"Say something! O my gush! magsalita ka naman beshiee! "
Tuwang-tuwa kong sabi sa kaibigan ko habang nakaupo kami sa isang restaurant at kumakain.
" OMG! Kristina! totoo? napakabilis naman? kapo-promote mo lang last year tapos promoted ka na naman agad? "
takang-taka niyang tanong, hindi ba siya naniniwala sa akin?
" Din! Oo nga, kasasabi lang ni boss kanina. Naku kahit na hate na hate ko yon ay hindi ko inaakalang ganito pa ang ibibigay niya sa akin"
Pagpapaliwanag ko.
Ang kanina'y nagtatakang ekspresyon sa mukha ng kaibigan ko ay naging maliwanag at masaya na ngayon." Congrats!! akala ko eh ginu-good time mo lang ako eh "
Saad niya" pilya ako pero hindi sa mga ganitong pagkakataon haha"
Sabi ko naman.
"alam na ba ni Mike ang tungkol dito? "
Tanong niya."well, alam na niya"
-ako"anong sabi niya? "
-Din"wala, inaya niya ako sa isang date para daw icelebrate namin"
-ako"eh bat ganiyan ang itsura mo? parang hindi ka masaya"
-Din" masaya naman ako "
Mahinhin kong sabi.
Lumapit bigla si Din sa akin at tinitigan ang mga mata ko."yong totoo? huwag mo akong pinagloloko Kristina ah"
Nagbabanta niyang sambit.
Sabi na nga ba, kaibigan ko talaga ang isang to, alam lahat ng tumatakbo sa isip ko." actually.. hindi talaga niya ako niyaya ng date "
Pag-amin ko.
Namuo bigla ang pagkainis sa mukha niya."eh ano? ikaw na naman ang nag-aya sa kaniya?"
Pagalit niyang tanong.
Hiyang-hiya naman akong tumango, well sana wala siyang gawing bayolenteng bagay aa akin." p*cha! naman Kristina! so gastos mo na naman? aba't napakasuwerte naman ng hukluban na iyon at nagtitiyaga ka sa kaniya! "
Galit na galit niyang sambit.
Sana talaga ay makalabas ako ng buhay sa restaurant na ito."Shhhh.. wag mo naman siyang pinagsasalitaan ng ganiyan, naging mabuti naman siyang boyfriend at malaki rin ang naitulong niya sa promotion ko bukod sa tito niya iyong boss namin eh sikat din ang pangalan nila"
" baka nakakalimutan mo, marami na siyang nagawang mali! ilang beses mo na ba siyang nahuling may kalandiang ibang babae? "
-Din" tatlo "
-ako" ilang beses na kayo nagdedate na lagi niyang nakakalimutan ang wallet niya? at sa huli ay ikaw ang laging nagbabayad? "
-Din"tatlo rin"
-ako" o tignan mo? eh bakit ayaw mo pa rin siyang hiwalayan? t*nga mo talaga beshie! "
Masakit na sabi ni Din sa akin.
Hindi naman ako na-offened o ano man sa sinabi niya dahil totoo naman iyon kaso lang wala talaga akong magagawa, hindi pa rin ako nagigising sa katotohanan."alam mo naman Din diba? mahal ko siya, matagal ko na siyang gusto at naipakilala ko na siya sa pamilya ko, feeling ko talaga ay siya na ang the one for me"
Pagpapaliwanag ko sa side ko kung bakit ako nagtitiis ng ganito.
" ewan ko na lang talaga sayo beshie! isang buwan pa lang kayo pero andami na niyang kasalanan sa yo.. paano pa kaya pag kayo na ang nagkatuluyan? baka hindi lang pangangaliwa ang gagawin niya, baka saktan ka na niya ng pisikal"