Chapter 08

863 24 0
                                    

Chapter 08

Kendall Point of View

Walang pasok ngayon kaya tambay lang ako rito sa bahay. Kasalukuyan kaming nanonood ni ate Jessica nang biglang dumating si Crimmy, kasama si Donny.

"Ginagawa nyo rito?" Tanong ko sa kanila at pinaupo.

"Tumawag sakin si Heaven, gala daw tayo." Sagot ni Crimmy sa tanong ko.

"Hindi pwede, wala akong pera." Sabi ko.

"Libre naman daw nya basta't kasama ka." Sabi ni Donny.

"Weh?"

"Oo nga, sabi nya nga kahit magsama kapa daw eh." Sabi ni Donny.

"Sino-sino ba kasama?" Tanong ko.

"Tropa ni Heaven tas tayo-tayo nila Kisses at Johnny." Sagot ni Donny.

"Ge. Maliligo lang ako, kausapin nyo muna si ate." Tumingin ako kay ate Jessica. "Ate ikaw muna bahala rito. Maliligo lang ako."

"Ge, pagbalik mo may pasa na sa mata si Crimmy." Sabi ni ate Jessica.

"Edi wow! Baka magawa mo, Jessica." Sabay irap ni Crimmy.

Napailing nalang ako. Umakyat na ko sa aking kwarto para kunin ang towel tas muli akong bumaba, dahil sa bandang kusina ang CR namin nakapwesto.

→Fast Forward←

Nagsuot lang ako ng jogger na black and black v-neck shirt. Sinuot ko rin yung regalo sakin ni Papa last christmas na sapatos na nike na original.

Nagpulbos ako ng unti tas sinuot na ang aking nerdy glass. Tinignan ko muna sa salamin kung may pulbos o dumi ako sa mukha bago nagtungo kila Crimmy.

"Bakit suot mo pa yan?" Tanong ni Crimmy.

"Ang alin?" Takang tanong ko.

"Yung nerdy glass mo." Singit ni Donny.

"Oo nga kapatid, wag muna isuot yan." Sabi ni ate Jessica.

"Malabo ang aking paningin." Sabi ko.

"Bakit magbabasa kaba?"

"Manahimik kana nga, Crimmy. Tara na't umalis na tayo, baka naghihintay na yung mga yun." Sabi ko.

"Actually bessy kanina pa sila andon."

"Edi tara na, traffic pa naman baka anong oras na tayo makarating doon."

"Don't worry bessy dala ni Donny yung big bike nya." Sabi ni Crimmy.

"Tatlo tayo sa motor?"

"Hindi, may dala akong sarili kong motor." Sagot ni Crimmy.

Tumango nalang ako. Lumabas na kami ng bahay, sa motor ako ni Donny sumakay at pagtapos ay nagtungo na kami kung nasaan sila Heaven.






Heaven Point of View

Nandito kami ngayon sa Mall of Asia, hinihintay sila Kendall. Huling text sakin ni Crimmy, paalis na daw sila. Eh kaninang ten thirty yun, eleven fourty five na ngayon.

"Ang tagal naman nila." Sabay himas nya sa kanyang Tyan. "Wala pa ba sila?" Michifu asked.

"May nakita kang Kendall?" Sabay irap ko.

"Ayan na sila!" Sabi ni Kisses kaya napatingin kami sa tinitignan nya.

S-si K-kendall b-ba y-yan? 😱

Parang naging slow motion ang kanyang lakad sa aking paningin. Siya ba talaga yan? Ang ganda nya. Kahit nakasalamin sya, hindi yun naging hadlang para hindi mapansin ang kanyang kagandahan.

"Isara mo yung bibig mo." Natauhan ako ng pitikin ni Michifu yung labi ko.

"Ouch." Daing ko.

Kukutusan ko sana sya pero bigla nyang hinarang ang kanyang dalawang kamay. "Teka lang, umayos ka kasi para hindi ka mahalata."

"Hi Heaven."

"Hi Kendall." Bumeso ako sa kanya at ganun din kay Crimmy.

"So pwede na tayo kumain? Kanina pa ko gutom oh." Michifu said.

"Shut up Michifu! Lagi ka naman gutom." Inis kong sabi.

"Eh gutom na ko eh, kain na muna kasi tayo." Kunot noong sabi ni Michifu habang hawak ang kanyang tyan.

"Tama na yan. Tara na, kain na tayo." Sabi ni Kendall.

"Pero baka hindi pa kayo gutom?"

"Actually gutom narin ako, Heaven kaya kumain na tayo." Sabi ni Kendall at hinila na ko.

Nagpahila nalang ako, dinala kami ni Kendall sa inasal. "Ako na ang pipila." Sabi ni Karl.

"Samahan ko sya." Sabi naman ni Joshua.

Tumango kami. Humanap kami ng upuan, naupo kami sa bandang dulo dahil doon lang may bakante. Marami rin kasing kumakain eh.


End of Chapter


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter



The Nasty GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon