Chapter 14

796 16 0
                                    

Chapter 14

Heaven Point of View

Habang papunta ako kung saan nakapwesto ang apoy at nakabilog ang tropa, nakita kong masaya na nag-uusap si Michifu at Kendall.

Hindi ko maiwasan magselos kaya naman pagdating ko doon, bandang malayo ako naupo sa kanila, sa gitna ni Crimmy at Donny ako naupo.

"Oh kumpleto na tayo guys. So simulan na natin mag-inuman pero bago yan, syempre habang nag-iinuman tayo kailangan may games." Joshua said.

"Ano gusto nyong games?" Karl asked.

"Kwentuhan muna tayo tungkol sa mga pamilya natin, yung background natin sa buhay. Tas mamaya na yung truth or dare." Kisses said.

Sumang-ayon naman ang lahat kaya yun ang gagawin namin. Kumuha ako ng can beer, binuksan ko ito at tinungga agad.

"Hinay-hinay lang, Heaven." Sabi ni Crimmy na nasa tabi ko.

"I'm okay. Hindi naman ako madaling malasing." I said.

"Sino mauuna magkwento?" Donny asked.

"Me." Johnny said and stood up. "So ako'y may isang kapatid, bali dalawa kami. The job of my mother is encoder, si daddy naman ay company driver. Hindi ganun kalakihan ang sahod nila pero sapat na para maibigay nila ang gusto namin, hindi naman kami maluho. Hindi rin kami palahingi ng kapatid ko sa magulang namin, eto nga 'tong phone ko na mamahalin hindi ko hiningi eh, sadyang niregalo lang nila 'toh sakin. May iba kaming kamag-anak pero sa nasa province. So ayun lang. Hahah!" Naupo na sya muli.

"Ako naman next." Sabay tayo ni Crimmy. "So ako ay solong anak, edad labing walong taon. Ang nanay ko ay may karenderya habang ang tatay ko naman ay nagta-trabaho sa isang talyer. Yun lang, secret ko yung iba. Hahah!"

"Kendall ikaw naman." Minone said.

Napatingin ako kay Kendall na kasalukuyan na nakatayo sa habang nakatingin samin lahat.

Nang magtama ang tingin namin, agad akong umiwas. "Ehem! Apat kami magkakapatid, nagta-trabaho ang tatay ko sa isang kompanya, ganun din ang trabaho ng kuya ko. Ang inay ko naman ay nagtitinda ng mga gulay sa palengke, minsan ay tumatanggap rin ito ng labada. Fourth year college na ang ate Jessica ko and yung bunso namin ay high school na." Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita siya.





Kendall Point of View

Tahimik akong nakaupo sa gilid ni Michifu nang tawagin ako ni Karl. Nagkwento naman ako tungkol sa background ng family ko and pagtapos ay si Heaven na ang sumunod.

Kaya pala simple lang magbigay kay Heaven ng mga gamit na mamahalin, dahil magaganda ang trabaho ng mga kapatid nya.

"Beer you want?" Michifu asked.

Umiling ako. "No thanks, hindi ako umiinom."

"Goodgirl."

→Fast Forward←

Nang matapos na ang lahat magkwento, sinimulan na namin maglaro ng truth or dare.

"Oh sino mag-iikot? Ayt! Ako nalang." Sabi ni Joshua at sinimulan na iikot ang bote.

Tumigil ang bote sa harap ni Johnny. "What? Ako agad?!"

"Hahahah! Bro truth or dare?" Joshua asked.

"Truth nalang, baka kung ano pa ipagawa mo sakin." Johnny said.

"Okay. Ilan na napaiyak mong babae?"

"Wala, hindi ako nagpapaiyak ng babae. Masama daw yun sabi ng mama ko."

"Wow goodboy!" Minone said and laugh.

Nagtawanan rin kami pero pansin ko na seryoso lang si Heaven habang umiinom. Problema?

"Ako naman." Sabay ikot ni Johnny sa bote.

Tumapat ito kay Michifu. "Truth or dare?"

"Dare."

"Sumayaw ka rito sa gitna." Natatawang sabi ni Johnny.

Hindi naman tumanggi si Michifu, agad syang nagtungo sa gitna namin at nagsimula magsayaw ng twerk.

"Okay kana?" Tanong ni Michifu kay Johnny nang matapos na syang sumayaw, naupo na ulit ito sa tabi ko.

Tumawa lang si Johnny. Inikot na ni Michifu ang bote. Akala ko hihinto ito sa harap ko pero kay . . . . Heaven pala tatapat.



End of Chapter



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

The Nasty GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon