13-Carl Samonte

0 0 0
                                        

(Kristina)

" sandali nga at tikman natin, hmmmmm... nakuha mo ang timpla na gusto ni Mike.. pwede ka na talagang mag-asawa Kristina "

Tuwang tuwang bati sa akin ni tita matapos niyang tikman ang niluto ko.
OMG please don't mention about that kasi hindi naman mangyayari,  masasaktan lang kayo.. masasaktan lang ako.

Masaya kaming naghain sa mesa ng niluto kong pagkain dahil siguradong malapit na si Mike, siguradong gutom na gutom yon ng biglang may tumawag sa telepono. Busy si tita kaya ako na lang ang tumanggap sa tawag.

" hello po "

Sabi ko. Masaya pa ako noong una pero hindi ko na inaasahan ang mga sumunod na sinabi ng tao sa kabilang linya.

" si.. si... si Mike.. "

Nauutal-utal na sabi ng tao sa kabilang linya na kung hindi ako nagkakamali ay si Manager.

" bakit po si Mike?  anong nangyari sa kanya?  "

" si Mike... "

Muli na naman niyang banggit sa pangalan ni Mike..
Ano bang nangyari?  kinakabahan na ako

" bakit!  anong nangyari sa kanya?  Please tell me! "

Natataranta ko ng tanong.
I was shaking out of nervousness.

" nasa ospital siya ngayon.. naaksidente kanina.. please come.. he's in a critical condition"

Sinabi niya sa akin ang pangalan ng ospital matapos non ay agad kaming lumabas ng bahay ni tita at nagbiyahe pa-Manila.

" what happened to my son ang sabi niya ay makikipagkita lang siya sa isang tao tapos may pag-uusapan lang sila.. anong nangyari ngayon?  "

Hindi makapaniwalang sabi ni tita habang naluluha. Kasalukuyan kaming nasa biyahe ngayon kasama ang pag-asang malalagpagsan ni Mike ang mga ito.

" kanino po ba siya makikipagkita?"

Tanong ko.

" si Carl Samonte daw,  I don't even know who that guy is.. basta magkikita raw sila ngayon"

Napaisip ako bigla sa pangalan na binanggit ni tita. Pamilyar ito at parang narinig ko na noon pa.
Sandali,  bakit ko nga ba siya iniisip,  urgh! 
Hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si tita Nancy habang yakap-yakap ko.Pati nga sina Angel umiiyak din na iniwan namin sa bahay nila.  Pare-pareho kasi kaming nagulat sa pangyayari, bakit ganon parang kailan lang ay kausap ko siya tapos ngayon ito na ang nangyari,  parang kailan lang grabe ang inis ko sa kanya pero bakit ganito na ang nararamdaman ko.

Bakit

Bakit

Bakit

Bakit namimiss ko na siya bigla.

Urgh!  I hate it!  I hate myself!

Pagkarating namin sa Ospital dahan-dahan kong inalalayan si tita Nancy para makababa ng sasakyan. Nahihilo kasi siya dahil sa sobrang pagkadepress at dahil hindi pa kami naghahapunan.  Mabuti na lang ako dahil medyo bata pa ako kaya hindi pa masyadong nararamdaman ng tiyan ko ang gutom.

" saan ang room niya Kristina "

Tanong ni tita sa akin.

" sa third floor pa po tita "
Tugon tiyaka kami sumakay ng elevator.

Binuksan ko ang pinto ng room 302 at naunang pumasok si tita. Grabe ang iyak niya ng makita ang kalagayan ni Mike. Hindi pa ito nagigising kaya hindi pa namin makausap.
Tanging si manager ang nadatnan naming kasama niya sa loob ng kwarto kaya siya ang natanong namin sa nangyari.

" Nakangiti siyang nagpaalam sa akin noong isang araw tapos ngayon ganito na ang kalagayan niya na madadatnan ko?  what happened manager!  ipinagkatiwala ko siya sa yo "

Humahagulgol na saad ni tita kay manager.
Hindi na rin napigilan ng isa ang emosyon niya at napaiyak na rin.

" I am sorry po ma'am but I didn't  expect this to happen also,  pinayagan ko lang naman siyang lumabas dahil ang sabi niya ay imi-meet daw niya si Kristina pero makalipas ang isang oras bigla ko na lang nabalitaan ang nangyari now its all over the news already "

Paliwanag nito.
Nagulat naman ako ng bigla kong narinig ang pangalan ko na nadawit sa pangyayari kaya napasingit ako sa usapan.

" Huh?  makikipagkita siya sa akin?  ni hindi nga niya ako tinatawagan or tinetext man lang. Paano nangyari iyon?"

Naguguluhan kong tanong.

" iyon nga,  nagsinungaling siya sa akin dahil ang totoo pala ay makikipagkita siya kay Carl Samonte "

Tugon ni manager.

" Carl Samonte?  sinabi rin ni Micheal sa akin na kakausapin daw niya ang taong iyon. Sino ba siya? "

Nagtatakang tanong ni tita.

" he is the 1st runner up of Models 2018 "

Napatingin ako bigla kay Mike na kasalukuyang nakahiga sa hospital bed. Sumibol sa dibdib ko ang kakaibang kaba na hindi ko pa nararamdaman dati.  Bakit kaya sila magkikita?  may kinalaman ba ito sa pandarayang ginawa nila Mike?  Omygush!  sana naman ay hindi.

" Katatapos lang kanina na operahan ang kaliwa niyang binti. Mabuti na lang at hindi ganon kalala ang ginawang pagsagasa ni Carl sa kanya. Napakademonyo talaga non nakakatakot,  hindi ko lubos akalaing kaya niya itong gawin sa kapwa niya modelo "

Mas lalo na namang nanlumo si tita sa huling sinabi ni manager.
Bakit naman kaya iyon nagawa ni Carl? 

" Nasaan na po si Carl ngayon manager? "

Tanong ko, nakaramdam kasi ako ng takot. Kung kaya niyang saktan si Mike paano pa kaya ang ibang tao?  paano kung may masaktan siyang ibang tao?

" Kasalukuyan pa siyang pinaghahanap ngayon. Nagtatago sa kung saan man pero basta ang alam ko,  pagbabayaran niya ang ginawa niyang ito kay Micheal. "

Ohh Shoot!  Nakakatakot.
Paano kung balikan niya si Mike.
My mind was filled with negative thoughts. Paano kung saktan niya kami? 
Pero isinawalang bahala ko muna lahat at inisip ang kapakanan ni tita.
Lumabas muna ako saglit para bumili ng pagkain,  kailangan niyang kumain dahil baka hindi lang si Mike ang nakahiga diyan sa hospital bed mamaya.
Hindi ko kayang makita si tita na nahihilo dahil sa gutom.

-Covered-

CoveredWhere stories live. Discover now