Epilogue
Heaven Point of View
Nagising ako dahil sa lintik na door bell. Pasuray-suray akong naglakad patungo sa main door, hindi na ko tumingin pa sa door intercom.
Pagbukas ko nanlaki agad ang mata ko. "Mygod Heaven! Anong nangyari sayo?"
"Ate?" Hinawakan ni ate Driana ang mukha ko. "Gosh!" Pumasok ito sa loob. "Heaven ano bang nangyari? Parang dinatnan ng tsunami 'tong condo."
"Ate bakit nandito ka?" Tanong ko at naupo sa sofa.
"Pinatayan mo kaya ako kagabi ng telephono. Nag-alala ako sayo kaya agad akong umuwi ng pilipinas." Naupo ito sa tabi ko. "Ano ba? Totoo ba yung sinabi ko kagabi?"
Naalala ko na naman sya. Shit! Naiiyak na naman ako. Naramdaman ko nalang na niyakap ako ni ate Driana.
"Shh . . . Kaya mo yan, cheer up."
"Ang sakit ate." Umiiyak kong wika.
Hinagod nito ang likod ko. Nanatili akong nakayakap sa kanya habang umiiyak.
→Fast Forward←
"Heaven wake up." I slowly open my eyes. "Tumayo kana dyan tas maligo ka then kumain na tayo, nagluto ako ng favorite mo." Lumabas na ito.
Pa'no ako napunta rito sa kwarto? Diba kanina nasa sala kami ate Driana? Hmm . . makaligo na nga, nangangamoy na pala ako.
→Fast Forward←
"Ano bang nangyari?" Tanong ni ate Driana habang nasa kumakain kami.
"I'm broke."
"Kanino?" She asked.
"I love her."
"Her?"
Oo nga pala, wala palang ka-alam alam ang pamilya ko sa tunay na kulay ko. "I'm lesbian, ate Driana."
"Then?"
"You're not angry?"
"Of course not."
Humigop muna ako ng soup bago nagsalita muli. "Thank you ate Driana."
"So ano nga?"
"Ate pa'no ba sya kalimutan?"
"Mahal na mahal mo sya?"
"Yes, ilang buwan ko palang sya nakilala pero i love her so much." I said.
"Gusto mo sya makalimutan?"
"Yes." I said determined.
"Sumama ka sakin, doon mo sa america ipagpatuloy ang pag-aaral mo."
Natahimik ako sa sinabi ni ate Driana. Kaya ko nga ba? Pero ito lang ang paraan para makalimutan ko sya. Hyst! Kakayanin ko kahit mahirap at masakit.
"Sasama ako sayo."
Kendall Point of View
One week na syang hindi pumapasok, nag-aalala na ko sa kanya. Gusto ko sya puntahan kaso hindi ko naman alam kung saan nakatira yun.
Hindi ko rin nakikita sila Karl. Hyst! Ang tanga ko! "Besh!!" Napatingin ako kay sa taong tumawag sakin.
Nakita ko si Crimmy na tumatakbo papalapit sakin. "Anyari sayo?" Tanong ko nang makalapit sya sakin.
"Besh may sagot nasa tanong mo."
"Ha?"
"Diba hinahanap mo si Heaven?"
"Yes. Nakita mo ba sya? Saan? Tara samahan mo ko puntahan natin sya." Hahatakin ko sana ito pero napatigil ako ng makita ang malungkot nyang mukha. "Bakit?" Kinakabahan kong tanong.
"Besh wala na sya." Para akong nanghina, anytime babagsak ako, buti nalang nakahawak ako sa kanya. "Besh nasa ibang bansa na sya."
"Nagbibiro ka lang diba?" Nangingiligid ang aking luha. "Sabihin mo hindi totoo yang sinasabi mo, sabihin mo nagbibiro ka lang!"
"Besh totoo ang sinasabi ko. Kagabi lang sya umalis, sinundo sya ng ate nya. Ngayon ko lang nalaman dahil nakasalubong ko sila Minone."
Tumakbo ako, dinala ako ng mga paa ko sa rooftop. Kumapit ako sa railing at nagsisisigaw.
"ANG DAYA MO!!! HINDI MO MAN LANG AKO HININTAY! NAGUGULUHAN LANG NAMAN AKO KAYA NATAKBUHAN KITA EH! BAKIT HINDI MO KO HININTAY?!!!!"
Unti-unti akong napaupo at sa aking tuhod ako humagulgol. AHHHHH!!! MAHAL KITA, SANA NAMAN HININTAY MO KO!!!
→Fast Forward←
"Anak, bakit ngayon ka lang?" Tanong ng aking inay.
"Sorry po, marami pa kasi akong ginawa." Pilit kong inayos ang aking boses.
"Cge magpahinga kana."
Tumango ako at tumungo nasa kwarto. Pagpasok ko sa loob, naabutan ko ang mga kapatid ko na tulog na.
Sinara ko ang pinto at umupo sa gilid ng kama. Kinuha ko ang cellphone na binigay sakin ni Heaven, tinignan ko ang picture namin magkasama.
Nakakaiyak. Iniwan nya ko, hindi man lang sya nagpaalam. Pero tama lang na iwanan ako, ako rin naman ang may kasalanan eh. Kung hindi siguro ako nag-inarte, edi sana na sa tabi ko pa sya.
~Wakas~
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Story