Chapter 11

844 18 0
                                    

Chapter 11

Heaven Point of View

"Kuya ikaw ng bahala rito sa condo ha, three days kami sa El Nido eh."

"Sino ba mga kasama mo?"

"Barkada tsaka yung bago namin mga kaibigan."

"Ah okay. Mag-iingat kayo ha. Nga pala ito pera oh, dagdag mo sa pocket money mo." Sabay abot sakin ng limang libo.

"Kuya salamat. The best ka talaga!" Sabay yakap ko dito.

"Nambola kapa, cge alis na. Ako ng bahala rito, ingat ha."

"Yes kuya."

Lumabas na ko ng condo habang hila-hila ang aking maleta, may dala rin akong back pack na bag.

Pumara ako ng taxi, binigay ko sa driver ang maleta ko bago pumasok sa loob ng taxi.

Hindi na ko nagdala ng kotse, eroplano sasakyan namin eh. Hindi narin ako nagpahatid kasi may pasok pa ang aking kuya Adrian, oo nga pala sa nasa condo na sya. Kahapon lang sya lumipat.

*I love you Dall . . .*

Tinignan ko ang caller ID. Si Crimmy pala.

"Hello?"

"Heaven, where are you?"

Nagsimula na umandar ang taxi. "Papunta na. Kasama mo na si Kendall?"

"Yes, nandito na kami sa airport."

"Eh yung iba?"

"Nandito na si Kisses, Karl, Donny, Michifu at Johnny. Si Minone at Joshua nalang wala tsaka ikaw."

"Cge, kita-kita nalang tayo sa waiting area, pasok na kayo sa loob, mainit sa labas."

In-end ko na ang tawag. Sinalpak ko sa tenga ang aking earphone at nakinig ng music.

→Fast Forward←

Nakarating na kami sa airport, binayaran ko yung taxi at bumaba na. Bumaba rin yung driver para kunin sa trunk ang maleta ko.

Pumasok na ko sa airport, syempre chineck muna ang passport ko bago ako papasukin ng tuluyan sa loob.

Pumunta agad ako sa waiting area, nakita ko naman sila. "Hi guys." Bati ko sa kanila.

"Oh Heaven, bat ngayon ka lang?" Tanong ni Donny.

"Hi Kendall. Traffic eh." Umupo ako sa tabi ni Kendall. "Mag-swimming tayo, may dala kang swimsuit?"

"Wala, hindi ako nagsusuot ng ganun."

"Good." I whispered.

"Ano?"

"Wala."

Tinawag na ang flight namin, sakto naman ang dating nila Minone at Joshua kaya nagbored na kami at pumasok sa loob ng eroplano.






Kendall Point of View

Halos kalahating oras lang ang byahe namin dahil naka-airplane kami. Paglabas namin ng airport, pumara agad si Minone ng dalawang taxi.

Si Minone, Karl, Donny, Crimmy at Michifu ang nasa unang taxi, ang natira ay sa pangalawang taxi bali nasa pangalawa kaming taxi nakasakay ni Heaven.

→Fast Forward←

"Wow! Ang ganda naman dito." Sabi ko nang makapasok kami sa resort.

"Mas maganda kapa rito eh." Sabi ni Heaven kaya mahina ko syang sinuntok sa balikat.

"Bolera mo." Sabi ko.

"Hindi kaya. Tara na nga! Baka hinahanap na tayo nila." Sabi ni Heaven sabay hila sakin papasok sa hotel.

"Guys ito na key card nyo." Sabay abot sakin ni Karl ng key card. "Dalawang kwarto lang kinuha ko para hindi tayo mapamahal, don't worry yung malaking kwarto naman ang kinuha ko. So boys tara na at kayo naman girls, dun kayo sa fifth floor, room 325."

Umalis na ang boys. "Let's go girls." Nauna na maglakad si Michifu, kasabay si Crimmy at Kisses.

Sumakay kami sa elevator. "What's floor ma'am?"

"Fifth floor po." Magalang na sabi ni Heaven.

Pinindot naman yun ng babae. "Kendall oh." Tumingin ako sa inaabot ni Heaven.

"Ano yan?"

"Cellphone."

"Alam ko, bakit mo inaabot sakin yan?"

"Kunin mo." Kinuha nito ang isang kamay ko at nilagay sa palad ko ang cellphone. "Gamitin mo yan, incase na may mangyari sayo tawagan mo agad ako, naka-register na yung number ko dyan, nandyan din yung number ng tropa."

"Okay pero ibabalik ko rin sayo 'to, hindi ko naman 'to kailangan eh."

"Kailangan mo yan para sa safety mo. Cge na sayo na yan."

"Ano ka?! Mahal kaya nito'ng phone na'to."

"Nandito na po tayo." Singit nung babae.

"Sayo na yan." Lumabas na ito ng elevator.

Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya, pagdating namin sa room 325. Kinuha sakin ni Heaven ang key card at in-slide nya sa pinto.

Pumasok na kami sa loob, bumungad samin ang dalawang kama na malaki at isa sa gilid na hindi kalakihan pero kasyang-kasya doon ang isang tao.


End of Chapter


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

The Nasty GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon