Chapter 3

20 0 0
                                    

DOMINIC'S P.O.V


Matapos ang ikatatlo naming klase sa aming major subject ni Ash ay tumayo na ako at kinuha ang bag ng babaeng yun. Nakalimutan ko ang pangalan niya eh. Masasabi kong nawiwirdohan na si Ash sa ikinikilos ko at naiinis na siya dun. Oo, ramdam ko rin naman ang aking kinikilos. Nagpapakabayani naman ako yun yun. Pero sa nakikita ko kasi sa babaeng yun ay mukhang importante talaga ang susi na iyon sa kanya.


Ito naman kasing si Ash ay ang hilig-hilig mambuyo. Hindi parin nagbabago kahit nasa mataas na level na kami ng pag aaral namin. Ang mas masaklap pa ay babae nanaman ang binubuyo niya ngayon. Mangha rin ako sa babaeng yun, hindi nagpapaapi at lumalaban talaga siya. Kaso nga lang napakawalang respeto niya, lalong-lalo na sa mga professor ng paaralang ito. Dalawang professor na ang sinagot-sagot niya pero masasabi kong namangha talaga ako ng sobra sa kanya. Yung tipong hindi mo siya kakikitaan ng takot.


Pero bakit ganun? Ganun na ba talaga ang ugali niya? O may nangyaring nakapagpabago sa kanya?


"Dom sa parking lot nalang kita hihintayin, alam kong may kukunin ka pa." Sarkastiko niyang tugon sa akin at tumingin lang sa harap.


"Hindi na dre. Mauna ka nalang umuwi. Mukhang matatagalan pa ako. Baka bumalik iyon, at ibibgay ko lang tong gamit niya." Parati kasi kaming sabay umuwi ni Ash. I mean, sabay kaming pumunta sa parking lot tapos sasakay sa kanya-kanyang kotse tapos sabay na aalis. Ganun kaming magkaibigan. 


"What? Seriously Dom?"


Ngumiti lang ako bilang sagot sa kanya.


"Dom, sabihin mo nga sa akin? Are you interested with that woman?" Nakataas na kilay pang aniya at natawa naman ako sa reaksyon niya.


"Wala."

"Wala? Pero kung makakilos ka ngayon, akala moy nagpapaimpress ka."



Hahahahaha.


"Nagseselos kaba?" Tanong ko sa kanya.


Biglang kumunot ang noo niya. Sobrang kunot na para bang yun na ang pinakanakakadiring narinig niya sa tanang buhay niya.



Hahahaha.


"What the f*ck are you saying Dom? Maghunus-dili ka. Gago, ang duga mo."

"Hahaha. Joke lang dre. Kadiri naman ng sinabi ko."

"Buti alam mo. Tss." Bigla naman siyang umayos ng tayo.


"So ano nga dre? Gusto mo ba yun? Kasi kung oo, f*ck you. Wag na wag mo na akong lalapitan."

"At bakit naman? Dahil kaaway mo?"

"Oo kaaway k—Teka nga? May gusto ka talaga ano?"

"Once is enough dre. Kapag sinabi kong wala, wala."

"Siguraduhin mo lang dre kasi hindi ko tatangga—"

His Apathetic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon