nung nawala si Zerine ng dalawang araw sa school ay masyadong tahimik. Walang pambubuyong nagaganap. Masyadong tahimik ang skwelahan. At inaamin ko sa sarili ko, gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makausap tungkol sa lahat ng nangyayari na alam ko naman sa sarili kong hindi niya ipapaalam. Hindi sa akin, hindi sa kaibigan ng tinuturing niyang kaaway.
Si Ashwel.
Ewan ko nga din ba kung pati ako tinuturing niyang ganun, pero wala naman akong ginawang masama sa kanya diba? Si Ashwel lang yun.
"Bakit....." Rinig kong sabi ni Ashwel kaya tinignan ko siya, lumingon naman siya sa akin. "Kaya wala siya noh? I mean, dalawang araw na siyang absent. Mag aaral pa ba yun?" Tanong niya sa akin.
Nagkibit balikat lang ako at tumingin ulit sa upuan ni Zerine. Nagsimula narin akong mag ayos para pumunta na ng canteen.
"Tara dre, canteen na tayo. Nagugutom na ako." Sabi ko tsaka tumalikod.
Sumunod naman si Ashwel at bigla siyang tumabi sa akin habang naglalakad.
"May sasabihin ako dre." Seryosong sabi niya sa akin habang nakatingin sa harap niya. Patuloy lang kami sa paglalakad. "Tungkol to kay Zerine." Sa sinabi niyang yun ay napatigil ako at humarap sa kanya. Mabilis din siyang humarap sa akin. "Sabi ko na nga ba at interesado ka."
"Ano ba yun?"
"Kahapon kasi nakausap ko saglit si Calvin, yun bang isa sa body guard ni Zerine." May gumuhit namang katanungan sa isip ko.
Si Calvin? Yun yung lalaking nakakausap ni Zerine minsan.
"Umalis ka kasi nun kaya nagkaroon kami ng oras mag usap."
Bakit naman nakausap ni Ashwel yun?
"Anong pinag usapan niyo?" Na c-curious kong tanong sa kanya. Malakas siyang bumuntong hininga tapos tumingin sa gilid niya.
"Yun na nga eh, hindi niya sinagot ang tanong ko."
"Huh?"
(o_O)?
"Hindi niya sinagot."
"T-teka nga, di kita maintindihan, nakausap mo siya pero di ka niya sinagot sa tanong mo so paano kayo nag usap sa lagay na yun?" Litong tanong ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
His Apathetic Girl
Teen FictionIsang tipikal na babeng mayaman, anak ng makapangyarihang pamilya na kahit kailan mahirap kalabanin. Si Yexie Zerine Rewsvelt na bunsong anak, na may kambal na lalaki, at may dalawang nakakatandang kapatid, ngunit sa di inaasahang pangyayari ang nak...