Chapter 04

1.2K 19 0
                                    

Chapter 04

Kendall Point of View

Maaga akong nagising dahil balak kong tulungan si nanay gumawa ng almusal. Naligo muna ako bago tinungo si nanay sa kusina.

Naabutan ko itong nagpi-prito ng Tuyo habang nagtitimpla ng kape. Grabe talaga si nanay, pinagsasabay ang dalawang gawain.

"Good morning po." Bati ko rito at humalik sa kanyang pisngi.

"Anak ang aga mo naman nagising." Sabi nito.

"Balak ko po kasi kayo tulungan gumawa ng almusal."

"Ang bait talaga ng anak ko pero dapat matulog kapa, mamaya may pasok ka at sigurado akong marami ka na naman gagawin."

"Inay sisiw lang yun, mapagod na ko basta wag lang mapagod ang maganda kong nanay." Sabay kindat ko.

"Ikaw talaga. Cge na nga, ikaw na magpatuloy sa pagtimpla ng kape at gigisingin ko muna ang iyong Itay."

"Cge po. Ako narin po muna titingin sa piniprito nyo."

Tumango ang aking Inay at umakyat na. Maya't-maya bumalik na si Nanay at kasama nya na si Itay.

"Magandang umaga Itay." Nagmano ako rito.

"Magandang umaga rin anak."

Pumasok ito sa Cr. Bumalik ako sa piniprito kong Tuyo at nakita kong luto na ito kaya naman pinatay ko na ang kalan.

"Inay tapos na po." Sumulyap ako sa orasan. "Aakyat po muna ako para gisingin si ate Jessica at Christine."

"Cge anak, gisingin muna rin ang kuya Gino mo para sabay-sabay tayo kumain ng agahan."

Umakyat muna ako. Pagpasok ko sa loob, naabutan kong mahimbing na natutulog si ate Jessica at bahagya pang nakanganga.

Inuna kong gisingin si Christine tas si ate Jessica naman ang sinunod ko gisingin. Agad naman itong nagising.

"Good morning kapatid."

"Good morning ate Kendall."

Ngumiti lang ako. "Baba na para makapag-almusal na tayo. Mauna na ko sa baba, gigisingin ko pa si kuya Gino."

Tumango lang yung dalawa kong kapatid. Dumeretso ako sa sala at wala akong nakita na kuya Gino na nakahiga sa sofa.

Hmm . . . Baka nasa kusina na.






Heaven Point of View

Habang naglalakad ako sa hallway, nakasalubong ko ang isang babae na kinakamot ang kanyang mata.

Hindi sa malamang dahilan pero bigla na lamang akong napangiti. Nilapitan ko ito habang nakangiti ng malapad.

"Hi Kendall."

Gulat itong napatingin sakin. "H-hi Heaven."

"Papasok kana?"

"Oo."

"San ba classroom mo?"

"Hindi ko alam eh, nilipat kasi ako ng section eh."

"Bakit naman." I asked.

"Hindi ko rin alam eh. Cge babye na, pupuntahan ko pa yung mga bestfriend ko, nilipat din sila eh."

"Sama ako, pwede?"

Hindi ko alam kung bakit gusto ko sumama, basta ang gusto ko sumama. "Oo naman, tara?"

Ngumiti ako at sabay na kaming naglakad patungo sa mga bestfriend nya.

Tumungo kami sa sec walk. Nang makita ni Kendall ang mga kaibigan nya, agad namin sila nilapitan.

"Oh Kendall? Bat ngayon ka lang?" Napatingin sakin ang isang kaibigan nyang babae. "May kasama ka pala. Hi."

"Hi." Bati rin nung isang babae na nakaupo, may nakaupo sa tabi nito na dalawang lalaki.

"Guys si Heaven pala, sya yung tumulong sakin nung nadapa ako. Heaven mga kaibigan ko pala."

"Hi." Sabay ngiti ko.

"Hi. Ako si Crimmy." Sabi nung babaeng unang kumausap kay Kendall.

"Hi. I'm kisses." Sabi nung babaeng nakaupo.

"I'm Donny." Sabi nung lalaking nakaupo sa tabi ni Kisses.

"I'm Johnny but you can call me John or any name." Sabay kindat nito.

"Guys punta na tayo sa bulletin board para matignan natin kung anong section natin." Sabi ni Kendall at inayos ang salamin nya. "Sama ka?"

"Yes."

"Tara na."

Lumakad na kami, pagdating namin doon. Agad nilang hinanap ang section nila.

"Pare-pareho lang pala tayo ng section eh." Sabi ni Johnny.

"Anong section nyo?" Tanong ko.

"A-1." Sagot ni Kendall.

"Tara na." Sabi ko.

"Ihahatid mo pa kami, wag na." Sabi ni Kendall.

"Hindi ko kayo ihahatid, dun din ang punta ko dahil section A-1 ako."

Naglakad na ko at narinig kong tumawa si Crimmy. Naramdaman ko nalang na nakasunod sila sa likod ko.



End of Chapter



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

The Nasty GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon