15-Gabi ng Lagim

0 0 0
                                        

(Kristina)

" yup?  oo naman hindi naman daw masyadong natamaan yong buto niya kaya mapapabilis daw ang pagrecover niya"

Saad ko kay Din na kausap ko sa kabilang linya.
Tumawag kasi siya habang nakaupo ako at nagbabantay kay Mike na kasalukuyang nanonood sa TV.

" huh?  no hindi pa sure kung anong nangyari sa suspek "

Tugon ko sa tanong niya tungkol kay Carl Samonte.

" Oo,  kasalukuyang pinaiimbestigahan ang nangyari.. Yup,  nandito ako sa Ospital ngayon,  oo "

Matapos ang seryoso naming usapan tungkol sa nangyari kay Mike,  napunta naman bigla ito kay Ron.

" bakit anong nangyari kay Ron?"
Tanong ko kay Din dahil parang may hindi raw magandang nangyari sa kaniya kagabi.

" nagpakalasing kagabi sa isang bar tapos bigla na lang kumakatok sa bahay at hinahanap ka "
Sagot ni Din.

Napabuntong hininga na lang ako sa narinig ko.
O my Ron,  hindi siya marunong uminom dati pero bakit ganon,  umiinom at nagbibisyo na siya ngayon. Kasalanan ko ito eh.

" hinatid mo sana pauwi,  baka kung anong nangyari sa kanya "

Sabi ko pero kagaya ko,  narinig ko rin siyang nagbuntong hininga sa kabilang linya.

" siyempre inihatid ko sa bahay ng nanay niya,  baka kung anong gawin non no,  baliw pa man din yon sa yo "

Sagot niya.
Muli akong natahimik.
Guilt is killing me.

" ahh Kristina,  sabi nga pala ni Ron bibisita siya ngayon kay Mike diyan sa Ospital "

Nakakagulat na saad ni Din.
Napanik ako bigla kaya napatingin ako kay Mike.
Mabuti naman at parang wala siyang paki alam sa katawag ko dahil nanonood pa rin siya ng TV.

" pigilan mo siya na pumunta dito,  siguradong magagalit lang  si Mike,  hindi siya matutuwa "

Pagbibigay babala ko kay Din.

CoveredWhere stories live. Discover now