10-happy born day

1 0 0
                                        

(Kristina)

Alas sais na ng gabi ng matapos ang photoshoot ni Mike,  halos lahat ng sulok ng bahay ay nalibot na namin ah,  infairness nakakapagod.

" Kristina! "

Tawag sa akin ng manager ni Mike.
Kaya lumapit ako sa kaniya.

" bakit po? "

Tanong ko

" remember our plan? "

Pabulong niyang sambit habang nakangiti pa.
OMG!
Ngayon na nga pala yon.

" ahhh hehehe opo "

" then what are you doing?  go to your room ang I will secretly give the mascot to you "

" now na? "

" yeah!  magsisimula na ang party maya-maya lang pagkarating ni Mike"

" bakit?  saan po ba siya pumunta? "

" pinuntahan nila ni direk yong basketball court sa bayan kung saan tayo next na mag-phophotoshoot, pero hindi naman talaga necessary yon,  kunwari lang yon,  dini-distract lang ni direk si Micheal kaya gora na at magpalit ka na doon,  on the way na raw sila pauwi rito"

Utos niya tiyaka ako tinulak-tulak paalis.
Wow!  so ganunan na lang tayo.
Tulakan na lang.

Pagkarating ko sa kwarto,  agad binigay ni direk yong susuotin kong mascot. Si Minnie mouse?
Minnie mouse talaga ah,  ni hindi ko bet ang cartoon character na yon.

Ang sabi ni direk ay lalabas lang ako kapag kumatok siya sa pinto ko kaya hanggang ngayon ay hinihintay ko siya.
Kahit na sobrang init ay tiniis ko,  baka kasi kapag tanggalin ko ito ay dumating si Mike,  mapupurnada na lahat ng plano.

Habang tahimik akong naghihintay sa loob ng kwarto,  narinig kong tumunog iyong cellphone ko.
Si..
Si..
Si Mike.

Bakit siya tumatawag, hindi ba pwedeng bilisan na lang niyang pumunta dito dahil init na init na ako dito sa suot ko?

" hello? "
Sabi ko.

" where are you? "
Saad niya.
Ni wala man lang 'hello' pambungad pa lang na salita niya ay galit na agad?

" I'm here at your house I mean at your parent's house,  why? "

" are you sure?  "

" what kind of question is that? "

" nandiyan ka ba talaga?  "

" you are doubting me again Mike!  kailan pa ako nagsinungaling sayo? "

Matapos ng sinabi kong iyon ay wala na akong narinig pang salita mula sa kaniya.
Pinatay nito ang telepono.

Wow!  so yun na yon?
Kahit birthday niya,  nakakabad-trip siya ah.

Makalipas ang labin limang minuto,  kumatok na si manager sa pinto ko,  ibig sabihin ay alam ko ng siya iyon.
Lumabas ako na nakasimangot,  mabuti na lang at nakasuot ako ng minnie mouse kaya hindi nila makikita ang mukha ko ngayon.

Naglakad ako pababa ng hagdan hanggang sa makarating sa pool area kung saan inihanda ang surprise kay Mike.

Naglakad ako ng dahan-dahan para hindi niya mahalata.

" and for the last surprise,  your favorite cartoon character,  minnie mouse"

Sigaw ni manager na nagsilbi ng emcee tiyaka ako tinuro.
Okay.
Dapat ba akong matuwa dahil ako ang last surprise na sinasabi?

CoveredWhere stories live. Discover now