Chapter 06
Kendall Point of View
Pag-uwi ko sa bahay namin, si Christine at ate Jessica lang ang naabutan ko sa bahay. Nanonood sila ng Tv. "Hi Christine. Hi ate, nasan sila mama at papa?"
"Umuwi si Papa kaninang hapon ate tas nakaleave si Papa daw ng one week kaya niyaya nya si mama umuwi sa probinsya ate para din daw madalaw nila si Lola at Lolo." Paliwanag ng aming bunso na si Christine.
"Edi tayong tatlo lang dito sa bahay ng isang linggo?"
"Oo. Nga pala kumain ka naba, Kendall?" Tanong ni ate Jessica.
"Hindi pa ate. Sorry kung ngayon lang ako nakauwi ah, ang daming ginawa sa school eh."
"Ganyan talaga, pinagdaanan ko rin yan. Mas malala kapag nag-thirdy year college kana pero alam kong kaya mo yan." Sabay ngiti ni ate.
"Kumain naba kayo ate?" Tanong ko.
"Ako palang. Si Christine hindi pa kumakain."sabi ni ate Jessica.
"Tara Christine kain tayo." Aya ko.
Tumango si Christine at sabay na kaming pumunta sa kusina para ihanda ang kakainin namin.
→Fast Forward←
Nang matapos kami kumain, nanood kami sa sala. Si ate Jessica naman ay nasa kwarto na dahil may gagawin daw syang report.
"Ate bat kaba nagsasalamin? Malabo ba talaga ang iyong mata?" Nasa kalagitnaan kami ng panonood nang biglang tanungin iyon ni Christine.
"Oo, nagkaron kasi ako ng problema sa mata nung eight yearsold ako, Christine." Sabi ko.
"Anong nangyari sayo ate?"
"Hindi ko rin alam basta nung eight yearsold ako, madalas akong nahihilo tas pansin ko rin na unti-unting nanlalabo ang aking mata. Pina-check up ako ni mama sa doctor pero ang sabi ng doctor kailangan daw ako operahan, eh walang pera kaya pinagsalamin nalang ako ni mama. Kaya ikaw ingatan mo yang mata mo dahil isa yan sa importante sa katawan ng tao." Mahabang sabi ko.
"Ah okay ate."
Nanood na muli kami. Maya't-maya dumating na si kuya Gino at may dala itong ice cream kaya naman tuwang-tuwa si Christine. Favorite nya kasi yung ice cream eh, ako naman walang hilig sa matamis.
Heaven Point of View
Habang kumakain ako ng hapunan, biglang may nagdoor bell sa aking condo.
Kainis! Tuwing kumakain ako laging may istorbo. Padabog akong tumayo at tinignan sa intercom system kung sino ang tao.
Nakita ko sa intercom na nasa labas ng condo ko si Karl. "Hoy Heaven! Alam kong nandyan ka kaya buksan mo 'toh."
Lumapit ako sa main door at binuksan ang pinto. "Anong ginagawa mo rito?"
"Umalis ako samin." Sabay pasok nito sa loob ng condo. Siguro nag-away na naman sila ng daddy nya.
Sinara ko ang pinto at sumunod sa kanya. "Dito muna ako, bukas uuwi rin ako."
"Cge. Dun ka sa guest room." Tumango lang sya at naupo sa couch. "Kumain kana?"
"Hindi pa, may pagkain kaba dyan?" Kapal talaga ng mukha! 😀
"Halika sabayan mo ko."
Pumunta kaming dalawa sa dining area at pinaghandaan ko sya ng pagkain tas pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.
→Fast Forward←
Nang matapos kami kumain, nagdesisyon kaming mag-inuman. Syempre hindi lang kaming dalawa, tinawagan namin yung ibang tropa. Kaso si Minone at Joshua lang ang makakapunta, si Michifu busy daw.
After an hour dumating nadin sila Minone at Joshua, halos sabay lang silang dumating, nauna lang ng ilang minuto si Joshua.
"Bat ngayon lang kayo?" Tanong ko pagkaupo ko sa solo sofa.
"Traffic eh tas biglaan kaya yung pagtawag mo, buti nga pinayagan ako ni mommy eh." Sabi ni Minone.
"Biglaan din kaya yung pagdating ni Karl." Sabi ko.
"Tama na yan! Simulan na natin uminom." Sabi ni Karl sabay bukas can beer.
Kumuha ako ng pulutan sa ref at nagsimula narin uminom. Nagsi-inuman narin sila Minone at Joshua.
End of Chapter
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter