Chapter 16

13 1 0
                                    

ASHWEL'S P.O.V


Nakalabas na kami ni Dominic sa hospital kanina pa at pabalik na kami sa Academy, nandito na nga kami sa may gate ng school eh. Hindi ko parin maintindihan kung bakit ayaw niyang sabihin sa amin kung anong nangyari sa kanya. 


Masyado lang ba siyang nagpapabebe?


Kunot noo lang akong nakatingin sa harap ng daan habang si Dominic naman ay hindi ko alam kung anong ginagawa.


"Anong iniisip mo?" Tanong ni Dom bigla na dahilan para mabalik ako sa wisyo.


"Hindi ko kasi maintindihan Dom eh, alam kong seryoso ang pagkakasabi ni Calvin sa akin na tigilan ko na si Zerine dahil nga mabubogbog siya, pero kung umasta siya kanina ay parang biro lang yung sinabi niya sa akin nung isang araw. Kitang-kita ko yung mukha niya Dom masyadong seryoso."

"Baka ginawa niya lang yun para tigilan mo na si Zerine. Buyo ka kasi ng buyo eh alam mo namang babae yun."

"Pero konektado kasi Dom eh, nung may nangyari sa school nung isang araw ay okay pa ang katawan niya nun. Masyado pang maayos, tapos sinabi ni Calvin sa akin yun, tapos pagkaraan ng dalawang araw nakita na natin siyang may mga galos, worst nahimatay pa. Sinong di maniniwala sa sinabi ni Calvin diba?"


Tumingin naman agad si Dom sa daan.


"Baka may sekreto siyang ayaw niyang ipaalam sa iba. Dahil kapag may konti siyang pinaalam baka magtuloy-tuloy at mabunyag kung ano talaga siya. Katulad ng ginawa mo Ash na sinabi mo sa lahat kung paano siya pumatay, diba ang sabi niya na dahil sa ginawa mo ay may madadamay ay meron nga."


Napatigil ako.


Oo nga, parang kasalanan ko yun.


"Kung ano man ang gusto niyang itago mula sa atin, hayaan na natin Ash. Kung gusto niya talagang ipaalam sa iba kung sino siya ay dapat matagal na niyang ipanaalam hindi ba? Masyado pang maaga simula nung magsimula ang klase pero ang dami ng nangyari. Pero kung hindi mo kaya siya inunahan may mangyayari kayang mga ganun?"



Napatingin ako kay Dominic, parang sinisisi pa ako ng ugok nato.


"Sinisisi mo ba ako sa lahat ng mga nangyari sa skwelahang to? Ako lang ba yung nang aaway? Siya din naman ah!"

"Sa pagkakakita ko Ash ikaw lahat ang puno't dulo."



ಠ~ಠ



Napangiwi ako.


Wow ah parang ang sama ko pa.


Napatingin ako sa canteen dahil malapit narin naman kami dito na pumasok.


"Pero kung totoo mang nabugbog siya dahil sa ginawa ko, nakokonsesnya ako Dom. Babae kasi siya."

His Apathetic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon