5-Home town

5 2 0
                                    

(Kristina)

Lakas loob akong pumasok sa opisina kahit na lahat ng katrabaho ko ay nakatingin sa akin ng hindi ko maipaliwanag na tingin.
Lalo na si Gill, simula noong naging kami ni Mike,  nagsimula na rin ang pagkabuwisit at paninira niya sa akin.
Crush na crush po kasi niya iyong boyfriend ko na hindi ko alam kung anong nagustuhan niya doon.

Hindi naman maganda ang ugali.

" pinapatawag ka raw ni boss sa opisina niya "

Tawag ng isa kong katrabaho sa akin.
May iuutos na naman ba ang matandang iyon sa akin?

Kahit labag sa loob ko,  pinuntahan ko pa rin siya at inalam kung bakit niya ako pinapatawag.

" sir,  nandito na po ako "

Bati ko ng makapasok ako sa opisina niya.

" nirequest kang isama ni Micheal sa isang project na gagawin niya sa hometown namin "

Bungad niyang balita.
Ako?  Nirequest?  Di nga?

" ahhh bakit naman daw po? "

Tanong ko na hindi pa rin makapaniwala.

" hindi ko alam,  basta pumunta ka na lang "

Moody niyang sagot.

Matapos non ay pinalayas na niya agad ako.
Marami pa sana akong tanong eh

Anong trip na naman ba ito ni Mike? Pahihirapan na naman niya ako eh.

" Kristina... puwede ba tayong mag-usap? "

Salubong sa akin ni Ron
Wooh!  ito na naman siya sa pakikiusap
Kung bakit ba hindi ko kasi siya matanggihan

" tungkol saan? "

Tanong ko.

" tungkol sana sa viral photos natin "

May balak pa talaga siyang ungkatin na naman iyon.
Nagmo-move on na nga ako eh

" ano namang pag-uusapan natin tungkol doon? "

Seryoso kong tanong

"huwag sana dito,  kung puwede sa lugar sanang walang nakakarinig sa atin"

Pakiusap niya.
Muntik na sana akong pumayag kaso biglang may isang tawag na pumigil sa akin.

Tumunog ang phone ko at napagtanto kong kanina pa pala may tumatawag sa akin.

" hello? "

" saan ka? "

" sa opisina,  bakit? "

" nalaman mo na ba yong tungkol sa pagsama mo sa akin? "

" oo,  kasasabi lang ng tito mo"

" good "

Huling  sabi ni Mike tiyaka pinatay ang telepono niya.

Ano yon?

Yon lang pala ang sasabihin niya bakit kailangan pa niyang tumawag? Pwede namang text.

Muli akong napatingin kay Ron at naisip ang isang bagay.
I must stop talking to this man,  lalaki lang lalo ang issue.

" I'm sorry but I can't talk to you right now,  I have to do a lot of things ''

Saad ko tiyaka siya iniwan.
Unti-unti ko nang naayos ang image ko, ayoko ng masira ulit iyon.

(Din)

"Nakunan mo ba ng picture"

tanong ko sa kaibigan kong magaling sa photograpy

"oo kanina pa,  bakit mo ba kasi iyon pinapicture?  kawawa naman iyong tao"

CoveredWhere stories live. Discover now