Chapter 15

803 19 0
                                    

Chapter 15

Heaven Point of View

Sakin tumapat ang bote . . . Nakita kong ngumisi muna sakin si Michifu bago nagsalita.

"Truth or dare?" Michifu asked.

Uminom muna ako bago sinagot ang kanyang tanong. "Dare."

"Halikan mo ang taong mahal mo."

Napatingin ako kay Kendall, nakatingin ito sakin, halatang nag-iintay sa gagawin ko.

May tama na rin ako, medyo wala na ko sa sarili kaya tumayo ako at pasuray-suray na naglakad papalapit kay Kendall.

→Fast Forward←

Nagising ako dahil tumatama sa ang sinig ng araw sa aking mukha. Uupo sana ako pero biglang kumirot ang aking ulo kaya't napahiga muli ako.

Tumingin ako sa gilid ko pero wala si Kendall doon, napatingin ako sa kabilang kama. Nakita ko si Kisses na nagce-cellphone habang nakahiga.

"Kisses."

Napatingin ito sakin. "Oh gising kana pala, good morning." Tumayo ito at umupo sa aking gilid.

"Nasan sila?" I asked.

"Nasa baba na, kumakain ng breakfast."

"Paano ako napunta rito? Diba nasa tabing dagat tayo kagabi?"

"Oo. May ginawa ka lang naman tapos bigla ka nag-pass out." Sabay tawa nito.

"Anong ginawa ko?" Kunot noong tanong ko.

"Hmm . . . Wag ko na sabihin, baka bigla ka mag wala."

"Ano nga?"

"Ah . . Nag-sabi ka lang naman sa isang tao ng 'i love you' tas bigla mo hinalikan then doon kana nag-pass out."

"What?!" Napasigaw ako dahil sa gulat. Ohmygoddd!! Nakakahiya. "S-sino ang h-hinalikan k-ko?"

"Kendall." Tipid nyang sagot.

"Fuck! Shit! Nagbibiro ka lang diba? Sabihin mo hindi totoo yan. Nagbibiro ka lang diba?!"

"Hahahah! No, nagsasabi ako ng totoo. Yun talaga ang ginawa mo kagabi."

Napasabunot ako sa aking buhok. "Where's Kendall? Nagalit ba sya?"

"Nasa baba nga si Kendall, kasama nilang kumakain ng breakfast. Yung tanong mo naman kung galit si Kendall, hindi ko masasagot yan. Ikaw nalang ang mag-tanong sa kanya nyan."

"Shit! Sobrang nakakahiya yung ginawa ko." Sabay sabunot muli sa buhok ko.

"Okay lang yun. Atleast nahalikan mo yung mahal mo, nasabihan mo pa ng i love you."

"Shut up, Kisses!"

Pinilit kong tumayo kahit masakit ang aking ulo dahil sa hang over. Kailangan ko maka-usap si Kendall, baka iwasan nya ko dahil sa ginawa ko.






Kendall Point of View

Hindi ko ine-expect na magagawa sakin ni Heaven yun. Hayop sya! Kinuha nya yung first kiss ko na dapat ibibigay ko lang sa mapapangasawa ko.

Gago siya! Porket nerd ako, paglalaruan nya na ko?!

"Besh wag kana magalit kay Heaven, alam naman natin na walang may kasalanan. Lasing sya, hindi nya sinasadya iyon." Crimmy said.

"Sinadya nya yun! Kahit lasing sya, alam nya parin ang kanyang ginagawa." I said seriously.

"Sabihin muna lang kay Heaven na panindigan ka nya." Minone said.

Bigla naman binatukan ni Michifu si Minone. "Kendall, wag mo isipin yung pinagsasabi nito."

"Basta galit ako sa kanya. Bwiset sya!"

"Besh malay mo totoo yung sinasabi nya sayo." Crimmy said.

"Ang alin?" Takang tanong ko.

"Yung 'I love you'."

"Siraulo!" Sabay batok sa kanya.

"Aray naman!"

"Oh ayan na pala si Kiss stealer." Minone said.

Tumingin ako sa sinasabi nya. Nakita kong naglalakad papalapit samin si Heaven, nakatungo ito.

Hmp! Bahala siya dyan.

"Good morning Ms. kiss stealer." Michifu said and laugh.

"Kendall, can we talk?"

"No." Sinamaan ko sya ng tingin.

"Please."

"Kendall kausapin muna." Bulong sakin ni Crimmy at kinurot ako sa tagiliran.

Wala akong nagawa kundi tumayo at naglakad, ramdam ko naman na nakasunod sakin si Heaven.

Huminto ako sa lugar kung saan walang masyadong tao. Humarap ako kay Heaven. "Anong gusto mo pag-usapan?"

"I'm sorry." Nakatungo nitong wika.

"Sa buhangin ka ba nagso-sorry?"

Nag-angat ito ng tingin. "No."

"So bat sa buhangin ka nakatingin?"

Napakamot ito sa kanyang kilay. "I'm sorry, nahihiya kasi ako sayo."

"Dapat lang noh! Alam mo bang kinuha mo ang first kiss na dapat ibibigay ko sa mapapangasawa ko!" Galit kong wika.

"I'm sorry. Im drunk, Kendall." She said.

"Hindi dahilan yun!" Nakakagigil siya!

"I love you."

Natulala ako sa binigkas ng kanyang bibig. Anong sabi nya? I love you? Shit!


End of Chapter


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

The Nasty GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon