Chapter 10

848 19 0
                                    

Chapter 10

Kendall Point of View

"Saan tayo?" Tanong ko sa kanila nang makalabas kami ng mall of asia.

"Hindi ko alam. Guys may gusto pa ba kayo puntahan?" Tanong ni Heaven sa tropa.

"Uwian na tayo, gabi na eh." Sabi ni Kisses sabay sulyap sa kanyang relo.

"Oo nga." Sang-ayon ni Karl.

"Okay cge." Tumingin sakin si Heaven. "Hatid na kita."

"Wag na, Heaven. Sasabay nalang ako kay Crimmy, malapit lang naman ako sa kanila."

"Oo nga Heaven, ako ng bahala kay Kendall." Sabi ni Crimmy.

Tumango naman si Heaven at nagpaalam na aalis na. Umalis na din sila Karl at Joshua, kasama si Michifu at Minone.

"So guys bye na, see you nalang bukas sa school." Sabi ni Donny at sumakay nasa kanyang motor.

"Uy sabay na ko sayo!" Umangkas si Kisses sa motor ni Donny.

Nagwave muna samin si Donny at Kisses samin bago pinaandar ni Donny ang kanyang motor paalis.

"Guys aalis narin ako, pupunta pa ko sa bahay ng pinsan ko eh. Ingat kayo ha." Sabi ni Johnny.

"Cge ingat ka rin."

"Tara na, Kendall."

Naglakad na kami patungo sa pinagparadahan ni Crimmy ng kanyang motor.

→Fast Forward←

Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko si kuya Gino na nanonood ng batman. "Hi kuya." Bumeso ako sa kanya.

"Saan ka galing, Kendall?"

"Mall of asia kuya." Sabi ko.

"Ginawa nyo dun?"

"Kumain tsaka naglaro, treat ako ng bago namin kaibigan."

"Ah okay. Si mama nasa kusina, si papa naman kasama si Christine, pumunta sila sa puregold." Sabi nya.

"Puntahan ko muna si mama."

Tumungo na ko sa kusina, nakita ko si mama na nagluluto. "Anak dumating kana pala." Sabi nito nang makita ako.

"Ma." Humalik ako sa kanyang pisngi. "Kanina kapa nakauwi?"

"Kararating ko lang din anak. Kamusta ang lakad mo?"

"Okay naman po, masaya."

"Oh sya, umakyat ka muna sa inyo'ng kwarto at magpalit kana ng damit."

Sumunod naman ako sa utos ni mama, tumungo ako sa kwarto namin nila ate at nagpalit ng damit.






Heaven Point of View

Nang makauwi ako sa condo, dumeretso agad ako sa kusina at kumuha ng can beer.

Kinuha ko rin yung chips na nasa ref. Pumunta ako sa sala at binuksan ang TV. Naupo ako sa couch, nanood ako ng cartoons habang umiinom.

Bakit ako umiinom? Wala lang, trip ko lang. Nauuhaw ako eh. Hahahah!

*I love you Dall . . . .* (A/N: Ringtone po yan. Sorry sa ringtone✌)

Tinignan ko muna kung sino ang caller ID bago sinagot ang tawag. Si kuya Adrian pala, bakit kaya napatawag 'toh?

"Hello sis?"

"Hi kuya!"

"Sis buti sinagot mo yung tawag."

"Bakit kuya? Sorry ngayon ko lang nasagot ha, naka-silent phone ko kanina."

"Okay lang, sasabihin ko sana sayo na baka pwede ilang araw dyan muna ako sayo tumira. Na-assign kasi ako sa **** Hospital, malapit yan sa condo mo kaya sana dyan muna ako makikitira, ilang araw lang naman."

"Oo naman kuya, ikaw pa! Kahit dito kana tumira forever, okay lang basta ikaw.💗"

"Ayieee! Salamat bunso."

"Tawagan muna lang ako kuya kapag pupunta kana dito."

"Cge lang bunso, salamat ulit."

"Welcome." In-end ko na yung tawag.

Pinagpatuloy ko na yung pag-iinom at panonood ko ng cartoons. Hyst! Ang saya ko kanina, nakasama ko yung mahal ko. Lablab!💗


End of Chapter


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter



The Nasty GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon