Chapter 16

926 12 0
                                    

Chapter 16

Kendall Point of View

Two weeks . . . two weeks na kaming nag-iiwasan. Nang matapos syang umamin sakin, iniwan ko agad siya.

Nangutang ako kay Crimmy ng pera para makauwi agad ng manila. "Besh tulala kana naman dyan."

"Ha?" Wala sa sariling napatingin ako kay Crimmy at Kisses.

"Hanggang kelan ba kayo mag-iiwasan?" Kisses asked.

"Para kayo'ng tanga." Crimmy said.

"Nino?"

"Hay na ko! Besh alam kong hindi ka slow kaya sana naman wag ka magtanga-tangahan." Crimmy said.

"Hindi ko naman talaga alam kung sino ang tinutukoy nyo." I said kahit alam ko naman kung sino.

She sighed. "Si Heaven." Mahinang sabi ni Kisses.

"Pwede ba wag nyo na sya banggitin." Kunot noong wika ko.

"Porket ba umamin siya sayo, iiwasan muna sya? Hindi mo ba sya tanggap?" Donny asked.

"Tanggap ko siya." I said..

"Oh bakit iniiwasan mo sya?" Johnny asked.

"I don't know." I stood. "Bibili lang ako sa canteen."

Narinig ko pa ang sabay-sabay nilang buntong hininga habang papalabas ako ng classroom.

Hyst! Bakit ko nga ba sya iniiwasan? Dahil hindi ko siya tanggap? O dahil hindi ko tanggap na may gusto sya sakin?

→Fast Forward←

Pagtapos ko bumili ng pagkain sa canteen, tumungo ako sa sec walk. Madalas kasing unti ang tao dun.

Habang papalapit ako, natanaw kong andun si Heaven, kasama sila Karl. Tumalikod ako at lalakad na sana ng bigla nya akong tawagin. "Kendall!"

Tinuloy ko ang aking paglalakad, binilisan ko ang aking paglalakad pero nahabol nya ko.

"Can we talk?" Niwaksi ko ang kamay nyang nakahawak sa aking shoulder.

"May gagawin ako." Inayos ko ang aking salamin at maglalakad na sana muli kaso humarang siya.

"Galit ka pa rin ba sakin?" Malungkot nyang tanong.

"Hindi." Cold kong sagot.

"Bakit iniiwasan mo ko?" She asked.

"Hindi kita iniiwasan, marami lang talaga akong ginagawa." I said seriously.

"Wag mo kong gawin tanga, Kendall!"

"Why are you shout?"

May tumulong luha sa mata nya. Parang nanlambot ang tuhod ko nang makita siyang umiyak.

"I love you, Kendall."

"I'm sorry."

Tumakbo ako, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko kailangan ko lumayo sa kanya, kundi baka hindi na ko makahinga pa. Nahihirapan akong makita syang ganun.






Heaven Point of View

Niyakap ako ni Minone, niyakap ko rin sya at doon ako sa dibdib nya humagulgol.

Shit! Ang sakit! Sobrang sakit! Pangalawang beses nya na kong tinakbuhan.

Arghhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!

→Fast Forward←

One week . . . One week na kong hindi pumapasok, naka-stay lang ako dito sa condo ko.

Si kuya? Umalis na, doon na muli sya tumutuloy sa kanyang bahay. One week ng parang patay ang aking katawan.

Sa mga dumaang araw, hindi pa ko nakakakain. Tanging alak at mga chips lang ang laman ng tyan ko.

Wala kasi akong gana kumain, siguro ganito talaga pag-broken hearted. One week ng walang balita sakin ang mga kaibigan ko.

Tinatawagan nila ako pero hindi ako sumasagot, tumatawag narin sakin sila Crimmy pero hindi ko sinasagot.

One time pumunta rito sa condo ko si Johnny, kasama si Karl at Joshua. Pero hindi ko sila nilabas, hinayaan ko lang sila mag-door bell nang mag-door bell.

*RING!*RING!*RING!*

Tumayo ako at sinagot ang telephono, tanging telephono lang ang sinasagot ko. Dahil alam kong mga magulang ko lang naman ang tatawag dito atsaka si ate Driana.

"Hello?"

"Mygod Heaven! Ano yung nababalitaan ko na hindi ka pumapasok?!"

"Ate Drianan . . ."

"Heaven, what's your problem?!"

"Nothing ate, tinatamad lang ako pumasok."

"I know you lie. Tell me, what's your problem?"

"Broken hearted pero kaya pa naman."

"What?!"

"Bye ate, mag-usap nalang tayo ulit pag hindi kana high blood."

"Hea——"

Hindi ko na sya pinatapos magsalita, binaba ko na agad ang telephono at muling pumunta sa kusina para kumuha ng alak at pulutan.



End of Chapter



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

The Nasty GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon