4-viral photo

4 1 0
                                    

(Kristina)

" bakit ka ba nagagalit?   eh napag-usapan naman natin na  bahala na tayo sa pribado nating buhay.. "

Lakas loob kong tanong matapos ang mahabang pananahimik

" yes, I agreed to that but with a condition, walang pakialamanan ng pribadong buhay basta hindi nakakaapekto sa buhay ko at sa career ko"

Diretsong saad niya.
Wow!  Napakaselfish talaga niya.
Wala na akong masabi,  siya na.
He's only thinking about himself all along.

" fine,  eh ano namang naging epekto sa career mo ng ginawa kong pakikipagmeet kay Ron? "

Nanlalaban kong banat dahil sa tingin ko naman talaga ay wala akong naviolate na law or what.

Tumingin siya sa akin na nakangisi sabay inom sa pangatlo na niyang can ng alak.
Isa lang binigay ko sa kaniya ah,  paano siya nagkaroon ng dalawa pa?

" are you really sure *hiks* , that's the question you want to ask me? *hiks*
why don't you answer it yourself *hiks*"

Patigil-tigil niyang saad.

Lasing na ba siya? 

Nakaramdam ako ng  pawis na dumadaloy sa noo ko.
Hindi naman mainit pero napansin kong nakapatay iyong aircon kaya tumayo ako para buksan iyon.

" Kris,  hoy!  bakit mo ako iniiwan dito?  I'm still talking to you "

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo rin at sinundan ako papunta may aircon.
Lumapit siya sa akin ng sobrang lapit tiyaka pumipikit pikit na tumitig.

Lasing na nga siya.

" hindi kita iniiwan, binuksan ko lang itong aircon kasi mainit "

Sagot ko para manahimik na siya.

Akala ko ay titigil na siya pero hindi dahil kung ano-anong mga bagay na naman ang sinabi niya.
Problema sa tatay niya, career niya at kung kani-kanino.

So anong tingin niya sa akin?
Labasan ng sama ng loob?

Nataranta na naman ako ng bigla siya na-out of balance at matumba sa sahig.
Buti nga sa kaniya,  sino kasing may sabi na magpakalasing siya.
Sama ko talaga.

" ano ba kasing ginagawa mo?  umuwi ka na lang kasi.. let's just stop this argument, gabi na "

Lumuhod ako para makapantay ko siya.

" I.. "

Putol niyang sabi.

" huh?  "-ako

" I want.."

" you want.. what? "

" I want to pee,  where's your damn!  CR  "

Wow!  makiki-CR nga lang,  magmumura pa.

" dito,  halika "

Inalalayan ko siyang tumayo dahil sa tingin ko ay hindi na niya kayang mag-isa.

Dahan-dahan kaming naglakad papuntang CR para hindi kami parehong matumba.
Napakabigat naman ng lalaking ito.

" here's the CR,  sige umihi ka na"

Humiwalay siya sa akin at pumasok sa CR.
Sinara niya ang pinto at nilock pa yata.
Akala mo naman kung sisilipan ko siya.
Kapal niya! noon ko lang balak gawin yon,  pero hindi na ngayon.

Matapos ang ilang minuto ng pamamalagi niya sa CR,  narinig kong bumukas ang pinto kaya agad akong lumapit.

" ouch!  the hell is this CR!  "

Muli na naman niyang minura ang aking CR ng nauntog siya sa mababa nitong pintuan.

Malay ko ba,  maliit lang naman kasi ako kaya hindi ko problema iyan.
Dumiretso siyang naglakad papunta sa pintuan palabas at binuksan iyon.

"uuwi ka na ba? "
Tanong ko kunwari kahit alam kong uuwi naman na talaga siya.

" gusto mo na talaga akong umuwi? *hiks*"

" huh?  hindi naman sa ganon.. "

Kunwari ko na namang sabi kahit totoong gustong gusto ko na siyang umuwi,  bwisit siya eh.

" o c'mon!  don't make me look stupid *hiks* I know what you thinking *hiks*"

Hays!  bahala ka diyan!
kung matulog na lang kaya ako at layasan ko na to?
hindi pa nga pala ako kumakain, gutom na ako.

" Listen,  Mike. Lasing ka na,  umuwi ka na lang muna at bukas na tayo mag-usap kung kailan maayos at matino ka na so please just leave "

I explained.

" No!  hindi ako lasing,  nahihilo lang pero matino at maayos akong kausap.. don't accuse me! "

Accuse?
O tignan mo,  hindi nga siya maayos kausap.
Grrrrr.

" you know what,  gutom na ako.. maupo ka na lang muna dito at magluluto muna ako ng pagkain,  mamaya mo na ako kausapin "

Huli kong litanya tiyaka dumiretso sa kusina at nagbalat ng sibuyas.
Hindi naman siya umapela at nagsabi na naman ng kung ano-ano.

Matapos ang ilang minuto kong pagluluto,  dahil prito lang naman ang niluto ko,  dumiretso ako sa sala para sana ayain si Mike kumain at ng mahimasmasan naman siya kaunti pero ang loko naabutan ko na lang na tulog.

Nagalit ako noong una dahil ayoko siyang matulog na naman dito,  noong huli siyang nakitulog
dito, naabutan kami nina mama at papa.
Akala tuloy nila,  live in na kami.
Ewan ko ba kasi doon,  may malaki namang bahay,  dito pa napiling makitulog.
(Hindi kasi niya gustong makita manager niya that time,  iisa lang house nila at may away sila noong panahong yon)

But I realized,  okay  na palang matulog na lang siya dahil at least wala ng maingay at safe pa siya dahil kung umuwi siya ngayon at nag-drive siya,  malaki ang posibilidad na may mangyari sa kaniya sa daan.

Nagpasya na lamang akong maupo sa sala at kumain habang nanonood ng TV.
Masarap na sana ang kain ko kaso nasira dahil sa breaking news na biglang nagpakita sa TV screen.

Litrato ko iyon habang kasama si Ron kanina.
Ano bang iniisip ng media ngayon?  wala namang masama kung magkasama kami ah, hindi ba pwedeng bilang magkaibigan lang?
wow!  grabe!  pinalaki na naman nila ang issue na in the first place ay hindi naman issue.

Tumingin ako sa kanina pa tulog na si Mike at biglang napaisip,  kaya ba siya nagpunta rito at naglasing dahil sa picture na yan?
OMG!  Lagot na naman ako nito bukas paggising niya.
Marami na namang iistorbong press sa kaniya dahil sa bwisit na picture na yan.

Napalunok ako at muling sumubo ng pagkain.
Hirap naman maging boyfriend ang isang to,  bukod sa hindi ko talaga siya gusto,  mahirap gumalaw dahil siya ang malaking maaapektuhan.

CoveredWhere stories live. Discover now