Chapter 03

1.5K 33 0
                                    

Chapter 03

Heaven Point of View

Pagdating ko sa library garden, wala na ang mga kaibigan ko doon kaya naman nagtungo na ko sa susunod kong subject.

For sure nandun na silang lahat sa classroom. Pagpasok ko sa loob, tama nga ako dahil naabutan ko silang nagkwe-kwentuhan.

Naupo ako sa tabi ni Minone dahil doon naman talaga ang upuan ko. "Kamusta si ate Girl? Ayos na ba sya?"

Tanong ni Michifu nang makaupo ako. Hindi ako sumagot, bagkus tinitigan ko lang ng masama si Karl at Joshua.

Hindi ko alam kung bakit galit ako sa kanila, samantalang hindi naman ako ganito sa mga ibang binubully ni Karl at Joshua.

Tama! Naaawa lang ako dun kay Kendall kaya nagagalit ako kila Joshua at Karl.

"Hmm . . . Heaven?" Kumamot si Joshua sa Kilay nya. "Sorry ha."

"Sorry din." Nahihiyang sabi ni Karl din.

"Bat ako ba yung binatukan at tinulak?" Masungit kong tanong pero sa totoo lang. Gusto ko na ngumiti, pinipigilan ko lang.

"Don't worry magso-sorry kaming dalawa ni Karl dun sa babae." Joshua said.

Tumango lang ako. Saktong dumating narin yung professor namin kaya hindi na sila nagsalita at umayos na ng upo.

→Fast Forward←

Nang matapos ang klase ko, dumeretso na agad ako sa condo. Sila Michifu at Minone ay nagbar, kasama sila Karl at Joshua.

Kasalukuyan akong kumakain ng biglang tumunog ang telephono. Tumayo ako at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Hi kapatid!" Si ate Drianna pala.

"Ate, napatawag ka?"

"Wala lang, masama ba kamustahin ang maganda kong kapatid?"

"Ate talaga. Bolera mo!"

"Hindi noh! Maganda ka talaga, mana ka kaya sakin."

"Sayo talaga? Hindi kay mama?"

"Naku! Sakin ka nagmana."

"Hahahah!"

"Kumain kana? Wag ka magpapalipas ng gutom dyan ha. Mag-iingat ka lagi."

"Opo ate, lagi kaya akong busog."

"Syempre, hindi ka kaya nakukulangan sa pinapadala kong pera. Sobra-sobra pa nga eh tas andyan pa sila Adrian at Gerald."

"Nga pala ate, kamusta na sila daddy at mommy dyan?"

"Okay naman. Masaya naman sila."

"Ah okay. Cge na ate, kumakain ako eh."

"Oh sya cge. Mag-iingat ka ha, i love you baby sister."

"I love you too ate."

Binaba ko na at muling pinagpatuloy ang aking pagkain.




Kendall Point of View

Lagpas eight na nang makauwi ako sa bahay, marami pa kasi akong ginawa na paper works sa library.

Doon ko na ginawa para matulungan ko naman si nanay sa gawaing bahay pag-uwi ko.

Naabutan ko ang aking kapatid na si Christine na gumagawa ng assignment nya. Ang sipag talaga ng baby bunso namin.

"Hi nay." Bati ko kay nanay nang makita ko sya.

"Oh anak? Bat ngayon ka lang?" Tanong nito.

"Gumawa pa po ako ng paper works ko eh, nasan po si Papa?"

"Ang papa mo ay mamaya pa dadating, madami daw inutos sa kanya yung boss nya eh."

"Eh si kuya Gino?"

"Ganun din, marami din inutos sa kanya ang boss nya kaya mamaya parin yun." Sabi ni Nanay.

"May iuutos ba kayo?"

"Naku anak, wala na. Nagawa ko na lahat, tutulungan ko nalang si Christine gumawa ng assignment nya."

"Ako na po nay, matulog na kayo."

"Ako na anak, alam ko pagod ka."

"Nay naman. Alam kong mas pagod ka sakin, kaya magpahinga kana dun."

"Salamat anak ha."

"Wala yun nay, cge na ho."

Humalik muna ito sa pisngi ni Christine at sa pisngi ko bago nagtungo sa kwarto nila ni Papa.

→Fast Forward←

Nauna pumasok sakin si Christine sa kwarto dahil ako'y naghilamos pa. Pagpasok ko sa kwarto, naabutan ko ang aking mga kapatid na nagkwe-kwentuhan.

"Hi ate Jessica." Bati ko.

Ngayon palang kasi ako naka-akyat ng kwarto kaya ngayon ko lang sya nakita, hindi naman kasi kami sabay ni ate Jessica pumapasok at umuuwi. Madalas kasi magkaiba ang schedule namin dalawa.

"Kararating mo lang?"

"Hindi ate, tinuruan ko kasi si Christine sa baba kaya ngayon lang ako naka-akyat."

"Ah okay. Matulog na tayo." Sabi nito at nahiga, nahiga narin si Christine.

Sa isang kwarto kasi, magkasama kaming tatlo tas sila mama at papa sa kabilang kwarto tas si kuya Gino sa sala, sa sofa sya nahihiga.


End of Chapter


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter




The Nasty GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon