Chapter 01

4.2K 75 2
                                    

Chapter 01

"Gising na." Rinig kong sabi nung yumuyugyog sa balikat ko.

"Hmm . . ten minutes." Nakapikit kong sabi.

Akala ko umalis na ang yumuyugyog sakin pero halos mapatalon ako sa gulat ng sumigaw ito. "KENDALL!!!!!"

"Bakit ba?" Inis kong tanong at bumangon.

"May pasok ka pa ineng, baka gusto muna gumising."

"Bakit kaba nandito? Sino nagpaakyat sayo dito sa kwarto?" Tanong ko sa babaeng nasa harap ko ngayon.

"Edi yung nanay mo. Kanina kapa ginigising ng nanay mo pero hindi ka gumigising, buti nalang dumating ako."

"Edi ikaw na mabait." Tumayo ako at kinuha ang twalya ko. "Maliligo muna ako, hintayin mo ko."

"Bilisan mo ha."

Lumabas na ko ng kwarto at bumaba, naabutan ko ang aking inay at mga kapatid ko na nag-aalmusal na.

"Oh Kendall, kumain kana." Sabi ng aking inay nang makita ako.

"Maya na ho inay, maliligo po muna ako."

Tumango lang ang aking inay. Pumasok na ko sa aming CR at nagsimula maligo.

Hi bago tayo magpatuloy sa pagkwento ako'y magpapakilala muna. Ako si Kendall Love Reid, may tatlong kapatid at edad labing walong taong gulang. May kapatid ako isang lalaki at dalawang babae, si kuya Gino ang panganay at sumunod naman si ate Jessica tas ang pinaka-bunso ay si Christine, ang labing tatlong taong gulang kong kapatid.

Kami ay may simpleng buhay lamang, hindi kami mayaman pero nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Naibibigay din ng magulang namin ang pangangailangan namin, pero hindi kami maluho. Si ate Jessica ay pareho kami ng pinapasukan, pareho kaming scholar sa pinapasukan namin na university. Siya at fourth year collage na, habang ako ay second year collage palang. Si kuya Gino naman ay nagtatrabaho na, graduate sya ng It course. Ang kapatid ko naman na bunso ay high school na pero sa public lang sya nag-aaral. Wala naman kasing pampaaral si mama kay Christine sa private, maswerte nalang kami ni ate dahil scholar kami.

→Fast Forward←

Naglalakad na kami ngayon ng bestfriend ko papunta sa classroom namin. Habang naglalakad kami, sari't-saring panlalait na naman ang inabot ko. Kesyo daw mahirap ako, kesyo daw nerd ako. Hyst! Ano bang pakelam nila kung nerd ako?

"Wag muna lang sila pansinin." Bulong sakin ni Crimmy.

Hanggang sa makarating kami sa loob ng classroom, nakakarinig parin ako ng panlalait sakin.

Bahala sila dyan!




NAGISING ako dahil sa alarm ng aking cellphone. Dahan-dahan akong nagmulat at sinilip ang wall clock ko.

Nanlaki ang mata ko ng makita kong eight thirty na. Haluh!😱Dali-dali akong pumasok sa loob ng bathroom at naligo.

Whaaaa!!!! Malelate na ko sa school. Patay! 😔

By the way my name is Heaven Gray Scaletta, im eighteen yearsold and I live in manila. I have two brothers and i have one sister. Pinaka-matanda samin magkakapatid ay si ate Drianna, sumunod naman si kuya Gerald tas si kuya Adrian naman at pinaka-bunso ay walang iba kundi ako. Nakatira ako sa condo ng aking ate Drianna, ang ate ko ngayon kasi ay sa ibang bansa nagta-trabaho bilang isang doctor.

Si Kuya Adrian naman ay nagta-trabaho bilang isang piloto, si kuya Gerald naman ay isang pulis.

Ang parents ko ay naninirahan ngayon sa ibang bansa, kasama ang aking ate Drianna kaya kaming tatlo lang ni kuya Gerald at kuya Adrian ang nandito sa Pilipinas.

Pero iba't iba kami ng tinitirhan. Si kuya Gerald at Adrian ay may sari-sarili ng bahay pero wala pang pamilya.

Habang ako naman ay nakatira na rito sa condo nga ni ate Drianna, sayang naman daw kasi kung ibebenta nya tsaka mas maganda kung dito daw ako titira para hindi daw masyado malayo sa paaralan kong pinapasukan.

Sa Ateneo De Manila University kasi ako nag-aaral. Taray diba? 😂

→Fast Forward←

So pagkarating ko nga sa classroom, late na nga ako. Buti nalang at mabait ang aking professor kaya pinapasok parin ako.

Natapos ang klase at wala na naman akong natutunan. Charot! ✌

"Uy Heaven, bat late ka?" Tanong ni Minone. Bestfriend ko.

"Oo nga Ven, hindi ka naman nalelate dati eh." Sabi ni Joshua. Isa rin sa mga kaibigan ko.

Hindi ko pala nasabi. Sorry i forgot. ✌

Isa pala akong lipstick lesbian, yung lesbiana na babae manamit at kumilos pero sa babae lang nagkakagusto.

"Napuyat kasi ako kagabi kakanood." Sabi ko at hinilot ang sentido.

"Anong pinanood mo?" Tanong ni Michifu. Kaibigan ko rin or should i say tropa ko rin.

"Porn yan." Biglang sabi ni Karl kaya binato ko sya ng ballpen. Si Karl ay isa rin sa tropa ko.

"Kumain na nga lang tayo." Sabi ko.

Tumayo na ko at nauna na sa kanila lumabas ng classroom, pumunta na ko sa canteen at sila naman ay nakasunod lang sakin.

End of Chapter

Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

The Nasty GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon