Chapter 02

2K 38 0
                                    

Chapter 02

Heaven Point of View

Pag tapos namin kumain sa canteen, pumunta kami sa rizal library garden para magpahangin at makalanghap ng sariwang hangin.

"Ang tahimik lagi dito sa garden." Sabi ko at naupo, umupo rin sa tabi ko si Minone.

Sa kabilang upuan naman naupo sila Michifu, Karl at Joshua.

(A/N: Babae po si Michifu.)

"Heaven, bar tayo mamaya." Aya ni Michifu.

"Ayoko." Tanggi ko.

"Sama kana, masaya 'toh." Sabi ni Karl pero umiling ako.

"Matutulog nalang ako sa condo ko kesa mag bar."

"Ang kj mo." Sabi ni Minone at binangga ang likod ko gamit ang shoulder nya.

"Kj na kung kj, basta ayoko sumama sa inyo." Sabi ko sabay irap.

"Uy nerd!" Napatingin ako sa taong tinawag ni Joshua.

Nakita kong tumakbo si Joshua dun sa babaeng nakasalamin at binatukan. Hindi ko pa pala nasabi, si Joshua po ay sobrang bully as in lahat ng makita nyang tao na gusto nya pagtripan, pagti-tripan nya. Ganun po sya ka-bully.

Mag-isa lang yung babae at para na itong iiyak. Tinitigan ko mabuti ang babae, parang hindi naman sya nerd, nakasalamin lang kaya napagkakamalan.

Sumunod si Karl at binatukan din yung babae kaya't tuluyan ng umiyak yung babaeng 'nerd' daw. Tinulak pa ito ni Karl kaya napaupo sa damuhan.

"Ang bully talaga nilang dalawa." Sabi ni Minone.

Kawawa naman. 😔

Tumayo ako. Lumapit ako kila Karl at Joshua. "Tigilan nyo yan. Hindi nakakatuwa." I said seriously.

Napakamot nalang sa batok si Karl at hinila na si Joshua pabalik sa kinauupuan nila kanina.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa babaeng tinulak ni Karl at tinignan ang kanyang tuhod na kasalukuyan na dumudugo.

Tsk! Nasira pa yung pants nya.

"Halika, dadalin kita sa clinic." Sabi ko at tinulungan sya tumayo. Tumingin ako kay Minone. "Dadalin ko lang sya sa clinic."

Tinignan ko muna ng masama sila Karl at Joshua bago nagsimula kami maglakad patungo sa clinic. Inaalalayan ko sya dahil hirap syang maglakad.





Kendall Point of View

Pag tapos gamutin nung nurse yung tuhod ko, inaalalayan parin ako ng babaeng tumulong sakin.

Pinaupo ako nito sa isang upuan. "I'm Heaven, what's your name?" Sabay ngiti nito.

"I'm Kendall." Nahihiya kong sabi.

"Nice name. By the way sorry pala sa ginawa ng mga kaibigan ko sayo, don't worry babayaran ko nalang yang pants mong nasira."

Akmang bubunot na'to ng pera nang hawakan ko ang kanyang kamay. "Wag na, okay lang. Sorry kung naabala pa kita."

"Are you sure?"

"Yes."

"Okay. San kaba pupunta? Aalalayan kita maglakad, baka kasi hindi mo pa kaya."

"Okay na ko. Hindi na masyado kumikirot ang aking sugat, balikan muna yung mga kaibigan mo."

"Okay. Bye Kendall."

Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad sya paalis. Ang bait nya, hindi sya katulad ng kaibigan nyang bully.

Buti nalang tinulungan nya ko kundi baka hindi lang sugat sa tuhod ang inabot ko sa dalawang kaibigan nya.

Kilala ko yung kaibigan nya, kilalang-kilala yung dalawang yun na bully rito sa ADMU.

→Fast Forward←

Pag pasok ko sa classroom, sinalubong agad ako ng mga kaibigan ko. "Besh san k——ANONG NANGYARI SAYO?!" Tanong ni Crimmy nang makita ang tuhod ko.

Hindi ko sya pinansin, dire-diretso ako naupo sa upuan ko. "Anong nangyari sayo?" Tanong ni Donny.

"Wala, nadapa lang ako." Pagsisinungaling ko.

"Hoy babae, alam kong hindi ka nadapa. May nambully na naman sayo noh?" Sabi ni Kisses.

"Wala." Sabi ko.

Magsasalita pa sana si Johnny pero biglang dumating yung professor namin kaya nanahimik nalang sila at nakinig sa nagtuturo sa harap namin.



End of Chapter



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

The Nasty GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon