(Kris)
Kinabukasan, maaga akong gumising para maghanda papunta sa trabaho ng bigla kong maalala si Mike.
Argh! bakit ko ba siya iniisip?
Muli kong ipinagpatuloy ang ginagawa kong pag-aayos ng buhok ko ng muling nagrewind ang mga sinabi ni Mike sa akin kagabi.
---"anong tapos? hindi ba responsibilidad mo bilang girlfriend ko na kausapin at ientertain ako bilang boyfriend mo kapag ganitong mag-isa lang ako "----
Responsibilidad!!
Big Word!
Ni hindi nga niya magampanan ang responsibilidad niya bilang boyfriend ko tapos nagdedemand siya sa akin ng ganon?Wooh!
Mababaliw na ako kakaisip sa mga sinabi niya, nagi-guilty na ba ako?Hindi! Huwag kang maguilty Kristina! wala kang kasalanan.
Pumunta ako sa kusina upang magluto ng almusal ng marealize kong, naparami pala ang mga ingredient na nahiwa ko.
Naalala ko na naman si Mike.
Eh kung damihan ko kaya lutuin ko at dalhan ko siya.
No! erase erase!Pero...... kawawa naman siya, baka hindi na siya puntahan ni tita Nancy dahil sa inaaway niya lagi.
Busy rin naman si manager kakaayos sa mga na-cancel na projects.Bakit ba kasi wala na siyang ibang kaibigan?
Masama kasi ugali niya.Huminga na lang ako ng malalim at nagsimula ng magluto.
Buo na ang desisyon ko, dadalhin ko lang ang pagkain na ito at aalis din ako agad.
Ganon na lang ang gagawin ko.*Sa Ospital*
Pagkababa ko ng taxi, agad akong naglakad papasok sa Ospital kung saan naka-confine si Mike.
Sa hallway pa lang, nagbubulungan na ang mga tao. Alam na kasi ng mga nurse at doctor dito na ako ang non-showbiz girlfriend ni Mike kaya siguradong pinag-chichismisan na nila ang buhay ko.Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ni Mike, agad sumalubong sa akin ang mga reporter na nagkukumpulan upang mainterview si Mike.
What the?!
Anong nangyayari dito?" Nandito na si Ms. Kristina! "
Sigaw ng isang reporter kaya nabaling lahat ng atensyon nila sa akin.
Bakit ako?" Bilang girlfriend, ano pong masasabi niyo sa nangyaring aksidente kay Micheal Angelo "
Siyempre nalungkot at natakot, alangan namang nagpaparty at nagdiwang ako? ano bang klaseng tanong yan?
" huh? ah-ahh b-bilang g-girl friend---"
Pautal-utal kong sagot..
" ---siyempre natural lang sa akin na mag-alala at matakot "
Sagot ko ng biglang nagtanong na naman yong isa.
" narinig namin mula sa mga nurse dito sa Ospital na parang may tampuhan daw kayo ni Micheal Angelo, tama po ba? "
Lakas naman pala ng signal ng mga nurse dito.
Nasagap agad nila na hindi kami okay ni Mike at ibinalita pa nila sa mga reporter.
Grabe! ibang ospital talaga to." I think, mali po yata ang nakarating na news sa inyo. We're okay at wala naman kaming pinag-aawayan. "
Sagot ko tiyaka plastic na ngumiti.
" I see, mukhang maayos naman kayo. Halata ko ngang may pabaon ka pang almusal para sa kanya "
Banggit na naman nila
At bakit naman napunta sa almusal ang usapan?
Chikadora na sila masyado ahh..
nakiki-alam ng wala sa oras.
