(Kristina)
Refreshed akong pumasok sa opisina dahil matagal din akong walang trabaho.
Dahil sa deal namin ni Mike, nagawa niyang ipakiusap sa tito niya na boss ko na bigyan muna ako tatlong araw na leave para makapagrelax, pagod na pagod na rin ako sa kahaharap sa desk top.
Nakangiti akong pumasok sa loob at bumati sa mga katrabaho ko.
Pagka-upo ko sa table na nailaan sa akin, may isang tao ang lumapit sa akin at kinausap ako."matagal ka na palang napromote, congrats"
sabi niya, tinignan ko siya at laking gulat ko ng makita ang mukha ng ex-boyfriend ko na nakatingin sa akin
"ohh Ron, nandito ka na pala.. hehe ahh oo, matagal na rin iyon"
sagot ko sa tanong niya
dahil sa awkwardness na nararamdaman ko ay kunwari busy busy-han ako sa pageencode sa laptop ko" pwede ba kitang maenvite sa isang lunch? may importante lang sana akong sasabihin"
nakakagulat na naman niyang tanong
please, huwag mo na akong kausapin, nagi-guilty ako sa ginawa kong pakikipagbreak sa yo" ohh sure, hehe saan ba? "
tanong ko with confidence pa
"sa dati, yong madalas nating puntahan noong tayo pa"
Sabi niya tiyaka umalis at pumunta sa table niya
Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng pintig ng puso ko sa sinabi niya, alam ko kasing hindi pa rin siya nakakapag-move on sa nangyari, lalo na't hindi maganda ang break-up namin
Pagkarating ng lunch time..
sabay kaming pumunta sa kainan na sinasabi niya.
Hindi na kami nagtaxi tulad ng dati dahil may kotse na siya ngayon."anong order mo? "
tanong niya"yong dati"
tugon ko
pero pagkatapos ay bigla kong binawi"ahh hindi pala, iba na gusto ko ngayon.. Ito na lang"
Saad ko sabay turo sa isang kakaibang pasta.
Ayoko na kasing orderin pa iyong dati kong kinakain sa lugar na ito.
Hindi maganda lalo na at ex ko ang kasama ko ngayon.Habang naghihintay kami sa order namin, kinausap niya ako about sa work
"permanently na nga pala akong magi-stay dito sa Manila, hindi na ako magtra-travel gaya ng dati"
Sabi niya.
What? sa totoo lang ay hindi ako natuwa sa sinabi niya
Ibig sabihin ay araw-araw ko na siyang makikita at araw-araw kong mararamdaman ang kahihiyan at guilt."good, mabuti naman kung ganon"
sagot ko sa kaniya sa kabila ng mga reklamo sa isip ko
" musta ka naman? "
Out of the blue niyang tanong?
So ito na ba iyong importante naming pag-uusapan?" okay naman, ikaw ba? "
balik kong tanong sa kaniya
" hindi eh, untill now, I can't still find the word 'okay' in my life"
natahimik ang buong atmosphere namin sa sinabi niya
Wala akong maisagot sa mga iyon, guilty attack na naman ako eh..
" sir, ma'am.. here's your order"
bati ng waiter ng makarating sa table namin
woohh! thanks to that waiter, niligtas niya na naman ako