ASHWEL'S P.O.V
"Bakit may ganung pangyayari sa loob ng canteen?"
Tahimik lang ang lahat ng sabihin ni Tito Jasper yun. Yumuko si Alexandra at ang kaibigan niya. Si Dom naman ay nakatingin lang sa lamesa habang ako ay tumingin kay Zerine na biglang sumandal sa inuupuan at tumitig sa akin.
Hindi ko masasabi kung anong nilalaman ng mga titig niya ang binibigay niya sa akin pero isa lang talaga ang nakikita ko. May bahid ito ng pagkasuklam. Gawa ba ito dahil sa pagpapahiya ko sa kanya? Na sinampal ko siya? Diba mas ako naman ang naagrabyado? Ako ang natuhod, sinapak at sinipa. Ako ang may karapatang magbigay ng ganyang titig sa kanya. nagtagisan kami ng titig bago nagsalita ulit si tito.
"I was there, dahil chinicheck ko ang canteen pero yun lang nasaksihan ko pag pasok ko? Anong dahilan?" Galit na tanong niya tapos binaling kay Zerine ang tingin. "Dahil ba gusto mo lang mambuyo?"
Pagkarinig ni Zerine ng sinabi ni Tito ay dahan-dahan siyang lumingon sa kanya at napasmirk pa.
"Is it me you're referring to?" Tanong niya pabalik kay Tito.
"Yes, because I saw you grabbing her jaw."
"She's a monster prov! Sabi niya sa akin sisirain niya raw ang mukha ko. At kapag hindi pa siya natuwa, papatayin niya ako. Huhuhu! Prov help me! She's threatening me!" Si Alexandra habang nakatakip pa sa mukha habang umiiyak.
"Is that true Ms?"
"Rewsvelt."
Sa pagsabi ni Zerine nun ay isang malaking ngiti ang iginawad niya kay Tito na animoy may kahulugan. May bahid pa ng gulat ang mukha ni Tito pero inalis niya agad yun.
Teka! Magkakilala kaya sila?
"Is that true Ms. Rewsvelt?"
"And you believed her?" Natatawang sabi niya sa pagmumukha ni Tito, pero yung mata niya blangko parin.
"Kasi totoo yun!" Sigaw ng kaibigan ni Alexandra.
"Pero yung parte ng papatayin siya ay hindi ko sinabi. Galing mo din palang gumawa ng storya noh? Alexandra." Umayos naman siya sa kanyang pagkakaupo.
"Kung ganun ay paninindigan ko." Tumayo siya at lumapit kay Alexandra.
Napatayo kaming lahat nung bigla niyang abutin ang collar ni Alexandra at pilit pinatatayo. Umiiyak naman si Alexandra at pilit kinukuha ng kaibigan niya ang kamay ni Zerine.
"ZERINE ANO BA! RESPETO NAMAN! NASA OFFICE TAYO NG PROV!" Sigaw ko dahil parang sumusobra na siya.
"Sisirain ko talaga ang mukha mo kapag pinagpatuloy mo tong pagpapanggap mo. Kung tutuusin ikaw ang nauna hindi ba? Tinaray-tarayan mo ako at hinarang-harangan kahit alam mong papasok ako sa loob ng classroom. At dahil diyan sa pagtataray mo, nakisali ang walang kwentang lalaking yan." Sabay tumingin siya sa akin na may galit sa mukha. Tapos tumingin siya kay tito. "Hindi mo alam kung anong ginawa ng lalaking yan sa akin kanina. Sinampal ako sa harap ng maraming tao. Kaya di mo ako masisisi sa galit ko."

BINABASA MO ANG
His Apathetic Girl
Ficção AdolescenteIsang tipikal na babeng mayaman, anak ng makapangyarihang pamilya na kahit kailan mahirap kalabanin. Si Yexie Zerine Rewsvelt na bunsong anak, na may kambal na lalaki, at may dalawang nakakatandang kapatid, ngunit sa di inaasahang pangyayari ang nak...