Chapter 07

944 23 0
                                    

Chapter 07

Kendall Point of View

One Month Later . . . .

Isang buwan . . . isang buwan na ang nakalipas mula ng makilala ko si Heaven. Sa mga lumipas na araw, lalo kaming naging close ni Heaven pati tropa't tropa ko close narin.

Lagi kaming magkakasama kaya nalaman ko kung anong ugali meron si Heaven.

Alam nyo bang nalaman kong sweet pala sya pero matampuhin nga lang. Minsan nga gusto nyang hawakan yung kamay ko pero binabawi ko kaya ayun! Nagtampo ang Heaven nyo.

Kasi naman! Minsan naiilang ako, minsan nga kapag nakikita kami ng ibang tao na magka-holding hands parang iba yung tingin nila samin.

"Hoy! Tulala kana naman dyan."

"Bakit ang aga mo pumasok?" Tanong ko kay Heaven na kakarating lang.

"Wala lang, alam ko kasi maaga ka papasok eh." Sabi nya at tinanggal ang earphones na naka-kabit sa ear nya.

"Pa'no mo nalaman?" Sabay ayos sa aking salamin na nakasuot sa aking mata.

"Secret. Tayo palang pala ang nandito." Sabi nito habang nililibot ang paningin sa buong classroom. "Hindi paba dumadating si Johnny?"

"Pansin ko madalas mo hanapin si Johnny. May crush kaba kay Johnny?" Tanong ko at nilapit ng bahagya ang aking mukha sa mukha nya.

"Wala, may iba akong gusto noh." She said.

"Sino? May picture ka nya? Patingin naman." Sabi ko.

"Secret, pag nalaman mo baka layuan mo pa ko." She said.

"Bakit hayop ba yung gusto mo?" I asked.

"Basta. Manahimik kan——" Hindi na natapos ang kanyang sinabi dahil biglang dumating si Donny, kasama si Kisses. "Wazzup mga kaibigan!"

Bumeso ako kay Kisses. "Hindi nyo kasabay si Johnny?" Magkakapit bahay kasi sila Johnny, Donny and Kisses eh.

"Hindi papasok si Johnny, nilalagnat daw sya. Hindi ba nagtext sayo?"

"Bes alam mo naman na wala akong cellphone eh, bessy mahirap lang kami." I said.

Totoo yun. Wala akong cellphone, sa amin magkakapatid ako lang at si Christine ang walang cellphone.

"Wala kang cellphone?" Singit ni Heaven.

"Wala, hindi mo alam?"

"Bakit wala kang cellphone? Dapat may phone ka para incase na may mangyaring masama sayo, may pantawag ka."

"Ayoko, hindi ako humihingi ng ganyan sa magulang ko. Masasayang lang pera nila para dyan and mahirap lang po kami, nakapag-aral lang ako dito dahil sa scholarship." Paliwanag ko.

Tumango lang ito. Maya't-maya dumating narin ang barkada ni Heaven.





Heaven Point of View

Kaya naman pala nung hiningi ko yung number nya, sinabi nyang wala syang number. Yun pala wala syang phone.

Hyst! Dapat may phone sya, lalo na't babae sya. Pa'no kung may mangyari sa kanya? Pa'no sya hihingi ng tulong?

Tinignan ko ang oras sa aking cellphone, nakita kong may five minutes pa bago magsimula ang aking klase.

"Guys labas muna ko, may tatawagan lang ako."

Lumabas na ko ng classroom, umupo ako sa gilid at tinawagan ang aking kuya na si kuya Gerald.

"Hello kuya."

"Oh baby girl?"

"Kuya diba malapit ka sa mall?"

"Oo. Why baby girl?"

"Kuya bili mo ko ng phone, yung huawei Y3."

"Bakit baby girl? Sira na ba yung iphone mo?"

"Hindi kuya. Kailangan ko lang ng extra phone. Babayaran nalang kita kuya."

"Wag na baby girl, cge ihahatid ko mamaya yung phone sa condo mo."

"Salamat kuya." Sabay end ng call.

Binulsa ko na ang phone ko. Pumasok na ko sa loob ng classroom, saktong dumating nadin yung professor namin.

→Fast Forward←

Nauna nang umuwi samin si Kendall dahil wala na syang class, ganun din ang tropa nya. Umuwi narin si Joshua at Minone, kami naman ni Michifu ay naiwan dahil may class pa kami.

Pag-college kasi iba-iba ang schedule, hindi katulad ng elementary or high school.

Naglalakad ako sa hallway papunta sa aking next subject nang makasalubong ko ang aking pinsan na mahangin.

"Wazzup couz! Nakakita kana naman ng gwapo." Sabay pogi pose nito.

"Hay na ko! Javier."

"Joke lang couz. San punta mo?" He asked.

"Uuwi na sa condo." I said.

"Pwede sumabay? Nasira kasi yung kotse ko."

"Okay. Saan kaba?" I asked.

"Sa condo ko pero ibaba muna lang ako sa seven eleven para hindi kana mahirapan."

"Wag na. Ihahatid na kita hanggang sa condo mo." I said and started walking.

Pumunta kami sa harap ng BEG dahil doon nakaparada ang aking kotse.


End of Chapter


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

The Nasty GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon